A.,
I said give me something to ponder, something that will lead me to you. Maraming kumakain ng baked spaghetti sa canteen, heck! I even eat that stuff everyday.
Reply to P.S.(1): Dream on.
Reply to P.S. (2): "Say something.. I'm giving up on you." That's a song.
P.S.: You forgot to answer my question. Why would you like to move on? I don't want to repeat myself again.
Oasis
"Bro, may partner ka na ba sa JS Prom?" Tanong ni James Moncieller kay Oasis. Isa si James sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ng lalake. Kung nais niya ng matinong kausap si James, Reymond, at Adrian ang nilalapitan ni Oasis.
"Wala pa." Maikling sagot ni Oasis bago ibinalik ang pansin sa binabasang libro, pero sa katunayan ay doon nakaipit ang sulat niya para kay A.
"Si Josephine hindi mo pa niyayaya?" Tanong ulit ni James sa kanya.
"Hindi pa." Si Oasis.
"Iyong totoo, si Adrian ka ba o ano?" Biro ni James na umani lang ng matalim na tingin mula kay Oasis.
"Chill ka lang.. Baka may iba ka ng gustong imbitahin. Meron na ba, Oasis?" Usisa ni James sa kanya. Minsan gustong-gusto ng bangasan ni Oasis ang pagmumukha ng mga kaibigan niya. Talo pa si Tito Boy kung mangintriga.
"James.."
"Hmmm.." Si James.
"Die." Sinamaan muna ng tingin ni Oasis si James bago tumayo sa kanyang kinauupuan at lumabas ng library.
BINABASA MO ANG
Dear Oasis, (Completed)
Teen FictionMahal niya si Oasis. Iyon lang ang description na kailangan. Huwag kayong ano.. HAHAHAHAHA Ang baliw na otor, - A