Chapter 11

159 19 1
                                    


Madaling araw palang.
3 AM
Naalimpungatan si Violet dahil nauuhaw siya.
Inayos niya muna ang kanyang buhok bago siya bumaba.

Nagtaka siya nang makitang nakabukas ang ilaw sa baba. Dahan dahan siyang bumaba ng hagdanan.

"Gising na kaya sila?"

Rinig niya kasing may mga nag uusap sa sala.
Sakto namang nasalubong niya pataas ng hagdanan si John na mukang nagulat nang makita ito.

"Aalis kayo?" tabong niya kay John.

"Uhm. Kailangan kasi Violet." napakamot ito sa ulo.

"Bakit?" tanong pa niya.

Narinig na siya nang iba kaya si Clint na ang sumagot dito.
Naghand sign na din si John na pupunta na ito sa taas kaya nagpatuloy nalng siyang bumaba sa hagdanan.

"Luke and I are going on a mission. Yung dalawa, urgent business matters na sa Cebu."

Nalulungkot siya na hindi man lang nila maisip magpaalam. Pero sa totoo lang, wala naman siyang karapatang magreklamo kasi nakikitira lang siya dito. Kaya hindi na lang siya ito ipinahalata.

"Anong misyon?" -.tanong ni Violet.

"Alam mo naman kung ano ang trabaho namin diba? Adam called us last night.
Tulog ka na din. Sorry kung hindi namin nasabi sayo" paliwanag ni Clint sa kanya habang inaayos ang kanyang mga gamit.

"It's okay..."mahinang niyang sambit.

Nakita niya naglagay si Luke ng mini gun sa kanyang sapatos.
Hindi na siya ngtaka pa. Sanay na siyang makakita ng mga ganon sa kanila.

Pero hindi pa rin niya maiwasang mag alala.

"Will you be okay?"

"Oo naman. Don't worry. Kasama namin ang ibang tauhan ni Adam..." pag aassure nito at saka siya pinat sa ulo.

"Si Adam?"
Wala kasi ito. Imposible namang natutulog pa ito.

"May pinuntahan siya kanina. Busy yun."

Ibig sabihin, maiiwan silang dalawa dito ni Adam. 'Hala' nasa isip isip niya.
Muka namang nabasa ni Clint ang nasa isip niya. Ngumiti ito sa kanya.

"Don't worry. Hindi yun nangangain ng buhay na tao"
Sabay tawa ito ng mahina.

"Hmp." - Violet. Bumusangot ang mukha nito.

"Darating na mamaya yung mga dating maids sa mansyon. Wag ka nang bumasangot jan." sabi nito habang tumatawa.

Aba! Ngayon lang ata niya nalaman na may mga katulong din pala sila. Akala niya, sila sila lang talaga ang naninirahan.
Akalain mo yun.

Mukang ready na silang lahat na umalis. Binuhat na nila ang mga kanya kanya nilang gamit at umaktong aalis na.

"Paano ba yan. Maiiwan ka na namin dito." - Clint

"Magpakabait ka kay Adam ha." sabay pat at gulo ni Luke sa kanyang buhok.
"If you need something, sabihin mo lang sa mga maids. Maraming guards sa labas. You'll be safe. Just stay inside. "

"Mag - iingat kayo. Wag kayong magtatagal."
Bilin niya sa kanila kahit na alam niyang kayang kaya nila ang mga sarili nila.
"John, Seth, pasalubong ko. Business trip naman ang pupuntahan niyo eh."

"Sure, sure" tugon nang dalawa as they waved their hands to bid a temporary goodbye.

"Bye. Violet"
Isa isa nilang sinabi as they step out the door of the mansion.

"Bye..." she waved.

Now. She's all alone AGAIN.

******************

It's already been 2 days. Hindi pa niya nakikita si Adam.

Thanks to their maids. Kahit abala sila sa kani-kanilang trabaho, kahit papano naffeel parin niyang may kasama siya.

Gigising siya sa umaga. Kakain. Walang gagawin maghapon kung hindi maghintay.
She was waiting for any commands pero wala, ni hindi pa nga niya nakikita si Adam.

*Knock* *Knock*
Nagulat siya sa kumatok. Maid lang pala.

"Maam, gusto daw po kayong makausap ni sir Adam."

Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya nang kaunting tuwa sa sinabi nito. Para siyang naeexcite na makita ito.

Dali dali siyang tumayo. Lalabas na sana siya ng kwarto niya nang madaanan niya ang malapad na salamin at makita ang kanyang sarili.

Hindi pa pala niya naaayos ang kanyang sarili.
Ang kanyang buhok, gulo - gulo.
At nakapantulog lang ito.

Inayos niya saglit ang kanyang buhok.

"Umaga naman. Ano namang masama kung nakapantulog ako." sabi niya sa kanyang sarili at saka lumabas.


Kung kanina, naeexcite siya. Ngayon, narealized niya hindi pala. Kinakabahan lang pala siya sa kung ano na namang pag uusapan nila ni Adam.
Sa pagkakatanda niya sa huli nilang pag uusap, pinapalayas siya nito.

'Paano kung magbago ulit ang isip niya? Paano kung palayasin ulit niya ako'
Tanong niya sa kanyang isip isip.

Dahan dahan niyang pinihit ulit ang seradura ng pintuan bago siya pumasok.
Mag e-ehem sana para makuha ang atensyon ni Adam pero may kasama pala ito. At mukhang inaasahan na nila ang pagdating niya.


"Ms. Violet. Sit down." sabi sa kanya nang nakasalaming kasama ni Adam.
"I think hindi ko na siguro kailangang mag explain pa... Here's your marriage contract with Mr. Madrigal. I need you to sign it."

Ramdam niya ang biglaang pagbilis ng pagtibok kanyang puso.

'Talaga bang gagawin ko ito'

Naipilig niya nang kaunti ang kanyang ulo para iwaksi ang ano mang naiisip niya. Kailangan niya itong gawin para mabuhay siya.
Wala siyang choice....

Kinuha niya ang ballpen at magpipirma na sana nang bigla siyang hinagisan ni Adam nang isa pang kontrata.

Tinignan niya si Adam pero wala itong expression sa mukha.

"Before you sign that one. Ito muna ang basahin mo." sabi nito sa kanya.

Inisa isa niyang binasa kung ano ang nakalagay sa papel na iyon.
Lahat yon ay conditions nang kanyang pagpapakasal kay Adam.

"Obviously, We cannot include such things on your marriage contract. So, we made a separate contract for it just to make things clear...
Basahin mo muna lahat before you sign..."
Paliwanag sa kanya nang lalaking nakasalamin.


Hindi na niya tinapos basahin lahat. Alam na din naman niya sa sarili niya na iisa lang ang laman nun. At yun ang ay sumunod siya sa lahat ng kagustuhan ni Adam.
Isa na dito ang hindi niya paglabas sa mansion.
Ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang kaligtasan.

Pinirmahan niya ito pati na din ang marriage contract na sinasabi nila at saka iniabot sa lalaking kaharap niya.

"You may go." sabi sa kanya ni Adam.

Nagbow siya at ngumiti bago ito lumabas.

"Ako na po ang bahala dito boss."
Narinig niyang sabi ng lalaki bago tuluyang maisara ang pintuan.

Akala pa man din niya magkakaroon din sila nang wedding ceremony. Hindi pala.
Hayyssss.


******************

Hi. Thank You po for Reading. :)
I hope you enjoy.







The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon