IKA-DALAWAMPUT-ANIM NA KABANATA: PAG-DANAK NG DUGO

139 14 0
                                    


[Ika-dalawampu't-anim na kabanata]

"Intoy! Kailangan nating makalayo, mapapahamak tayo sa magiging labanan nila!" wika ni Layla habang hinahatak si intoy palayo sa labanan, si intoy ay pilit pumipiglas, hindi niya maatim na mag-tago sa gitna ng kaguluhan "Kailangan ko silang matulungan! Hindi pwede na mag-tatago lang ako Layla!" Protesta nito, napatingin nalang si Layla sa labanang nagaganap sa nasirang tulay at sa isip isip niya... hindi makakatulong kung makikisali pa si intoy. "Sa tingin ko intoy, kaya naman nilang makipag-laban ng wala ka" saad muli ni Layla, nagbabakasakaling makumbinsi si intoy pero lalo lang itong pumalag at tumingin sa kanya ng masama.

"ganyan ba kaliit ang tiwala niyo para sa akin ha? Na makakagulo lang ako sa kanila kapag lumaban din ako? Sapat na Layla ang lahat ng naranasan ko para humarap sa labanang kagaya nito! Ano pang silbi na naging tagapagtangol ako? Ano pang silbi na pinili ako?" sa naging tono ng pag-sagot ni intoy, mababakas dito ang pagkabigo at inis. Bagay na nagpapakita sa kanyang tunay na nararamdaman.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo intoy... pero tingnan mo ang nangyari sa kamay mo, nasugatan ka. Nabutas ang palad mo, maswerte ka at nagawa kong pahintuin ang pagdurugo nito pero hindi ibig sabihin ay magaling na ito. Ang sa akin lang naman ay ayoko ng madagdagan pa ang mga sugat na matatamo mo kasi kahit anong sabihin natin---- bata ka pa rin, nasusugatan"

"Salamat pero ang sa akin lang naman, hindi ko na maatim na may mamatay na naman dahil sa kasamaan ni Valu!" ma-awtoridad na tugon ni intoy, hindi niya na hinintay pa na makasagot si Layla at iniwan niya na ito, pinanuod nalang siya ng dalaga na dahan dahang naglalakad papunta sa labanang nagaganap sa nasirang tulay.

Samantala, naging mainit ang labanan sa pagitan nila Susan at Rowena na humantong sa pinakamalayong parte ng nasirang tulay, hindi kasi matapatan ni Rowena ang bilis na nagagawa ni Susan dahilan para lumipad siya ngunit hindi iyon naging sagot para hindi siya mahuli nito dahil kaya ding makalundag ni Susan ng napakataas. "Ano?!!!! Ganyan ka na lang ba? Lilipad lipad?!" Tugon ni Susan, makikita ang paghaba ng kanyang pangil at ang pagbabago ng kulay ng kanyang mata.

"Kung hindi ako magiging maingat sa mga susunod na atake ko, panigurado magagawa akong talunin ng babaeng ito! Kailangan kong maka-isip ng bagong istratehiya upang malamangan ko siya kahit man lang sa opensa" Bulong ng isang maliit na boses sa utak ni Rowena, kaya naman pumikit muna siya at huminga ng malalim.... Pagkatapos nito ay biglang lumiwanag ang pakpak niya, napakunot ang nuo ni Susan sa kanyang nasasaksihan.

"Malaki ang bawas ng pag-gamit ko sa abilidad ko na ito pero kung ito lang ang posibleng paraan upang mapatumba kita ay gagawin ko" wika ni rowena na nag-ngingitngit na sa galit, hindi naman pinansin ni Susan ang sinasabi niya at sumugod palapit dito pero labis siyang nabigla ng bigla itong nawala.

"A-ano?!! Nasaan siya?!" wika ni susan na gulat na gulat subalit bago pa siya makagawa ng panibagong hakbang ay biglang bumaon sa tiyan niya ang malamig na bakal na suot suot ni Rowena. "Ugh!" napasandal si susan sa braso ni rowena dahil sa matinding sakit. "Masiyado kang tanga kung naniwala kang matatalo mo ako" bulong ni rowena dito, nag-simula ang pag-agos ng dugo mula sa bibig ng dalaga. "at masiyado ka ring tanga kung sa tingin mo mamatay na din ako!" Agad hinawakan ni susan ang kamay ni rowena at tinangal ang pagkakasaksak mula sa tiyan niya, dahilan para mapa-sigaw siya sa tindi ng sakit. "Waaaahhh!!" agad niyang tinakpan ang nasaksak na tiyan gamit ang dalawang kamay niya.

"Papatayin kita! Papatayin kita!!!" banta ni susan dito habang nakatingin ng masama, isang tawa ang isinagot ni rowena habang dahan dahan na lumalapit dito. "Pero ikaw ang uunahin ko!" itinaas na ni rowena ang kamay niyang may-hook at nakabwelo na upang itagak sa leeg ni susan ngunit bigla siyang nawala na parang bula---may bolang bulalakaw ang biglang bumagsak sa kinaroronan niya, dali-daling napalingon si susan at agad niyang nakita si intoy na tumatakbo palapit sa kanya.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon