IKALAWANG KABANATA: MERKADO

386 13 1
                                    


[Chapter 2]

Sa gitna ng paglalakbay nila Intoy at David palabas sa kagubatan, unti-unting nasilayan ni Intoy ang sibilisasyon ng bayan ng purra. "Nandito na tayo bata" Tugon ni David kay intoy.

Tuluyan na silang nakalabas sa gitna ng kagubatan at tuluyan na ding humalo sa pangkat ng mga engkanto na naglalakad sa mga kalsada.

"Ang lugar na ito ay... Sadyang kakaiba" Wika ni Intoy habang nililibot ang buong itsura ng bayan ng purra. "Maraming talipapa sa lugar na ito, maraming tindahan, palengke at kung ano-ano pa. Halos ito ang sentral ng pakikipag-palitan ng kalakalan intoy!" Paliwanag ni David dito.

"Subalit, natatakpan ang bayan na ito ng malalaking pader" Kitang kita sa kinatatayuan ni intoy ang laki ng mga pader na pa-bilog na nakaharang sa buong bayan ng Purra at kahit malayo ay natanaw niya ang isang malaking gate na tanging daanan papasok sa bayan na ito.

"Halika intoy" Nag-simula ng maglakad si David at agad naman siyang sinundan ni intoy. "Professor David?"

"Bakit intoy?" Wika ni David habang naglalakad.

"Ano po yung isang pa-bilog na pader na iyon?" Itinuro ni intoy ang isa pang pader na naka-pwesto sa pinaka-gitna ng bayan ng purra.

Huminto muna sa paglalakad si David at humarap kay intoy. "Ganito kasi yan intoy" Pagsisimula ni David. "Ang bayan ng purra ay nahahati sa dalawa. Ang unang pader.... Merkado, at nandito tayo ngayon intoy. Nakatayo sa merkado. Dito sa merkado nakatira ang mga pang-karaniwan na engkanto, mga mahihirap, ilang tindero, pero ang pinaka-marami dito, mga kriminal, mga burambol, at mga tulisan. Kaya medyo delikado ang lugar na ito. At ang pangalawang bahagi, ang pader na iyon" Itinuro ni David ang isa pang pader na naka-pwesto sa pinaka-gitna ng bayan "Iyan naman ang Sentral. Diyan naman nakatira ang hari, mayayaman na engkanto, mga negosyante at ilang mga kilalang engkanto. Pinagbabawal na makasama ng mga taga-sentral ang mga engkanto dito sa merkado, ganon katindi ang diskrimanasiyon sa bayang ito"

"at sa tingin niyo po, nasaan po ngayon si prinsesa amaya? Nasa Sentral o nandito sa merkado?" Tanong ni Intoy.

Napahawak naman sa baba si david at nag-isip mabuti. "Kilalang engkanto si Amaya sa buong isla ni Odus dahil isa siya sa pinaka-mahusay na babaylan na nakalikha ng maraming gamot, pero kapag nalaman naman ng mga opisyales ng mga taga-purra na nandito siya ay paniguradong huhuliin siya dahil isa siya sa mga engkanto na lumaban sa bayan na ito at pinag-tangol ang bayan ng borboran kaya malaki din ang posibilidad na mag-tago lang siya at dito makahalubilo sa merkado!"

"Nako! Mukhang matatagalan pa pala tayo sa paghahanap kay Prinsesa Amaya niyan! Pati lugar na pwede niyang pag-puntahan ay hindi natin alam. Ano po ang balak niyong gawin?" Tanong ni Intoy dito.

"Kailangan muna natin mag-hanap ng matutuluyan at tyaka natin ipag-patuloy ang paghahanap kay Amaya, kaya naman sumama ka muna sa akin dahil baka maligaw ka" Agad namang nag-patuloy sa paglalakad si David at sinundan naman siya ni Intoy.

"Nagugutom ka ba intoy? Nais mo bang tikman ang pagkain ng bayan na ito?" Tanong ni David habang sila ay naglalakad "Opo- ay pasensiya na po" Wika ni intoy at pilit iniiwasan ang mga engkanto na nakakasalubong nila.

"Nagugutom na talaga ako eh, medyo napagod ako kanina sa pag-laban sa mga dambuhalang sawa kanina. Hindi ko namalayan na tanghaling tapat n--- Aray!" Hindi natapos ni Intoy ang sasabihin niya ng bigla siyang nabanga ng isang sigben dahilan para mapa-upo siya sa lupa dahilan naman para mapahinto sa paglalakad si David

"Intoy!"

"Ano bayan! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo!" Galit na tugon ng isang sigben na biglang nagpakita matapos nitong maglaho.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon