*Yeonwoo's POV*
"Baby gusto mo nun?" turo ni dad sa nagtitinda ng dirty ice cream ngumiti lang ako at tumango
Nasa park kami ngayon kasama ko si dad,si mom at hyebin naman ay bumili ng makakain namin sa mcdo malapit dito
"Manong isang mango nga po ano sayo baby?" baling ni dad sakin
"Chocolate po dad"
"Tsaka isang chocolate din po"
"Teka yeonwoo ikaw ba yan?" napatingin ako kay manong
"Kuya! Ikaw po pala yan" bati ko
"Magkakilala kayo?" tanong ni dad
"Yes po sir, suki ko po yan dito si yeonwoo kasama si seungri,teka asan pala siya?" tanong ni kuya sakin
Umiwas ako ng tingin "Wala na po siya eh" nakita ko naman na nalungkot siya sa sinabi ko
"Ganun ba? Oo nga pala nabanggit mo sakin isang beses na may sakit siya. Eto na yung ice cream niyo oh" kinuha naman yun ni dad at binayaran
"Thank you po sir! Yeonwoo balik ka ah" ngumiti lang ako kay kuya bago kami tuluyang umalis
Tahimik lang kami ni dad na umupo sa bench
Napatingin ako sa isang bench malapit sa fountain kung saan madalas kami umupo don ni seungri
"Babe picturan mo nga ako dito" sabi niya at inabot sakin ang cellphone niya
"1...2...3...smile!"
Kinuha naman niya yun at tinignan
"Uwahhh!! Ang ganda babe!!" sabi niya
Ngumiti lang ako at hinila siya paupo sa isang bench malapit sa fountain
"Dito tayo lagi uupo babe ah" sabi niya
"Sige ba! Gusto mo ice cream?" tanong ko
Nagningning naman ang mata niya sa sinabi ko "Sige tara!"
Pagtapos namin bumili ng ice cream ay bumalik na kami sa bench
"Thank you sa araw na to babe" sabi niya at sumandal sakin kaya inakbayan ko siya
"Thank you din babe i love you"
"I love you moreee" sabi niya sabay pahid ng ice cream niya sa ilong ko at tumawa
Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya binitawan na niya ang ice cream niya sabay takbo
"You're dead!" sabi ko binitawan din ang ice cream ko at hinabol siya
Naramdaman ko naman ang kamay ni dad sa pisngi ko kaya napatingin ako sakanya
Ngumiti lang siya sakin at inakbayan ako kaya sumandal ako sakanya
Dad is like my bestfriend, he's my first love,my supporter,my hero,my king
"Gusto mo pumunta sa london?" biglang sulpot ni mom
"London?"
"Mmm dun ka muna magstay para naman malibang ka" sabi naman ni dad
Napabuntong hininga nalang ako
"Pero paano po yung company?" tanong ko
"Don't worry anak ako ng bahala dun" sabi ni dad napangiti nalang ako
***
"Sure ka na ba diyan dachilie?" tanong ni hyebib sakin habang pinaoanood akong magimpakeTumigil ako saglit at tumingin sakanya