Chapter 30

389 16 13
                                    

Walang ano - anong dumaan ang isang lalaking nakacivilian sa labas nang compound nila Adam.

Hindi ito masyadong pinansin nang mga gwardiya sa gate at mga nagrroam around na guards dahil muka naman itong hindi inosenteng sibilyan.


Malayo ang lugar na iyon sa centro nang bayan. Pero hindi pa rin maiiwasan na madaanan ito nang mga tao papunta sa mas liblib pang baryo doon.


Patuloy lang ang lalaki sa paglalakad na walang ano - ano na para bang palagi na itong dumaraan doon. Hanggang sa nakalampas ito at nakalayo. Pasimple niyang dinukot ang maliit na telepono nito sa kanyang bulsa at saka tinawagan ang kanyang kasama.


"Kamusta?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Confirm. Pero hindi kaya. Masyadong mataas ang mga bakod nito, punong puno din nang CCTV ang mga poste. Imposible makapasok dito sa higpit nang security. Madami ding guards sa loob." sagot naman niya.


"Ano!? Lintik naman! Eh pano ngayon yan?"


"Wag kayong mag - alala, may paraan pa naman eh. Hindi naman natin kailangang pasukin ang bahay para maisagawa ang ating plano."


"Paano?"


"Sabihin ko na lang pagdating ko dyan. Basta sabihin mo sa boss natin na, may plano na tayo." kalmado niyang sagot sa kausap niya.



"Siguraduhin mong ayos yang plano mo ah. Pag eto pumalpak, ikaw ang sisisihin ko!" pagbabanta naman neto sa kanya.


"Bat ako? Ako na lang tong gumagawa ng paraan. Eh kung kayo kaya ang mgplano, tignan ko lang kung may maisip pa kayong mas magandang paraan." sagot naman niya.



"Tss. O sige na. Basta umalis ka na dyan baka mahuli ka pa." saka nito ibinaba ang tawag.



*************************


Sobrang lakas nang ulan nang hapon na iyon. Nakaupo si Violet sa sala ngayon na nakangalumbaba. Kanina pa siya naghihintay sa kanilang lahat na dumating pero wala.

Wala na naman siyang magawa lalo at maulan sa labas.


Napansin niya ang natatakpang TV monitor na pagkalapad lapad na nandoon.


"Ang tagal ko na dito pero kahit kelan hindi man lang kita nakitang ginamit." sambit niya.


Maya - maya'y nilapitan niya ito.


"Paano ka ba gamitin?"

Ininspekyon niya ang bawat gilid at sulok nang monitor para malaman kung paano ito paganahin. May mga kable doon pero hindi niya alam kung anong gagalawin niya. Nakaayos kasi ang mga ito.

Sinundan niya ang plug na nakakabit sa monitor at isinaksak iyon sa outlet na nandoon.


Pagkuwa'y napansin siya ng isa sa mga maid.
"Maam, hinahanap niyo po ba ang remote?" tanong nito kay Violet.


"Ah . ---- Oo." pakunwaring niyang sagot.



"Maam, maupo na lng po kayo. Ako na lang po ang kukuha." sabi niya sa kanya.


Sinunod nalang niya ito pero pasimple parin nitong tinitignan kung anong susunod na gagawin nang maid nila.

"Pasensya na maam, itinago po muna namin pansamantala ang remote since naka install naman na po sa mga kanyang kanyang cellphones nila sir ang controls nang monitor at saka bihira nalang po kasi itong magamit." pahayag nang katulong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon