"Alam mo? Hindi ko alam sa'yo kung bakit ka nagtitiis sa lalaking 'yon?! Nakakabwesit na!" Sigaw ng kaibigan sa kanya. Napalabi siya. Kanina pa ito naninirmon sa kanya."Ano ka ba, Aika? Okay lang ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. Lalo lamang itong napasimangot sa akin.
"Alam mo isang buwan mo ng sinasabi 'yan. Bakit ba kasi pinagtitiisan mo 'yong lalaking 'yon?" Nagaalala niyang tanong. Kumibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Nandito kami ngayon sa condo ko. Ewan ko kay Aika kung bakit niya naisipang dalawin ako dito, pero ayos nga 'yon para hindi ako mag-iisa sa condo ngayon.
"Ano ba kasing mayro'n ang lalaking 'yon?" Narinig kong bulong ni Aika. Hindi na lang ako umimik.
Bagong kaibigan ko si Aika. Magkaklase kami sa school na pinapasukan ko. Mabait siya, maganda, matangkad, at makinis ang balat. Mukhang suplada ang hilatsa ng mukha, pero sobrang kaibahan sa ugali niya. Sobrang bait 'yan, lalong-lalo na sa akin kahit na iba ang likaw ng utak. Siya pa nga ang unang pumansin sa akin noong unang araw ko sa school.
"May lakad ka ba ngayon, Aika?" Tanong ko sabay turo sa suot niyang damit. Mukha kasi siyang gagala kung saan.
"Not just me. But the two of us."
"Huh? Wala naman akong pupuntahan ngayon." Nagtataka kong sagot sa kanya.
"O talaga? Mabuti naman kasi ngayon mayro'n na."
"Saan naman?"
"Sa mall. Gagala tayong dalawa kaya bilisan mo na 'yang pagkain mo. Ang bagal mo kumain." Mabagal naman talaga ako.
"Ayaw ko. Alam mo namang may mga halaman ako sa garden ko 'di ba?" Ayaw kong naiiwan ang mga halaman ko ng mag-isa. Kaya lang pumapasok ako sa school kay napaka-imposible. Kaya naman kapag Sabado at Linggo sinisikap ko talagang makapaglaan ng oras para makasama sila.
"Iwan mo naman 'yang mga bulaklak mo kahit sandali. Dapat magkaroon ka rin ng rest day." Irap niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at mabilis na tinapos ang pagkain ko. Rest day ko ang pagaalaga sa halaman ko. Tapos rest day niya naman ang gumala kong saan.
"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Tanong ko habang naghuhugas ng plato ko. Hindi ko maintindihan si Aika. Minsan sumusulpot na lang bigla sa condo ko, tapos magyayaya ng gala sa kung saan-saan.
"D'yan lang sa Big World Mall."
Pinunasan ko ang kamay ko at umakyat sa kuwarto ko. Hindi ko na siya mapipigilan kaya magbibihis na ako.
"Why are you wearing... long skirt?" Tiningan ko ang reflection ko sa salamin.
"Hindi naman mahaba?" Alanganin kong sagot. Lampas babang tuhod ko ang kulay black na skirt ko. At nakasuot ako ng white long sleeves blouse.
"What do you mean 'not long'? Kung na lang umabot 'yan hanggang talampakan mo."
Mabilis itong naghalungkat ng damit ko sa wardrobe. Sinundan ko siya.
"Aika, tama na 'to. Hindi naman siya aabot ng talampakan." Pigil ko sa kanya.
"Alam mo? Dalaga ka na! Hindi ka na nene!" Naiinis niyang sigaw sa akin. Anong problema sa suot ko? Hindi naman mahaba, at lalong hindi maiksi.
"Pero ayos naman ang suot ko." Pagpipigil ko sa kamay niyang hihila sa hawakan ng drawer ng mga panty ko.
"Wala ng babaeng nagsusuot ng ganyan kahabang palda. Duh! Kahit nga iyong mga nagsisimba hanggang tuhod lang tapos ikaw hanggang talampakan? Sino ka ba? Si Maria Clara?" Pagtataray niya sa akin. Anong Maria Clara?
"Hindi nga ito mahaba, Aika." Pagmamaktol ko. Hindi ako sanay magsuot ng maiksing palda na kita ang tuhod ko. Nakakailang sa pakiramdam.
"Basta!" Tabig niya sa kamay ko. Wala naman akong nagawa kun'di panuorin siyang guluhin ang laman ng wardrobe ko.
"At anong hindi mahaba ka d'yan?! Lahat ng paldang lampas na tuhod mahaba. Ano pa kaya 'yang palda mong umabot ng talampakan mo?" Dagdag niya. Sinipat ko ulit ang palda ko. Hindi naman talaga siya umabot ng talampakan gaya ng sinasabi ni Aika. Masyado lang siyang exaggerated sa sinabi niya.
"Aha!" Iwinagayway nito ang leggings sa mukha ko.
"Ito, suotin mo. Ang pangit tingnan ng suot mo ngayon. Para kang magsisimba na hindi ko maintindihan." Napalabi ako sa sinabi niya at nagtungo sa CR ko. Wala talaga akong laban pagdating kay Aika.
Sinuot ko ang leggings na kulay itim at tiniklop ko rin ng tatlong beses ang manggas ng suot kong blouse.
"Wow... see? Mas gumanda ka lalo." Nag-init naman ang pisnge ko sa bungad ni Aika. Hindi ako sanay sa papuri.
"S-Salamat," Simpleng sagot ko. Hindi ko rin naman pweding sabihin na maganda siya. Dahil ilang beses ko ng sinabi 'yon sa kanya simula nang dumating siya sa condo ko.
Sabay kaming lumabas sa kuwarto ko at bumaba. Maganda ang hubog ng katawan ni Aika. Lalo pa't hapit na blouse ang suot niya kaya litaw na litaw ito.
"Itapon mo na 'yong mga palda mong mahahaba."
"Bakit naman?" Mahalaga sa akin ang mga 'yon. Hinding-hindi ko itatapon ang mga 'yon.
"Bibili na lang tayo ng bago." Maiksing sagot niya sa akin.
"Hindi ko naman kailangang itapon 'yon. Gagamitin ko na lang pantulog." Pagsuko ko. Plano ko naman talagang bumili ng mga bagong damit at jeans ngayon. Kaya gagawin ko na lang na pantulog ang mga palda kong 'yon.
"Ikaw bahala. Basta huwag ka ng magsuot ng gano'n kapag papasok sa school." Kibit balikat niyang sagot.
"Bakit? Nakakahiya ba para sa'yo?" Malungkot kong tanong. Ikinakahiya pala ako ni Aika? Sana sinabi niya ng mas maaga.
Lumingon siya sa akin at ngumit.
"Hindi. Masyadong badoy ang mga 'yon, hindi bagay sa mga magagandang tao kagaya mo." Umiwas ako ng tingin at pasikretong napangiti. Akala ko talaga Ikinakahiya niya ako bilang kaibigan niya.
"Ah... gano'n ba,"
"Hmm..."
...
"Aika, hindi tayo pweding magtagal dito huh? Iyong mga bulaklak ko kasi baka magtampo." Paalala ko kay Aika habang namimilo ito ng mga dress.
"Magalala ka kapag ako nagtampo. Naninira ako ng mga halaman." Masungit nitong sagot. Napanguso na lang ako. Ilang beses niya na akong tinakot ng ganyan. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag masyadong matagal dahil kailangan ko ps ulit diligan ang mga halaman ko. Pero ang tagal-tagal niya kung mamili ng mga damit.
"Pero, Aika-"
"Shut it, Leona Ynes. Iniinis mo na ako." Tinalikuran ko na lang siya at naghanap ng pwede kong upuan na hindi masyadong malayo mula sa kanya.
"Hay... mga anak ko naghihintay na sa bahay." Bulong ko sa hangin. Miss na miss ko na ang mga orchids ko. Bakit ba kasi ako pumayad kay Aika na pumunta sa mall na 'to. Sobrang layo sa condo. At anong oras na, hindi pa kami kumakain kasi babad na babad siya sa pamimili ng mga damit niya at nakalimutan niya yatang kasama niya ako.
"Lord sana hindi ako mamatay sa gutom dito."
BINABASA MO ANG
Mr. Neat: The Boy Next Door
RomantizmMaria Leona Ynes Montefalcon & Blake Angelo Saavedra Pwede kaya magsama sa isang lugar ang mainit at malamig? Paano na lang kaya ang apoy at yelo? Saan sila dadalhin ng tagu-taguan? Tuluyan na ba silang magtatago? O baka naman makahanap pa sila ng...