normal day

1 0 0
                                    

"MAYLENEEEE!!!!! Leche kang bata kaaaa kanina kapa dumating tapos matutulog ka lng?!!!  Hindi pa kami kumakain tapos ikaw nagpapahinga naaaaaa??!!!"sigaw ni auntie Lisa sinipa nya ako sa kama ko nakalimutan Kung mag luto ng hapunan nila sa sobrang pagod ko sa trabaho at school "pasensya na po auntie.. Bibilisan ko na pong magluto ".sabi ko habang pinipilit bumangon kasi sobrang Sama ng pakiramdam ko dinagdagan pa ng pag sipa nya sakin "at talagang bilisan mo dadating na si lucy at gutom yun kaya bilisan mo! "singhal nya.
Siguro Kung May nanay din ako pag uwi ko ng bahay May mag aasikaso sakin. Tumulo ang luha ko sa isiping yun kahit na hindi ko nakasama ang parents ko i still Miss them para bang May mga ala ala kaming hindi ko naman matandaan na nangyare Basta. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina maliit lng ang bahay nila Auntie tatlo lng ang kwarto kay lucy at yung isa kanila ni Tito ako dun ako banda sa May sala na kurtina lng ang harang at pag hinawi mo ay makikita mo na ang banig ko na nakalatag at iilang gamit. Pagkatapos Kung mag luto ay inihain ko na sa lamesa sakto namang dumating si Lucy.. Maganda si lucy nag mana sya Kay auntie.inirapan nya ako at saka nilapag ang mamahalin nyang bag na galing sa sahod ko samantalang ako dalawang taon ko ng gamit yung bag ko... Pag katapos Kung ayusin ang hapag ay pumunta ako sa tabi nila na nanonood ng tv sa sala tumingin si lucy sakin Ng nagtatanong para Bang sinasabi nyang hindi ako belong dun... Tumayo sila at pumunta sa lamesa nag simulang kumain ng di Man lng ako inaaya nag tungo na lng ako sa munti Kung kwarto at nag pahinga ng pagod at gutom...kelan kaya magbabago ang takbo ng buhay ko kelan kaya ako dadapuan ng swerte?  Nakatulog akong umiiyak nanaman
Ganun ang normal na araw ko mag aaral sa umaga magtatrabaho sa gabi uuwi ng bahay aasikasuhin sina auntie  matutulog ng pagod at gutom pipikit ng umiiyak yun yung normal day ko Kung may Mag bago Man sana yung ikasasaya ko naman 😔

Maaga pa pals ako bukas sa School...

Staring At You Where stories live. Discover now