Chapter 8

188 25 2
                                    


"Sir, may naghahanap po sa inyo. "
Bungad sa kanya ng sekretarya niya ilang minuto pagpasok niya sa kanyang opisina.

"What? Si Mr. Mortel na naman ba ito? How many would I tell him na hindi ako interesado sa mga proposals niya. Tell him I'm busy."

Kaaga aga, nandito na naman ang mga mang iimbyerna sa kanya.

"Wala pa bang update sa contract natin kay Mr. Torres? Bakit ang tagal naman yata.
Call my private investigator. I need him right now."
Utos niya sa kanyang sekretarya.

"And also, minsan pang payagan niyong pumasok ang mga Mortel na yon sa office ko. Isasama ko kayo sa mga kakaladkarin ko palabas ng kompanyang to."

"Don't speak kung wala ka din namang sasabihing goodnews" sabay talikod niya sa sekretarya niya.

Napadungaw siya sa bintana ng office niya at napaisip.
He was thinking about Violet. Hindi niya alam but something is bugging him about her.
He was so sure na ngayon lang niya ito nakita at nakilala pero bakit ganoon na lang niya ito hindi mawala sa isip niya.

Sa kalagitnaan ng pag iisip niya at siya namang pagpasok ng private investigator niya sa kanyang opisina.
"Good you're here... I have a job for you"

---------------/----------/-----------/------------/-------------

Kanina pa hindi mapakali si Violet sa loob ng mansyon. Nalibot na din niya ang loob nun at kinabisado ang bawat aspeto nito para alam niya ang mga pinupuntahan niya kung sakali.

Naiwan na naman kasi siyang mag isa ngayon. Sana'y na din siya gaya ng dati. Ang kaibahan nga lang, hanggang sa loob ng kwarto lang siya noon pwedeng manatili.
Pero kahit ganun pa man, mahigpit na bilin parin sa kanya ng apat na wag siyang lumabas ng bahay.
Delikado raw at baka may makakita sa kanya doon.

"Ang boring... Ang laki ng bahay pero ang lungkot"

Nasa pintuan na siya ng kwarto niya nang marinig niyang bumukas ang malaking pintuan ng mansyon.
Sunod sunod na mga yabag ng paa ang narinig niyang pumasok mula rito.

"Andiyan na kaya sila?" Saglit siyang natigilan at napaisip. Bakit parang ang dami naman ata nila.
Bigla siyang kinabahan at dahan dahan sanang sisilip sa baba...

"Hanapin niyo siya!!! Wala kayong ititirang sulok na hindi niyo pa nadadaanan!!!"

May dalawang gwardiya ang sa gate ng mansyon. Dalawa naman ang nag iikot para sa kadagdagang securidad. Pero paano nila natakasan ang mga ito.
Wala man lang siyang narinig na mga putukan kaya sa palagay niya, magaling at inaral talaga nila ang bawat galaw ng mga gwardiya para hindi mahalatang nakapasok sila.

Hindi siya pwedeng tumunganga na lang. Mabilis pero dahan dahan siyang naghanap ng exit o kaya mapagtataguan habang hindi pa sila ngpupunta sa taas.

Takot na takot siya pero lagi niyang iniisip na wag magpanic. Sa pangatlong pagkakataon, buhay na naman niya ang nakataya ngayon. At sa punto itong, wala na siyang ibang aasahan na magliligtas sa kanya kung hindi ang sarili niya lang.

Pinihit niya ang mga pinto ng mga nadadaanan niyang silid pero nakalock ang mga ito.
Naisip niya ang office ni Adam. Baka may pwede siyang mapagtaguan doon. Agad siyang nagtungo dito.

Sa kasamaang palad, mukang nakalock pa yata ito.
Naririnig na niya ang mga papalapit na yabag ng paa na papunta sa kinaroroonan niya. Hindi na siya pwedeng bumalik pa dahil papunta na sila rito.
Kaya naman pinilit niyang buksan ang pintuan. Kahit anong gawin niya'y wala parin.

Sa pagpupumilit niya'y isang 'click' ang kanyang narinig mula sa doorknob ng pintuan. Tumunog ang malakas na Alarm nang bahay.
At biglang bumukas ang sahig na kanyang kinatatayuan. Nahulog siya mula rito at tuloy tuloy na napadausdos sa malazigzag na sliding platform nito.

--------/----------/-----------/------------/---------/-------/

Abala si Adam sa kanyang mga paper works nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Hindi na sana niya ito papansinin just like he always do tuwing busy siya pero iba ang tunog nito.

He knows it. Alarm to nang kanyang bahay.
Must be an emergency.

A fire??? Sino namang magsisimula nito. Naisip niya, may iba palang tao sa bahay niya.

May guards sa bahay niya. He assumed na they can handle it, besides malamang papunta na rin yung apat doon. Issilent mode na sana niya yung cellphone niya nang tumunog ulit ito.

It was Seth who's calling.

"Adam, did you received the alarm?"
Tanong ni Seth na halatang nagmamadali.

"What a stupid question, that was my house"..sagot nito.

"Tinawagan namin yung security sa mansion, and no one was responding. Inisa isa na din namin sipamg kinontact, but still.
I think it wasn't just a simple emergency...
We're on our way already" - Seth

"Do not call my men, but call the police instead. Tell them na may nagtrespass sa pamamahay ko. I'll be on my way."

He knew it. Natakasan nila ang mga guards.
How dare them disturb his property. Ganun na ba talaga kaimportante ang pakay nila at pati siya babanggain nila?

"You think, it was Violet again?" - tanong ni Seth sa kanya.

"Just hurry!!!" - Obviously, yes. Wala silang ibang makukuha sa loob ng mansion niya kung hindi siya lang.

-----------/-----------/----------/------------/---------/--------

I hope you continue reading :)

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon