IKA-LABING TATLONG KABANATA: MAG-KAPATID

268 16 3
                                    

[Ika-labing tatlong kabanata]

Patuloy pa rin ang labanang nagaganap sa loob ng sentral, marami ng mga tahanan at palasyo ang nasisira nila lalong lalo na si Dante. Upang maka-iwas ito sa mga atake ng hari ay lumalapit siya sa mga tahanan upang gamiting pang-salag.

"Mahal na hari! Tumigil na po kayo, nasisira niyo lang ang ilang mga palasyo ng ibang mga engkanto dito!" Suway ni Raul na ngayon ay tumutulong sa ibang engkanto na makalayo sa labanan

"Eh kung tumulong ka muna sa akin ngayon upang matalo na natin tong kapatid mo! Arte mo eh no!" Tugon ng hari na muli na namang lumundag sa ulo ni Dante, kanyang pinagsusuntok ito ngunit binugahan lang siya ni dante ng usok na punong puno ng lason.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo Esteban na hindi nga ako tinatablan ng mga pisikal na atake, inuubos mo lang ang lahat ng lakas mo" Wika ni Dante. Lalong nag-ngitngit ang hari dahil alam niya sa sarili niya na purong pisikal na atake lang ang kayang gamitin niya.

"Ano ng plano natin Raul?" Wika ng hari sa heneral.

"Mukhang kailangan ko na pong gamitin itong espada ko sa kanya ng todo, may posibilidad na masaktan siya dito hindi dahil sa mga hampas ko kundi sa demonyong nasa loob nito mismo" Saad ni Raul.

"Ayusin mo heneral" Tugon ng hari, tumango ito at agad lumapit sa kapatid.

"Dante.... Alam ko na masama ang loob mo sa akin pero, hindi mo naman kailangan umabot sa puntong ito. Kilala kita at alam kong mabuti ka, kaya umaasa ako na magbabago ka pa. Dahil ang dante na kilala ko ay handang mag-mahal, marunong mag-patawa---" Hindi na nagawang tapusin ni Raul ang sasabihin niya ng tumilapon siya dahil sa hampas ni Dante sa kanya.

"At sinong niloloko mo Raul? Sarili mo?!" Agad bumalikwas ng pag-gapang si Dante at agad pinaluputan ang kapatid. "Kahit hindi mo sabihin, hindi mo maitatangi na masama talaga ako raul, na salbahe ako raul, na ingitero ako, na hindi ako kamahal mahal. Dahil yun ang totoo, yung ang katotohanan!" Lalo niyang hinigpitan ang pagkakatali sa kapatid hangang sa tuluyan na itong magsuka ng dugo.

"Kung ang kamatayan ko sa kamay mo ang mag-papagaan sa kalooban mo. Tatangapin ko, nais ko lang bumalik ang kapatid ko" Isang ngiti ang binigay ni Raul sa kapatid niya dahilan upang mapangiti ito.

"Ang mapatay ka ang isa sa pinaka-dinadasal dasal ko nuon pa man, hindi mo na kailangan pang i-utos sa akin yan dahil mag-kukusa na akong gawin yan!" Mas lalong hinigpitan ni Dante ang pagkakatali sa kapatid hangang sa mapasigaw si Raul dahil sa sakit, sinikap niyang huwag sumigaw ngunit hindi niya maitatangi na halos nadudurog na ang mga buto niya. Hindi naman nag-atubili ang hari na lumundag sa kinaroroonan nila at buwagin ang pagkakatali kay Raul.

"B-Bitawan mo siya!!" Singhal ng hari habang pilit binubuwag ang pagkakatali kay Raul.

"Umalis ka!!" Dali-daling nagpalabas ng lasong usok si Dante upang maitaboy ang hari ngunit pinigilan nito ang kanyang pag-hinga upang matulungan si Raul na maka-alis. Gamit ang kanyang buong lakas, sinikap niya na luwagan ang pagkakatali kay raul, halos magsipaglabasan na ang kanyang mga litid at ugat sa buong katawan niya.

Pinipilit pa rin ni Dante na labanan ang lakas ng hari ngunit kahit siya mismo ay nahihirapan na kontrahin ito, halos hindi rin ito natinag kahit na nasa loob na siya ng usok na gawa sa lason. Halos naligo na sa pawis ang hari mabigyan lang ng puwang si raul upang makatakas at sa labis na galit ng hari ay napasigaw siya, biglang lumiwanag ang buong katawan niya, nag-labas siya ng kulay dilaw na liwanag mula sa bibig niya, mata niya at pati na rin sa katawan niya. Habang sumisigaw siya ay tuluyan niya ng napakawalan si Raul na tuluyang bumugsak sa lupa dahil sa panghihina, agad hinawakan ni Esteban ang buntot ni Dante at pina-ikot ikot sa ere.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon