IKA-LABING DALAWANG KABANATA: SI LORDE

223 14 1
                                    

[Ika-labing dalawang kabanata]

"Intoy! Nailabas mo na ang isa pang abilidad ng isang santelmo! Woah!" Masayang bati ng david habang umiiwas sa mga kaluluwa na humahabol sa kanya.

"I-ibig bang sabihin nito ay may laban na tayo kay Zabarte?" Tanong ni intoy dito

"E-ewan! Depende kung papaano mo magagamit yan?! Yah!!" Agad tinapat ni David ang kamay niya sa mga kaluluwa at nag-hagis ng mga matutulis na sanga na nagsipaglabasan sa palad niya.

"Huwag kayong masiyadong masaya!" Biglang sumigaw ang demonyong nasa likod ni Zabarte at kasabay nito ay naglabas ito ng kakaibang malakas na pwersa ng hangin dahilan upang magsipagtayuan ang balahibo nila.

"S-sa tingin ko ay hindi ko rin siya magagawang talunin" Wika ni intoy na naglalakad paatras, si zabarte naman ay dahan dahang naglalakad palapit sa kanya.

"Hindi mo talaga ako magagawang taluni---" Natigil siya sa paglalakad ng makita niya ang mga kahoy na nagtatali sa buong katawan niya, nakita niya si Susan na may gawa nito, sa kabila ng mga sugat na natatamo niya ay nagagawa niya pa ring lumaban. Napansin ni Zabarte na naghihilom ang mga saksak na natamo nito at dito niya naalala na nasa babae din palang iyon ay isang agimat na may abilidad na kayang ihilom ang mga sugat na nasa katawan niya.

"Huwag kang mang-gulo!" Biglang sumulpot si mina sa gilid ni Susan at sinasaksak siya mula sa batok niya. Napahinto siya ng maramdaman ang bagay na nakabaon sa likod ng leeg niya at dahan dahan siyang lumingon kay Mina. "Hayaan nalang natin sila" Bulong muli ni Mina

"Anak ko!!!!" Napasigaw na lamang si David matapos masaksihan ang pagsaksak mula sa anak niya.

"Mina! kayang ihilom ng babaeng yan ang mga pisikal na sugat! walang epekto ang ginawa mo sa kanya!" Sigaw ni Zabarte dito.

"Huwag kang mag-alala, sinaksak ko siya sa pinaka-sensitibong parte ng katawan ni--" Natigil lang siya sa pagsasalita ng hawakan ni Susan ang buhok niya.

"Ikaw dapat ang nakinig sa kanya dahil hangang aktibo ang pag-gamit ko sa agimat ko ay nahihilom lang ang mga sugat sa katawan ko, kaya tangapin mo ito!" Sinutok ni susan ang pagmumukha ni Mina dahilan upang mabasag ang maskarang suot suot nito, pagkatapos pa ay sinipa siya nito dahilan para mapalapit siya banda kila intoy.

Dahan-dahan namang tumingin si intoy sa pagmumukha ni mina at labis siyang nabigla ng mapagtanto niya kung sino ang nasa likod ng maskarang iyon.

"Si l-lorde at si M-mina ay iisa?!" Gulat na tugon ni intoy, dahan dahan namang tumayo si lorde habang pinupunasan ang nagdudugo niyang labi.

"Siya?" Tugon ni David na halata ding nabigla.

"Kilala niyo ang babaeng iyan?" Tanong ni Susan na binubot ang patalim na nasa batok niya.

"Oo" Tugon ni intoy "At hindi siya babae" dugtong niya pa.

"Ngayong kilala niyo na kung sino ang tunay na si Mina ay wala paring magbabago na kalaban niyo din siya!" Sinira ni Zabarte ang kahoy na nakatali sa kanya at malakas na sinakal si intoy. Agad nagpumiglas ang batang tagapagtangol dahil sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit ang pagkakasakal sa kanya. Kitang kita ni lorde ang paghihirap sa mga mata ni intoy subalit wala siyang ibang magawa kundi hayaan nalang si Zabarte at supurtahan siya sa mga plano nito dahil hindi lamang ito para sa kanila sa halip pati na rin sa bayan nila mismo.

"Bitawan mo si Intoy!" Agad tumakbo si Susan palapit kay Zabarte ngunit agad siyang napatilapon dahil sa malakas na pwersa ng hangin na ibinato ni Lorde sa kanya. "huwag" tugon niya

Samantalang si David naman ay pinagalaw ang malaking puno at kinontrol ang malalaking mga sanga nito upang hatakin si Zabarte palayo kay Intoy subalit dahil sa demonyong awra na nasa likod ni zabarte, nagawa nitong harangan sila intoy mula sa mga atake ni David.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon