*Nancy's POV*
"Dahan-dahan lang ah...." sabi ko kay yeonwoo
"I'll be gentle...."bulong niya
"Ipapasok ko na ah" tumango nalang ako sa sinabi niya
"Aray! Sabi ko dahan-dahan lang eh!" sigaw ko at pinalo ko siya sa braso
"Dinahan-dahan ko lang naman ah! Wag ka kasing malikot!"
"Bakit ba kasi andilim?! Buksan mo kaya yung ilaw para makita mo, kung saan saan mo kasi pinapasok eh!"
Napakamot naman siya ng ulo at binuksan ang ilaw
"Bilisan mo na! Ipasok mo agad para matapos na"
"Sabi mo dahan-dahan" sabi niya at nagkamot ng batok
Sinamaan ko naman siya ng tingin
"Wag ka ng puro satsat! Bilisan mo na"sabi ko
"Ipapasok ko na ulit ah" sabi niya
After ng ilang minutes ay napasok na rin niya
"Yun! Whew finally!"sabi niya at ngumiti
Tumingin namam ako sa salamin at tinignan yung hikaw na bigay niya
"Ang ganda..."bulong ko
Niyakap naman niya ako at hinalikan ako sa pisngi
"Parang ikaw" sabi niya at ngumiti
"Tara na?" aya ko tumango naman siya at humiwalay sakin
"Tara"
***
"Gutom ka na ba?" tanong niya tumango naman ako
"Tara kain tayo,san mo ba gusto?"
"Mcdo" sabi ko habang nakangiti
"Ok tara!" sabi niya at hinila ako
Habang nakain kami ay tahimik lang siya "May problema ba?" tanong ko umiling naman siya
Maya-maya ay biglang nagring ang phone niya kinuha naman niya yun at umalis ng walang paalam
Pucha!
Anong nangyayari sakanya?
Tss
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa siya
Bahala nga siya
It's been a month ng maaksidente si yeonwoo
Sa pagkakaalala ko ay wala naman kaming naging problema
Baka may period kaya moody
*ring*ring*
Tinignan ko naman kung sino yung natawag sakin
Incoming call: Love<3
Kinuha ko naman yun at sinagot
(Where are you?)
Ang ganda ng bungad sakin noh?
"Nakain pa"
(Di ka pa tapos? Tss pagtapos mo umuwi ka na)
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya
"Asan ka ba?"
(Umuwi na ako)
Anak ng teteng!
Iniwan ba naman ako dito?!
"Umuwi ka na? Tapos di ka manlang nagpaalam ng maayos! Tss napaka gandang date to ah!" sarcastic na sabi ko
(Umuwi ka nalang pagtapos mo kumain)
