Chapter 7

200 26 5
                                    


Violet woke up in a room. Feeling niya naulit na yung pangyayaring ito sa buhay niya. Iginala niya ang tingin niya sa paligid.
Maybe she's right, because this was the exact room where she is, the last time na nagising ulit siya.

What a coincidence, maybe a blessing or rather a destiny para sa kanya to be able to be kept alive by the same people who rescued her before.

Masakit parin yung balikat niya dala ng pagkakapisil ng nghahabol sa kanya kagabi.

'Bbbbrrrrrrrtt' her stomach blurted.
She's starving. Hindi pa pala siya kumakain since last last night. Kahit nanghihina pa, sinikap parin niyang bumangon. . .
Kakapalan nalang niya ang mukha niyang humingi ng pagkain para sa kumakalam niyang sikmura, at nang hindi siya mamatay sa gutom.

Napakaaliwalas ng mansyon. Namamangha si Violet habang bumababa sa hagdanan. Ang lawak pero wala man lang siyang makitang tao.

"Asan kaya sila?" - Violet

'Krrrrrrrurruruurururuur' pagkalam ulit ng sikmura niya.

"Kawawa ka naman. Wala ka pang karga simula kahapon" pagkausap niya sa kanyang tiyan habang hinihimas ito. Nararamdaman na din niya ang pagsakit nito na nagpapahiwatig na kailangan na talaga niyang kumain.

"Asan ba ang kusina dito???".
Sa lawak ba naman ng mansyon, hindi niya tuloy alam kung saang gawi siya pupunta.

Abala siya sa paghahanap sa kusina ng may maamoy siyang mabangong lalong gumising pa sa pagkagutom niya. Sinundan niya ang amoy at sa wakas, natunton din niya ang kinaroroonan ng kusina.

Sumilip siya doon at hindi siya nagkakamali, may nagluluto nga.
Nakatopless ito pero nakaapron.

'Likod palang ulam na. Pahingi nalang ng kanin.'
Pinilig niya ang ulo niya para walain ang ano mang nasa isip niya.
Agad siyang napansin ni Adam na nakatitig sa kanya kaya bahagya siyang nahiya.

"Sor..Sorrrryyyy. Babalik na lang ako sa taas"  sambit niya at saka siya tumalikod para umalis na nang narinig niyang magsalita si Adam.

"Sit. Kumain ka na. "

Sa pagkakaalam niya, hindi yun tanong kundi more on utos. Dahan dahan siyang lumapit sa table at umupo. Iniisip tuloy niya kung ipagsserve ba siya ni Adam o ano.
Tumayo nalng siya para kumuha sana ng pinggan at mga kutsara para hindi naman niya isipin na nag papaimportante siya.
Pero naunahan na ito ni Adam.

"Here."

Isang malaking bowl ng pagkaing may sabaw ang hinain sa kanya ni Adam. Hindi siya sigurado kung ano yun pero para sa kanya, mukha namang masarap. Hindi naman siguro siya lalasunin ni Adam, nasa isip isip niya.
Nilagtas niya nga ito kagabi.

"Sa..Salamat." 

Tinikman niya ito. Masarap. Dahil sa gutom na gutom siya, hindi na siya nagpaimportante pa.

Dahil busy sa pagkain, hindi napansin ni Violet na umupo na pala si Adam sa harapan niya.
Pinagmasdan niya ang dalaga at mariing tinitigan.

Kahit na mabilis at takam na takam ito sa kinakain niya, hindi pa rin maitatago sa mga galaw nito ang pagiging class sa pagkain.
Napaisip tuloy siya sa sinabing impormasyon sa kanya ng apat kagabi.

******Flashback*****

"Adam, we're very thankful na ikaw ang nakahanap sa kanya.. She's in danger. Akala namin hindi na namin siya makikita pa" ani ni Luke sa kanya na halatang concern sa dalaga.

Hindi na lang siya kumibo.

"Yung lalaking nahuli namin kanina. He told us na hindi raw ikaw ang pakay nito."
Napabaling siya kay Clint sa sinabi nito.
"He is or I mean, They're after Violet. Siya ang minamanmanan nito."

"That lady is becoming interesting..."
Lumapit siya sa nakahigang walang malay na dalaga. Tama sila, she's in danger. Hindi lang sa mga ordinaryong mga tao sa paligid niya pati na rin sa mga taong gusto talagang patayin siya.

"We never knew who this lady is. But one thing is for sure. Her life is at stake because of who she is."

Mas lalo tuloy siyang naintriga rito. Violet's identity became interesting nang bigla bigla.

"Adam, we know that this isn't our house. But we beg you. . . Tadhana na ang gumagawa para iligtas natin siya. Can we keep her?" - Luke

"We'll see." ani nito saka niya hinawi ang buhok ang buhok ng dalaga na bahagyang nakatakip sa mukha nito.

Napabuntong hininga siya bago umalis sa kwartong iyon.


*********End of Flashback**********


Napansin ni Violet na kanina pa nakatitig si Adam sa kanya. Naubos na rin ang kinakain niya. Nahiya na naman tuloy siya.
Tumikhim na lang siya para basagin ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Ehemmmm."

Napansin naman ito ni Adam kaya tumayo na din ito. At wala man lang pasabing umalis ito.

Hinugasan niya saglit yung pinagkainan niya saka lumabas sa kusina.
Sa sala, nakita niya yung apat na halatang kagigising.

"Violet!!! We're glad youre back!" - sinalubong agad siya ni Luke at niyakap nang makita siya na para bang bestfriends silang ang tagal na nilang magkakilala.

"Oucchhhh" napahigpit si yata si Luke sa pagyakap niya at di pa masyadong magaling ang balikat nito.

"Sorrrrryyyy. . . Sorrryyyy..."  - Luke

"Akala namin hindi ka na namin makikita. Kung bakit ka ba naman naglayas eh hindi ka naman namin pinapaalis"... - Seth

"Seth, bat parang galit ka?" pambubuska ni Clint sa kanya.

"What's important is she's safe already. Wag mo na ulit babalaking maglayas pa dito." - John

"Pero...." paano si Adam.

"Si Adam ba? We've talk to him already. We got your back" sabay kindat ni Clint sa kanya.
"Isa pa, siya kaya ang nag uwi sayo kagabi"

"Talaga??! Salamat!!!"
Naiiyak na siya sa tuwa. Wala naman siyang ginawang mabuti sa kanila pero ambabait parin nila sa kanya.

"Utang ko ang buhay ko sa inyo. Lalo na kay Adam. Kung wala siya kagabi, baka ano nang nangyare sa akin kagabi"
Maluha luha niyang sabi dahil naalala na naman niya lahat ng nangyare sa kanya, lalo yung kagabi na muntik na siyang makuha nung mga may masasamang loob.

"Oo pala, what happened yesterday? May kumidnap na naman ba sayo???! Tell us. We'll make sure na magbabayad kung sino man ang nagtatangka ng buhay mo." -- sabi ni Luke, clenching his fists

"Muntik na. I'm thankful that Adam came."

"I still wonder kung anong kailangan nila kay Violet..." -John

"If only I know. Ibibigay ko tantanan lang nila ako"
Kung sana lang kasi may naaalala siya. Sana....

------------------/-----------/------------/--------------------

Thank You for Reading....
Please continue reading. Please please please.
Comment your names din for special mention :)))

Baka mabigyan ko ng character names na gusto niyo :)

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon