*Nancy's POV*
"Baby kumain ka muna" sabi ni kuya at inabot sakin ang isang sandwich at isang bote ng tubig
Umiling ako at marahan na hinawi ang inabot niya
Napabuntong hininga naman siya sa ginawa ko
"Look aenan,i know na masakit para sayo ang nangyari kay yeonwoo pero wag mo naman pabayaan ang sarili mo! Sa tingin mo magugustuhan ni yeonwoo ang ginagawa mo? Hindi diba? So please kainin mo na to at baka magkasakit ka pa"sermon niya sakin
Umiling ulit ako tumingin sa er pero wala parin
Kasalanan ko to eh....
Kung naniwala lang sana ako sakanya kanina,edi sana hindi mangyayari to
"Family of the patient?" napatingin kami sa doktor at agad na lumapit sakanya
"I'm her mother how is she?"
"I'll be honest with you,hindi maganda ang kalagayan ng anak niyo madaming dugo ang nawala sakanya at marami rin siyang injury na natamo"
"W-what do you mean?"
"I'm sorry,but she only got limited time to live. Yung machine nalang ang bumubuhay sakanya and once we cut the machine she'll die"
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang sinabi ng doktor
"H-hindi totoo yan! Patrick si yeonwoo...." lumapit naman si tito kay tita at niyakap siya ng mahigpit
"I'm sorry ma'am"
"Hindi pwede mamatay ang anak ko!"
Lumapit ako sa doktor at hinawakan ko yung magkabilang braso niya
"Anong kailangan ni yeonwoo para mabuhay siya?! Tell me! Pera ba?! Ha?! Handa ako magbayad kahit magkano! Maraming nawalang dugo sakanya?! Then kunin niyo nalang ang dugo ko! Kahit lahat ng dugo ko ibigay niyo sakanya! Wag na wag mo lang sasabihin na wala na siyang pag-asa!" sigaw ko at hinawakan ko yung kwelyo niya
"Nakikiusap ako! Iligtas niyo siya! Hindi siya pwedeng mamatay! Wag mo siyang hahayaang mamatay!"
"Aenan..." inaawat na ako ni kuya kaya niyakap ko siya
"K-kuya si yeonwoo...."
"Shhh"
Lahat sila nagiiyakan dahil kay yeonwoo
"Pwede niyo po siyang makita sa er"
Agad kaming pumasok sa loob at nakita na namin si yeonwoo
Maraming nakakabit sakanya at marami ring sugat
Di ko na kaya ang nakikita ko
Lumabas ako at pumunta sa chapel
Alam ko na siya lang ang makakatulong sakin ngayon
Pumasok ako sa loob at lumuhod sa pinaka unang upuan
"Please po....wag mo po muna siyang kunin sakin,alam ko pong kasalanan ko kung bakit nangyari to,hindi pa po ba sapat na nawala na si seungri samin? Please mahal na mahal ko po si yeonwoo...." dasal ko habang umiiyak
"Is she dead?" napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko
Umupo naman ako sa upuan, binigyan niya ako ng panyo at upuan din siya sa tabi ko
"Machine nalang ang bumubuhay sakanya..." sabi ko at tumulo nanaman ang luha ko
"Alam mo namatay ang mama ko dahil sa sakit" napatingin ako sakanya