*Yeonwoo's POV*
Inaamin ko na
Mahal ko na siya
Mahal ko na si nancy
Pero di ko masabi sakanya ng direkta dahil natatakot ako
Natatakot ako na baka isipin niya na mahal ko lang siya dahil kamukha niya si seungri
***
Nandito ako ngayon sa condo ni nancyKinakabahan ako
Ngayon ko na sasabihin sakanya ang nararamdaman ko
Nagdoor bell na ako pero parang walang tao
Nagdoor bell ulit ako pero wala talaga
Pipindutin ko na sana ulit yung door bell ng bigla yun magbukas
"Yes?"
"Si nancy?" tanong ko dito sa lalaki
Oo lalaki!
Lalaki na mukhang kabayo tss
"Nasa kwarto niya wait, tatawagin ko lang"
"Baby???"
Napantig ang tenga ko sa narinig ko
"Baby may naghahanap sayo"
"Ahh ok wait up" rinig kong sabi ni nancy
May boyfriend na siya?
"Sin-yeonwoo?"
Ngumiti lang ako sakanya
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"G-gusto sana kitang yayain"
"Saan naman?"
"Kahit saan"
"Ok wait lang magpapalit lang ako" tumango lang ako sakanya at inantay siya
"Kuyaaa!!! Alis lang ako ah!!!" sigaw niya pagtapos niya magpalit
Napapikit naman ako ng mariin
Anak ng tokwa
Kuya pala niya yun
Tss
Tsaka sinong nagsabing mukhang kabayo yun?!
Ang gwapo gwapo kaya ng kuya niya
"May kuya pala kayo ni seungri" sabi ko habang nasa elevator kami
"Yup si kuya sehun yun, baby talaga tawag niya samin ni seungri dati pa" napatango naman ako
Buti nalang hindi ko sinabi na boyfriend niya yun
Mapapahiya pa ako ng wala sa oras
Paglabas namin ay dumiretso na kami sa parking lot
"Wait lang" sabi ko at inayos yung sintas ng sapatos ko
"Tara" tatawid na sana siya ng biglang may humrurot na motor kaya hinila ko agad si nancy at mabilis na pinagpalit ko ang posisyon namin
"Gago yun ah" bulong ko habang nakatingin sa motor
"Hey chill" napatingin ako kay nancy
"Ayos ka lang?" ngumiti namam siya at tumango
"Let's go"sabi ko at hinawakan ko waist niya at sabay kaming naglakad
Pinagbuksan ko siya ng pinto at umikot ako saka pumasok sa loob ng kotse
Napatingin ako sakanya, lumapit ako at kinabit yung seatbelt niya
Napatitig ako sakanya
Ang ganda talaga niya
