Chapter 28

123 9 1
                                    


"Walangya! Ang tagal ko nang gustong gumanti sa Madrigal na yon! Nangangati na ang mga kamay kong maghugas sa dugo niya!" sabay tapon sa kanyang sigarilyo na hindi pa nauubos.


"Bigyan mo pa ako!" utos niya sa tauhan niya na agad namang naglabas nang isa pang sigarilyo.


Isinubo sa kanya at sinindihan na din.



"Eh boss, ano pong plano???"



"Easy ka lang, makakaganti ka din. Maghintay ka lang sa mga hudyat ni Big Boss." ani nang kanyang kasama.


"Naiinip na ako! Bwisit!"




*********************



"Let me in!!!" pagpupumilit ni Lia na pumasok pagkatapos siyang harangan ng mga gwardiya sa department store.



"Sorry maam, pero bawal pa po kami magpapasok ng mga customers. Mamayang 4 pm pa po kami magreresume."



"The hell I care! Let me in!" asik parin niya na hindi pinansin ang paliwanag ng gwardiya.


Maya-maya dumating na din ang isa sa mga supervisor nila doon.


"Maam, sorry po pero nakareserved po kasi ang buong store sa ngayon. Balik nalang po kayo mamaya, we will resume din po."



Tumawa si Lia.


"Oh my Gosh! Am I push back already?? Ha!? Don't you know who I am?" pananakot niya sa babae.



"Sorry po maam. Hindi po talaga pwede."



"VIP ako sa store na to! And very soon, magiging amo niyo na din ako, and if that time comes,  I can get you fired if I want to! Kayong lahat!" she exclaimed to them.



"Oooops! Bro, may nagwawalang babae." sabi Seth nang makita si Lia.



Nabbored kasi sila sa loob kaya lumabas muna sila saglit.



"Baliw yata. Pakaladkad kaya natin?" sulsol naman nang kasama niyang si John.



"Tss. Akala ko ba naman kung sinong napakaimportanteng tao na ang nasa loob. Turns out, isang ahas lang pala!"
inis na sabi ni Lia nang makita din niya ang dalawa. "Let me in! Kung ayaw niyong ipasesante ko kayong lahat!"



"Sige, try to go inside. And you'll see, kaming dalawa na mismo ang kakaladkad sayo palabas." hamon ni Seth sa kanya smirking.


"Lia, come on! I dare you!" tuloy pa niya.



As much as she wanted to go in, natatakot din itong makaladkad palabas. Mas lalo lamg siyang mapapahiya pag ginawa niya yon.


"You think palalampasin ko to!? You'll gonna regret this! Sabihan niyo din yung Violet na ahas na yan, i gonna chase her to hell hanggat hindi niya binabalik sa akin si Adam!"


"Dami mong satsat. Alam mo, you better go bago ka pa talaga tuluyang mapagkamalang baliw dito." pagtataboy nila sa kanya.



"You'll pay for this!!" sabi nito bago nag walk out.




*********************



"Sundan mo sila. Do everything you can para malaman kung saan ang bahay ni Adam. Don't you dare call me again, not until you tell me what I wanted to hear!"



"Walang prob----" *toot* *toot* *toot*

Hindi pa nito natatapos ang kanyang sasabihin, rinig na nang lalaki ang pagbaba sa telepono ng kausap nito pagkatapos niyang maibigay ang utos sa kanila.



"Ano ba naman yang bago mong boss, masyadong mainit ang ulo. Tsk tsk tsk."



"Hayaan mo. Malaki magbigay yan ng pera sa mga plantsadong trabaho. Wag lang tayong papalpak." sabi nito sa kanyang kasama bago nila sinundan ang sasakyan nila Adam.



****************



"Mahal na Reyna, kumain na po tayo." yuko ni Clint sa kanya nang masalubong siya nito sa sala.


"Huy, ano bang ginagawa mo!?" saway nito sa kanya.


"Pinapatawag ka na po kasi nang mahal na hari." tawa niya na nakasunod kay Violet papuntang dining room.


Dumiretso siya sa tabi ni Adam. Doon daw kasi siya, insist nang apat sa kanya na hindi naman kinontra ni Adam.


"How's your memories?" panimulang tanong ni Adam sa kanya.


"Wala pang bumabalik na mga ala ala sa akin . . . Pero nitong mga nakaraang araw, masyado akong nagiging sensitive sa mga naririnig ko. Konting tunog lang, nabibigla o kaya naman nababahala ako."


"Sabi ni Doctor Chen, wala naman daw masyadong kahulugan yon. Maaaring part lang daw ito nang personality ko... Maliban don, wala na." pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.



"Maybe it's better that way." ani ni Clint.

Tinignan siya ni Violet na parang nagtatanong kung bakit niya nasabi iyon.


"Kasi baka pag may naalala ka, iwan mo na kami."


Tinignan niya si Adam na walang reaksyon sa sinabi ni Clint. She's thinking na, pag dumating amg araw na yon, it's not for her to decide naman kung mag sstay siya o hindi. The question would be, "if Adam will still let her stay...


Hindi na siya sumagot. Sakto namang dumating na din ang mga pagkain nila kaya nadivert na din ito ang mga atensyon nila.


Madaming pagkain ang inihain sa kanila. Pero mas nangibabaw sa kanyang paningin ang soup na nasa harapan niya.


Naalala niya tuloy yung unang beses na naaalala niyang kumain siya nito, at yun ay noong ipinagluto siya ni Adam. Bahagya siyang kinilig inaalala yun.


Sino ba naman ang hindi kikiligin na ipagluto nang isang Adam Madrigal na kagaya niya.

"Il a bon goût." mahinang nasabi nang tikman niya ito.


Bigla siyang tinignan ni Adam. Hindi ito nakalampas sa pandinig niya.


"What did you just say?" he asked.


Napatingin silang lahat kay Violet.


"Sabi ko. . . masarap yung soup." inosente niyang sagot. Kahit siya wala ideya sa nasabi nito kanina.


"Violet, I heard you spoke it in french." di makapaniwalang sabi sa kanya ni Luke na kaharap niya lang.



"I did?"


Una, nalaman niyang marunong pala siyang maghandle nang baril. And now, alam na naman niyang magsalita ng french. Ano na naman bang susunod na marereveal sa kanya???


Maaalala na kaya ni Violet ang kanyang tunay na pagkatao?




**********************

Hi Fellow Readers. Sana nagustuhan niyo 😊 Please Comments your thoughts or any suggestions below 😊

-MysteriousAngel

The Mafia Series: Adam (#RosesAwardsJune2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon