IKA-TATLUMPUT ISANG KABANATA: PAG-DATING SA SENTRAL

168 13 0
                                    


[Ika-tatlumput isang kabanata]

"Malayo pa ba tayo sa palasyo?!" Singhal ni Karlo na halatang napapagod na sa kakatakbo. Sinamaan siya ni Raul ng tingin "Malapit na!" sagot nito dito.

"T-teka, sino ba kayo? At anong kinalaman niyo sa kanila intoy?" tanong ni Layla sa dalawang bata na taga perla.

"Mahabang kwento, pero ang kailangan niyo lang malaman ay kaalyansa kami ng tagapagtangol para mapatumba yang si Valu!" si lily ang sumagot.

"Mabuti naman at tamang tamang lang ang dating niyo" si Amaya naman ang nag-salita, biglang ngumisi si karlo at sabay sabing "Sa totoo nga lang, dapat kanina pa kami nakarating sa kagubatan eh, pero naharang kami ng mga kung ano-anong halimaw duon sa merkado! Napakadami!"

"Tangina!" bigla silang napahinto ng makasulong nila ang pangkat ng mga sombi. "Huwag kayong mag-alala! Proprotektahan namin kayo!" biglang tumalon si Susan sa unahan para depensahan ang mga kasama niya

"kayong dalawa, bantayan niyo sila prinsesa amaya at ako na ang bahala humarap sa mga ito!" dugtong pa niya dito, agad naman silang sumulong ng sumugod si susan sa tumpok ng mga sombi na naka-abang na sa pag-lapit nila. Gamit ang kapangyarihan ng batibat, kinontrol niya ang isang puno na nasa gilid nila na biglang humaba ang mga sanga at dali-daling pinag-hahampas ang mga sombing tumatakbo palapit sa kanya. At gamit ang kapangyarihan ng agimat na meron siya, bigla niyang pinahaba ang mga kuko niya at pinag-sasaksak ang mga sombi na nakatakas sa sanga ng punong pinagalaw niya. Labis na namangha sila Karlo at Lily sa opensang pinakita ni Susan sa kanila, "A-ang kapangyarihan sa pag-kontrol ng puno... katulad kay propesor David" Singhal ni lily.

"Anak kasi siya ni propesor David kaya malamang may kapangyarihan din siya sa pag-kontrol ng mga puno at kahoy" nakangising sagot ni Amaya.

Hindi naman nakapag-salita si karlo at nakatingin parin sa matapang na si Susan. Kanyang pinag-masdan ang pag-talbog ng maiksi nitong buhok, ang bilis sa pag-iwas nito at ang husay sa pakikipag-laban nito "P-parang kilala ko na kung sino ang mapapangasawa ko" bulong niya.

"Malapit na tayo!" Wika ni heneral raul na natanaw na ang tarangkahan papasok ng sentral, subalit bigla silang napahinto sa pag-takbo ng marinig nila ang atungol ng dragon.

"Fuego!" bigla itong bumuga ng apoy sa kinapwepwestuhan nila Amaya, agad silang nahati sa dalawa para umiwas sa apoy, at pagkatapos nito ay nilagpasan na sila ni Valu at lumipad papasok ng sentral. "Hindi siya napigilan ni David?!" Singhal ni Amaya "Bwusit!" dugtong pa niya.

"K-kailangan na nating makapunta sa sentral! Balak niyang sunugin ang sentral!!" sigaw ni raul sa kanila, dali-dali siyang tumakbo habang hawak hawak ang braso niyang patuloy pa ring nagdurugo. "N-nilagpasan niya lang tayo, sa madaling salita hindi tayo ang pakay niya" paliwanag niya pa habang patuloy na tumatakbo. "ang nais niya ay mawasak ang buong bayan ng purra, at gagamitin niya ang mga halimaw na binuhay niya at ang dragon na iyon para mag-tagumpay siya!" dugtong pa niya.

"Nasa matinding peligro ang bayan niyo ngayon ginoo" wika ni Lily sa kanya.

*****

"Pagbabayarin ko sila" bulong ni makaryo habang pinapanuod na makalayo sa kanila Amaya. Hindi niya na mapigilan ang pag-takas ng mga luha sa kanyang mga mata dahilan para mabasa ang basag na salamin niya.

"Huwag ka munang mapang-hinaan ng loob makaryo, bigyang saysay mo ang pagkawala ni janry sa atin ngayon. Sikapin natin na makuha ang bayang ito upang magkaroon ng kabuluhan ang pagkamatay niya" sambit ni Valu na diretsiyong nakatingin papasok sa sentral.

"Hindi ko hahayaan na mawalang saysay ang pagkawala mo janry.... Ipapangako ko sa'yo, makukuha natin ang isla ng odus! Magiging sa atin ang mundo ng mga engkanto! Pangako ko iyan hangang sa huling hininga ko!"

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon