*Nancy's POV*
"Tara"aya niya
"Where?"
"Kay seungri" sabi niya at ngumiti yung ngiting lalong nagpapahulog sakin
Tumango lang ako tsaka pumunta sa sasakyan ko siya naman sa sasakyan niya
Habang sinusundan ko ang kotse niya napaisip ako
Siya pala yung sinasabi sakin ni seungri na girlfriend niya
Napailing nalang ako
As if naman na magustuhan ako ni yeonwoo
Pagdating namin dun ay dumiretso agad kami sa puntod ni seungri
Umupo siya at tumingin sakin saka pinat ang tabi niya kaya umupo ako don
"Kakagaling ko lang dito kanina pero bumalik ulit ako namiss kita eh" sabi niya at tumawa
"Paano?" tanong ko habang nakatingin sa puntod ni seungri
"Huh?"
"Paano kayo nagkakilala?"
Napabuntong hininga naman siya
"3rd year college ako nung makilala ko siya. Binubully kasi siya kaya tinulungan ko siya green din yung buhok niya dati gaya ng sayo" sabi niya at tinuro ang buhok ko
"Tapos nung makita ko siya. Bumilis yung tibok ng puso ko tapos parang nag slow motion yung paligid. Tinanong ko kung ano yung pangalan niya kaso di siya nagsasalita kaya hinayaan ko nalang then tinandaan ko yung mukha niya kasi ang ganda niya para bang na love at first sight ako sakanya. Gusto ko sana siyang lapitan kaso natotorpe ako kaya nagipon muna ako ng lakas ng loob hanggang sa nabalitaan ko na umalis na pala siya ng school kaya syempre nasaktan ako. Mahal ko yun eh then after one year nalaman ko na bumalik siya, nung nakita ko ulit siya nagiba na yung kulay ng buhok niya color brown na at may highlight na rin naisip ko bakit nung nakita ko ulit siya di naman bumilis ang tibok ng puso ko tapos hindi rin nagslow motion pero alam ko,alam ko sa sarili ko na mahal ko parin siya kaya hindi na ako nagaksaya ng panahon at nakipag kaibigan sakanya"
"After ng ilang months ay nagdecide ako ligawan na siya nung una medyo alam mo na di pa siya komportable tsaka medyo naiilang pa siya pero nung nagtagal naging maayos na rin kami at sinagot na niya ako"
"Alam mo ba nung sinagot niya ako parang....parang nanalo ako sa lotto sobrang saya ko kasi sa wakas napasakin na rin yung babaeng mahal ko. Parehas kaming naghanap ng trabaho hanggang sa tumagal kami ng apat na taon tapos yun....nalaman ko na may yun nga may sakit siya"
Nakatitig lang ako sakanya habang nagkwekwento siya
Nung 3rd year college ako may bumully rin sakin nun tapos may babaeng tumulong sakin hindi ako makapagsalita ewan ko kung bakit
Tapos umalis din kami dun sa school na yun kasi kailangan
Hindi kaya....
Si yeonwoo yung tumulong sakin nun?
Kasi sabi ni seungri di naman siya nagpakulay ng buhok tulad sakin eh
*Flashback*
(Alam mo ate ang ganda ng buhok mo hihi) sabi ni seungri habang kausap ko siya sa phone
"Bakit? Ano bang meron sa buhok ko?" natatawa kong tanong
(Ang ganda kasi color green sana nga nagpakulay din ako ng ganyan)
"Maganda rin naman yung iyo may highlight" sabi ko
(Pero mas maganda yung sayo)
"Eh bakit hindi ka nagpakulay?"