Chapter 7: It Hurts

263 9 2
                                        

*Yeonwoo's POV*

Kanina pa ako paikot ikot sa kama ko pero di ako makatulog

Di kasi ako sanay na walang seungri sa tabi ko

Walang seungri na nakaunan sa braso ko

Walang seungri na nakayakap ng mahigpit sakin

Walang seungri na umaamoy ng leeg ko

Walang seungri na humahampas bigla ng unan sa mukha ko

Walang seungri na bigla bigla nalang sasakay sa likod ko

Tumulo nanaman yung luha ko ng maalala ko yung mga kalokohan namin sa condo

Hanggang ngayon ay di parin nagsisink in sakin ang lahat

Sana panaginip nalang to

Niyakap ko nalang yung unan ko at doon umiyak ng umiyak

"Babe kiss mo nga ako dito dali!" sabi ko at tinuro yung pisngi ko

"Ano ka ba babe andami kayang tao dito...Lima" sabi niya at naghand gesture pa ng lima natawa naman kami parehas sa sinabi niya

"Wala akong pake dali na isa lang" pangungulit ko

"Aish!" sabi nalang niya at kiniss parin ako sa cheeks na ikinangiti ko

"I love you" bulong ko

"Psh i love you too" napailing nalang ako sakanya. Yung tipong kahit naiinis na siya pero love niya parin ako haha

Napaiyak pa ako lalo ng maalala ko yun

Tumayo ako kinuha yung box na naglalaman ng mga gamit ni seungri

Kinuha ko yung picture frame naming dalawa at tinitigan yun

Miss na miss na kita seungri...

May nakita naman akong note nakaipit sa picture frame

Kinuha ko namam yun at binasa

Babe,

Alam kong wala na ko sa mundong to pag binasa mo na to. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal kita, Ayokong nakikitang umiiyak kaya wag kang iiyak pagtapos mong basahin to ah! Mangako ka! Kundi mumultuhin kita de joke! Yeonwoo.... Ayaw kitang makitang malungkot, gusto ko na masaya ka palagi.

Yeonwoo, ayaw kitang itali sakin gusto ko na magkaroon ka ng bagong mamahalin mo at mamahalin ka ng sobra,pinapalaya na kita yeonwoo mahal na mahal kita kaya gusto ko na nakikita kang masaya. Don't worry ayos lang sakin kahit may minamahal ka ng iba, mabuti nga yun kesa magmukmuok ka. Alam kong mahirap gawin yun kasi apat na taon din tayo pero alam ko naman na kaya mo matapang ka diba?

Kumain ka sa tamang oras,wag na wag kang magpapalipas ng guton. Kundi magagalit ako, alam kong alam mo yan kaya gawin mo. Mag-iingat ka lagi,babantayan kita, lagi mo rin akong dalawin ah kundi.... Nako yeonwoo lee

Sana makita mo na ang babae na para sayo... Mahal na mahal kita

-Seungri

Napaiyak nanaman ako sa nabasa ko

Sorry babe... Kung hindi ko natupad yung pangako ko na hindi ako iiyak pag natapos ko ng basahin to

Niyakap ko yung picture frame naming dalawa at doon ko binuhos ang luha ko

Mahal na mahal din kita seungri....

***
"Dachilie!!!!" nagising ako sa malakas na sigaw na narinig ko

DestinyWhere stories live. Discover now