*Seungri's POV*"Ate...." bulong ko
"S-seungri?" tanong niya tumango naman ako at lumapit sakanya saka siya niyakap ng mahigpit
Siya pala yung babaeng laging nasa panaginip ko...
Siya ang kakambal ko
Siya ang ate ko
Siya si nancy mcdonie
"Seungri...."bulong niya
"Kamusta ka na?"sabi niya at humiwalay sakin
"Ayos lang po ako kayo? S-sila m-mommy?" tanong ko
"Ayos lang din kami"sabi niya at tinitigan ako
"Finally nahanap na din kita" sabi niya at niyakap nanaman ako
"Ang tagal kitang hinanap seungri.... Nung nawala ka iyak ng iyak si mommy alam ko na sinisisi niya ako sa pagkawala mo dahil ako yung huling kasama mo bago ka mawala. Pati si daddy ay di na ako pinapansin kaya umalis na ako ng bahay" paliwanag niya
"S-saan ka nakatira?"
"Sa condo hanggang ngayon ay ganun parin ang pakikitungo nila sakin. Kahit maganda na ang buhay namin ngayon walang pinagbago kahit nga nung graduation ko nung elementary highschool at college ay hindi sila umattend inaamin ko naman na kasalanan ko kung bakit ka nawala"
Nalulungkot ako kay ate hinawakan ko nalang ang kamay niya tsaka siya nginitian
*ring*ring*
Kinuha ko naman yung cellphone ko at tinignan yung natawag
Incoming call: Babe Yeonwoo <3
Patay!!!
Nakatingin lang ako sa cellphone ko at di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi
"Bat di mo sinasagot?" napatingin ako kay ate ng magsalita siya
Napalunok ako at sinagot ang tawag
"H-hello?"
(Where the hell are you seungri mcdonie?!)
Lagot ako!!!!
(Hey!!!)
"Sino ba yan seungri?" nakakunot na tanong ni ate
(Sino yun? May kasama ka? Babae?!)
"Uhm papunta na ako diyan wait for me"
(Wha-)
*toot*toot*
Pinatay ko na agad yung tawag at nilagay sa bag ko
"Sino yun? Naririnig ko sinisigawan ka niya"
"Wala yun ate"
"Sino nga?!"
Parang si yeonwoo tong kakambal ko
"My girlfriend" sabi ko nalang
"Gilfriend? Pero sinisigawan ka?"
"Nag-aalala lang siya"
"Hindi yun sapat na rason para sigawan ka"
"Sobra lang siyang nag-aalala para sakin ate"
"Kahit na, grabe kaya makasigaw rinig na rinig ko tsaka nagcr ka lang naman ah"
"Kanina pa ako nagcr eh diba nabangga nga kita tapos nag-usap pa tayo malamang sa malamang ay naiinip na yun dun"
"Eh di sana sumama siya"
"Gusto nga niya"
"Bat wala siya dito?"