Chapter 2: Moments

338 8 0
                                    


*Seungri's POV*

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko kay yeonwoo na kakapasok lang ng kwarto namin

"Babe naman...."

"Ano?!"

Imbes na sagutin ako ay nagpout lang siya

Ugh! Bakit ang cute cute niya?

"Babe sorry na...." at lalo pang humaba yung nguso niya

Di ko nalang siya pinansin at naupo nalang sa kama tsaka nagbasa

Lumapit naman niya at huniga sa lap ko

"Babe bati na tayo?" tanong niya habang nakangiti ng malapad

Di ko ulit siya pinansin at patuloy lang ako sa pagbabasa

"Babe"

"Babe"

"Seungri Mcdonie"

"Seungri Lee"

"Babe"

Kanina ko pa pinipigilan na ngumiti konti nalang talaga

Tumayo ako at pupunta na sana sa bathroom ng biglang sumakit ng sobra ang ulo ko

Napahawak ako don at napapikit sa sobrang sakit

"Babe ok ka lang?" tanong ni yeonwoo at lumapit sakin

Di naman ako makasagot dahil sobrang sakit ng ulo ko. Dahil nanaman to sa....tsk

"Babe?"

Dumilat ako ng mawala na ng sakit ng ulo ko

Nakita ko ang mukha ni yeonwoo na alalaang-alala niyakap ko nalang siya

"Anong nangyari babe?" tanong niya habang nakayakap rin sakin

Meron akong brain cancer stage 2

Hindi ko yun sinasabi kay yeonwoo kasi ayokong mag-alala siya

"Okay lang ako babe" sabi ko

"You sure?" tumango nalang ako

Dalawang beses ng sumakit yung ulo ko ngayong umaga. Una kanina habang nagluluto si yeonwoo at yung pangalawa naman ay ngayon

Bumitaw na ako at humiga sa kama sumunod naman siya at pinaunan niya sakin ang braso niya

"Sigurado kang okay ka lang ah" natawa naman ako sakanya

"Opo"

*knock*knock*

"Pasok!"

Pumasok naman ang dalawa na mukhang bati na rin

"Maaga pa naman at mamaya pa tayo pupunta don. Makikitulog muna kami dito ah" pagkasabi nun ni hyebin unnie at sinara na niya ang pinto

"Pupunta saan?" tanong ko kay yeonwoo habang nakakunot ang noo

"Kila mommy. Dun daw tayo magdidinner mamaya" napatango nalang ako

"Sa new year din. Dun ka daw mag diner sabi nila mama" sabi ko tumango lang siya at niyakap nanaman ako

"Buti hindi nasira buhok mo dito sa highlight" sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko

"Nope. Maganda naman diba?" tanong ko. Ang bango ng leeg niya

"Mmm sobra"

"Maganda din naman yang short hair mo" sabi ko at humikab

"Tulog nalang tayo babe" sabi niya na ikinatawa ko

DestinyWhere stories live. Discover now