Chapter 13: Admit it

241 11 0
                                    

*Nancy's POV*

Harap doon. Harap dito. Dapa. Tihaya

Jusko ano ba?! Bat di ako makatulog?!

Napatingin ako sa cellphone ko

Tatawagan ko ba siya?

O

Hindi?

Tumingin ako sa orasan

Maga-alas dose na pala

For sure tulog na yun

Pero...

Ahh!!! Bahala na!

Kinuha ko yung cellphone ko at tinype ang number ni yeonwoo

Naka ilang ring na pero di niya parin sinasagot

Baka nga tulog na

Ibaba ko na sana ng bigla siyang magsalita

(Hello?)

Napatigil naman ako at di nakapag salita

Sheteee

Ako yung tumawag diba? Pero bakit... Aish!!

(Hello?)

Kalma nancy...

Inhale...

Exhale...

Whewww!!!

"H...h-hello?"

(Who's this?)

"Uhm....s-si nancy to"

(Oh...ikaw pala nancy hahaha bat ka napatawag?)

"Uhh wala lang"

Seriously?!

(Di ka makatulog noh?)

"Yup siguro iniisip mo ako noh?"

Natawa naman siya sa kabilang linya

(Ako rin di makatulog iniisip mo din ata ako)

Oo iniisip nga kita

"Feeling" sabi ko

(Deny p-aww!)

"Why?" nag-aalala kong tanong

(Wala,wala nakagat ko lang dila ko)

"14"

(Huh?)

"Sabi ko 14"

(Anong gagawin ko sa 14?)

"Sabi kasi nila pag nakagat ang dila ng isang tao may umiisip o nakakaalala sakanya kaya bibigyan siya ng number tapos bibilangin niya yun at kung ano ang katapat na letter ng number na yun, ayun daw ang first letter ng pangalan ng taong nakaisip sakanya" explain ko

(Ahh wait...)

Nagbilang din ako sa daliri ko kung ano yung katapat ng fourteen

(N? Sino kaya yun?)

Wait....

Oo nga N nga sheteee

(Alam ko na kung sino) sabi niya at tunawa

"Sino?"

(Ikaw hahaha, nancy tapos katapat pa ng fourteen letter n,eh ikaw lang naman kakilala kong nagsisimula sa letter n ang pangalan. Ikaw ah iniisip mo ako yieee)

Nagrolled eyes nalang ako sa pang-aasar niya kahit alam kong di niya ako nakikita

"Ang dami mong alam, sige na nga matutulog na ako" pananaray ko sakanya

DestinyWhere stories live. Discover now