Chapter 5

212 27 6
                                    


Matamlay ang apat sa trabaho ngayon. Nalaman kasi nilang naglayas na si Violet.
Ni hindi man lang sila nakapagpaalam. Sa mahigit dalawang linggong kasama nila ang dalaga. Naging magaan na ang pakiramdam nila sa kanya. Para na nila itong kapatid kung ituring kaya naman sobrang lungkot nila na wala na siya sa kanila.

"Adam, we're done. Nahanap na namin kung sino ang nagmamanman sayo. Kami na ang bahala. And we'll make clean for you..."

Kakahuli lang nila ngayon yung taong nakita nilang nagmamanman sa mansyon. First time na may gumawa nito sa kanila.

Katawag ni Luke sa Adam. Hindi na din sumagot si Adam sa kabilang linya at binaba na agad ang telepono niya. Wala na din naman kasi itong sasabihin.

May tampo ang apat sa kanya dahil sa paglayas ni Violet. Hindi naman nila ito kayang magalit sa kanya kasi malaki ang utang na loob nila sa kanya kaya hanggang tampo tampo na lang sila.

"What are we gonna do to this guy?" - Luke

"Don't know. Ikaw na mag interogate sa kanya. Specialty mo yan diba?" - John

"Hell No!! Kay Violet lang ako madaldal and not to this guy!" - Luke

Bumaling siya sa lalaking nakaupo at nakapiring na kakahuli nila.
"Hoy ikaw! Gusto mong mabuhay. Sabihin mo kung sinong nag utos sayo."

"Tignan mo, specialty niya talaga. Hayyyy"
Pabulong na sabi ni John kay Clint.
Palihim na napatawa si Clint sa sinabi ni John. Sa kanilang lahat, si Luke kasi ang pinakamadaldal.

"Patayin niyo na ako! Sigurado din namang papatayin nila ako!" - sabi ng lalaking nahuli nila.

"Sino? Sabihin mo. At least pag sinabi mo, nakatulong ka pa diba?" - Luke

"Hindi ko sila kilala. Inutusan lang ako! Kaya pakawalan niyo na ako!"

"Sino nga??? Ang kulit mo din eh no." - Luke

"You're too patient bro. Di rin naman yan magsasalita" - sabi ni John na parang naiinip na sa kanilang dalawa.

"Alam mo, wala ako sa mood ngayon para bumaril eh. I'm giving you the chance to save yourself pero parang wala eh..." pananakot ni Luke sa lalaki at pinarinig ang pagkasa ng baril.

"Hindi ko talaga alam!!! Hindi ko kilala kung anong pangalan nung lalaking nag utos sa akin!!! Naipit lang ako!!!!
Hindi rin naman kayo ang minamanmanan ko!!! Wala naman akong balak na masama!!! Kita niyo naman wala akong armas! Nabayaran lang ako para magreport sa kanila!!!"

Takot na takot na sabi ng lalaki.

"Sa tingin mo, sinong maniniwala sayo? Hindi kami pero pero sa mansyon ka nagmamanman???!
Hey we're not buying you're reasons!"
Sabay tutok ng baril sa sentido ng lalaki.

"Please maawa kayo. May pamilya ako!
At maniwala kayo, hindi talaga kayo ang target nila!" pagsusumamo ng lalake sa kanila.

"Sino!!!???"

"Yung BABAE!!! parang awa. Pakawalan niyo na ako!"

Natigilan silang lahat sa sinabi ng lalake. Nagtinginan sila at napaisip.

"Si Violet?..." Naguguluhang sambit ni Seth.

"Matagal na nilang pinapamanmanan sakin yung babaeng nakatira sa inyo. Minsan ko lang naman siyang nakita sa bintana...

Pagkatapos non, hindi ko na siya nakita. Araw araw ko siyang sinusubaybayan. Sinasabi ko nalang na nandoon pa siya sa inyo kahit hindi ko sigurado para lang bayaran nila ako."
Paliwanag ng lalaki.

"Sobrang kailangan ko ng pera para sa pamilya ko. Maawa kayo. Nasabi ko na din lahat ng nalalaman ko. Wala naman akong balak na masama..." mangiyak iyak na pagpapaliwanag pa ng lalaki.

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon