1 year later
"Baka naman gusto mong bilisan" sarcastic na sabi ko kay jane
"Oo na eto na nga oh" sabi niya at kinuha na ang maleta niya
"Kahit kailan talaga napaka bagal mo kumilos" sabi ko
Uuwi na kami ng pilipinas
Yes kami
Isasama ko si jane para makilala na siya nila mom and dad
Tsaka kailangan ko na rin dalawin si seungri baka multuhin na ako nun dahil isang taon ko na siyang hindi nadadalaw
Hanggang ngayon ay di ko pa din nahahanap si NJ the green hair girl
Pagdating namin sa airport ay saktong tinatawag na ang flight namin kaya nagmadali na kami ni jane
Umupo na agad kami at as usual sa may bintana ako nakapwesto
"Tsong dun ako sainyo titira ah" sabi ni jane
"Tss kapal talaga ng mukha mo" sabi ko at sinalpakan ng earphone ang tenga ko
Sa bahay naman talaga siya titira eh wala naman siyang kamag-anak only child ang daddy niya pati yung mommy niya, nagiisang anak din siya yung lola at lolo naman niya at wala na rin sabi niya parehas daw namatay sa airplane crash ang parents niya
Inaantok ako,matutulog muna ako
***
"Tsong gising!" nagising ako ng may tumatapik sa pisngi ko at yumuyugyog sa balikat ko"Ohhh???"
"Gisisng na tsong! Andito na tayo" excited na sabi niya na ikinadilat ko
Nasa pilipinas na agad kami? Bat parang ang bilis
Inayos na namin ang mga gamit namin at lumabas na
"Woahh!! Grabe ilang years din ng huli kong punta dito" sabi niya
Napailing nalang ako sakanya at pumara na kami ng taxi
Hindi alam nila dad na uuwi na kami ngayon eh
"Tsong kinakabahan ako" sabi ni jane habang nasa taxi kami
"Bat naman?"
"Baka kasi yung daddy mo ay tigre tapos yung mommy mo dragon nakakatakot yun" natawa nalang ako sakanya
"Dami mong alam! Di noh mababait yun" sabi ko
"Kahit na kinakabahan parin ako"
Pagdating namin sa bahay ay kapit na kapit sakin ang kupal
"Aray ko! Masakit na ah!" sabi ko daig pa kasi ang tuko kung makakapit sakin
"Kinakabahan kasi ako" sabi niya at nagpout
"Bakit ka naman kinakabahan iha?"
Napatingin kaming dalawa sa likod ng biglang may nagsalita
"Dad!!!" sigaw ko at tumakbo tsaka niyakap si daddy
"Namiss kita dad" sabi ko
"I miss you too baby bakit di ka manlang nagsabi na uuwi ka na pala?" he asked while he caress my hair
"Gusto ko lang kayo isurprise" sabi ko at ngumiti
"Ang haba na ng buhok mo anak, nag pakulay ka?" ngumiti naman ako at tumango
"Bagay sayo"
Pumunta naman ako kay mom at niyakap siya "Akala ko di mo ko yayakapin eh" natawa naman ako sa sinabi niya