28: Steal

778 33 30
                                    

"Bumangon ka na." Unti-unting minulat ni Ann ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng kanyang kapatid na ginigising siya.

"Inaantok pa ako." Reklamo ni Ann sa kanyang kapatid saka nagtalukbong ulit ng kumot.

"Walang ganyanan. Bumangon ka na. Byernes naman ngayon kaya huwag ka ng tamad-tamad diyan. Bangon ka na, hintayin ka namin sa baba." Wika ni Christian bago lumabas ng kanyang silid. Dahan-dahan muling minulat ni Ann ang kanyang mga mata at napangiti. Hindi niya maiwasang kiligin nang maalala niya ang naging usapan nila ni Oasis.

Dahil sa naisip ay agad siyang bumangon. Bawal lumiban sa klase, sayang ang araw na hindi niya makita si Oasis.

Kinuha niya ang kanyang tuwalya mula sa rack na nasa gilid ng kanyang dresser bago tinungo ang banya at naligo.

=====

"Morning, Dad." Bati agad ni Ann sa ama nilang si Sebastian Quirol.

"How are you feeling?" Tanong ng kanyang ama nang makaupo na siya sa hapag-kainan.

"Good. Better." Nakangiti niyang sagot sa ama.

"I heard." Nakangiti rin na tugon ng kanyang ama sa kanya. Christian and her love their dad to the nth power. Ito na yata ang pinaka-cool na tatay sa buong mundo.

Sebastian Quirol trusts his children, alam niyang napalaki niya ng tama ang kanyang dalawang supling kahit na siya lang mag-isa ang tumaguyod sa dalawa. Maliban pala kay Christian, he still have some doubts about that son of him.

"Eat your breakfast. May thirty minutes na lang kayo bago magsimula ang klase. Mawawala na naman ako ng isang linggo. Christian, walang parties at sleep overs, naiintindihan mo?" Paalala ng matandang Quirol sa kanyang anak na lalake na tahimik lang na kumakain.

"Yeah." Nayayamot na sagot ni Christian pero may naglalaro ng ideya sa kanyang isipan kung ano ang gagawin niya sa isang linggo na wala ang ama.

"Watch your brother for me, okay?" Baling naman ni Sebastian sa anak na si Ann. Tumango lang ang dalaga sa gawi ng kanyang ama at ngumiti. "Aakyat muna ako sa itaas para ihanda ang mga gamit ko. Mag-ingat kayo palagi. Ang allowance at ang pang-prom ninyo ay nakadeposit na sa kanya-kanyang account. Huwag magwaldas ng pera, intiendes?"

"Yes." Sabay na sagot ng dalawa.

"And Ann, kanina pa naghihintay ang driver mo. Pakidalian mo na lang." Paalala ng kanyang ama bago tuluyang pumanhik sa hagdanan.

"Sino? Si Christian. Tss, atat lang mambabae 'yan." Pang-aasar ni Ann sa kapatid kahit na wala na sa kanilang paningin ang ama.

"Tss rin. Si Oasis kanina pa nasa labas. Tagal mo kasi gumisi-"

"Si Oasis?! N-nasa labas?" Agad siyang napatayo at napatakbo sa teresa ng kanilang bahay kung saan makikita ang kalsada sa labas. Inilibot niya ang kanyang paningin, hindi nga nagsisinungaling ang kapatid niya.

Nakita niyang nakaupo si Oasis sa hood ng kanyang sasakyan at abalang hinahalungkat ang kung ano sa kanyang cellphone. Napatakbo si Ann sa kusina at uminom ng tubig. "Alis na ako." Paalam niya kay Christian.

"Ang pagkain mo-"

"Bye!" Sigaw ng dalaga at kinuha ang bag sa sala bago tuluyang lumabas ng bahay.

Hinihingal pa siyang naglakad-takbo patungo sa kinaroroonan ni Oasis. "H-hi." Bati agad ni Ann nang makalapit kay Oasis. Agad na napatingala ang lalake at sumilay sa labi nito ang isang ngiti.

"Ready?" Tanong ni Oasis sa dalaga bago tumayo.

"Yeah."

Lumapit si Oasis sa kanya at kinuha ang bag na dala-dala niya. "Let's go then." Sabi pa ng binata bago ginagap ang kamay niya patungo sa passenger seat ng sasakyan.

"Get in." Ani Oasis nang mapagbuksan na siya ng pintuan matapos nitong ilagay ang kanyang bag sa likurang upuan. Agad namang pumasok si Ann sa loob ng sasakyan. Aabutin na sana niya ang seatbelt nang maunahan siya ni Oasis, ito mismo ang nagkabit ng seatbelt niya.

Hindi malaman ni Ann kung titili ba siya, kakabahan, sisigaw, o hihimatayin. Sobrang lapit ng mukha ni Oasis sa mukha niya. "T-thank y-you." Nauutal niyang wika sa lalake.

Ann almost let out a gasp when Oasis lowered his face and gave her a smack on the lips. "You're welcome." Sambit pa ni Oasis pagkatapos ay hinalikan ulit ang dalaga. "And good morning." At dinampiang muli ng halik ang mapupulang labi ng naestatwang babae. "Sorry not sorry."

Kagabi pa niya gustong gawin iyon kay Ann. Last night he realized what she is to his life. He realized that this very woman in front of him is the reason of his very existence.

"Can we make this, everything about us, official?" Tanong ni Oasis sa nakatitigilan pa ring dalaga. "You're not panicking, Ann. Not now. Not when I like to steal another kiss."

"A-ahh.. O-Oasis. M-ma.. M-mala-late na tayo." Tanging nasambit ng babe bago nagpakawala ng pinipigil na hininga.

Hindi mapigil ni Oasis na tumawa at ginulo ang buhok ng dalaga. "Answer me first. Is it a yes or-"

"Yes. Pero malalate na tayo so drive." Nakangiting sagot ni Ann bago tinampal ang noo ni Oasis. "Now drive."

"Bossy."

"Whatever." Si Ann.

"I like you, Ann. A lot."

"O-Oasis. Mala-late na tayo."

"I said-"

"Hoy! Aalis na kayo o aalis na kayo?" Sigaw ni Christian sa di-kalayuan.

"See?" Tinawanan ni Ann ang nakabusangot na mukha ni Oasis.

"Istorbo." Komento ni Oasis bago isinara ang pinto ng passenger seat. Sumaludo ito kay Christian bago gumilid patungo sa driver's seat.

"Ready, baby?" Gusto ng magwala ng puso ni Ann sa sinabi ni Oasis. Juskoh, baby lang naman iyon.

"Y-yeah."

A/N: Inatake na ng kilig ang author! She kennnnuuttt na raw! Hahahaha omg! Hoy wala kayo! Official na iyan! #OasisAndAnnPoreber hahahahahaha

Dear Oasis, (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon