Third Person's POV
"Nasa tapat na ako ng boutique. Nasaan ka na ba?" Tanong ni Josephine sa kanya nang sagutin ni Oasis ang tawag nito. Kapapasok lamang niya sa mall at kasalukuyang naglalakad patungo sa boutique na binanggit ni Josephine.
"I'm on my way. Five minutes top." Sagot niya sa babae at mas binilisan pa ang lakad. Inaantok pa talaga ang diwa niya at ayaw pa sana niyang iwan ang kanyang kama kung hindi lang sa nakakarinding ingay ng kanyang cellphone.
"Finally!" Impit na sigaw ni Josephine nang makita na siya nito.
"Good mo-" Ngunit hinalikan siya bigla ng babae sa labi kaya hindi niya natapos ang kanyang pagbati.
"Kumain ka na ba ng breakfast? Sasabay na raw sina Christian." Pagkabanggit ni Josephine sa pangalan ni Christian ay agad na napadako ang tingin ni Oasis sa likuran ng dalaga. Nakatayo nga roon ang kaibigan niya, may kasama itong babae na nakatalikod at bahagyang nakatago sa likuran ni Christian.
"S-Sure. Let's go?" Aya niya kina Josephine. Nagtataka siya sa klase ng tinging ibinibigay ni Christian sa kanya ngunit ipinagkibit balikat na lamang niya iyon.
"Ann, halika na." Narinig niyang tawag ni Christian sa kasama nito.
"Doon tayo kumain sa breakfast house na kinakainan namin ni Oasis. They have the best brewed coffee." Masiglang wika ni Josephine at ipinaghugpong ang kamay nila ni Oasis.
Nasa unahan lang nina Christian sina Oasis at Josephine na animo'y magkasintahan na dahil sa klase ng pagkakakapit ni Josephine sa lalaking kasama. "Kaya mo pa?" Tanong ni Christian sa kanyang kapatid sa naiinis na tono.
"Tss. Ano ba? Matibay kaya 'toh. Ako pa." Mahinang bulong ni Ann sa kapatid. Pigil-pigil niya ang luhang nag-uumalpas sa kanyang mga mata.
Sino lang ba siya? Siya lang naman ang non-existent Ann sa buhay ni Oasis. Ang secret admirer, ang panget na secret admirer. Napagawi ang tingin ni Ann sa kanyang unahan, bagay na bagay tingnan si Josephine at Oasis. Perfect couple.
Sino bang niloloko ko? Hndi nga niya ako napansin, diba? Sa isip ni Ann.
----
"Ito na po ba lahat, ma'am?" Tanong ng waitress kina Josephine. Kasalukuyan silang namimili sa menu ng naturang restaurant.
"Teka lang baka kulang pa. Makanin kasi itong kapatid ko, kulang pa ang sampung piraso ng panca-ARAY! Abuso ka na ah!" Natatawang sambit ni Christian nang batukan siya ng kanyang kapatid.
"May mga pasta dishes po kami na sine-serve. Icheck na lang po ninyo. Creamy carbonara po ang best seller namin." Imporma ng waitress sa kanila. Agad na hinalungkat ni Ann ang menu at tinungo ang pahina kung saan makikita ang pasta dishes ng restaurant.
"May baked meatballs spaghetti kayo?" Wala sa sariling tanong ni Ann sa waitress.
BINABASA MO ANG
Dear Oasis, (Completed)
Novela JuvenilMahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A