IKA-TATLUMPUT ANIM NA KABANATA: PAGBABALIK

151 13 0
                                    


[ika-tatlumput anim na kabanata]

"wala pa ba tayo sa Amadeus pa? ang sakit na ng puwetan ko!" sigaw ni susan sa kanyang ama, umiling ito bilang sagot.

"wala pa anak, pero huwag kang mag-alala. Malapit na din tayo"

"tama ang ama mo susan, malapit na nga tayo. Namumukhaan ko na tong mga lugar na ito" ani ni Amaya sa kanila

Sa kasalukuyan, nasa gitna pa rin ng byahe ang grupo nila intoy para sa muling pag-balik sa Amadeus. Halos kumagat na ang dilim sa byahe nila, mabuti na lamang at mayroon silang mga sulo na nakakatulong para matanaw nila ang kanilang daan.

"Kung ako sa inyo, maidlip na muna kayo. Pagka-gising niyo nasa Amadeus na tayo" ani ni David sa kanila

"hindi ako makatulog sa sobrang pananabik ko sa Amadeus!" ani ni Layla

"sus, maidlip ka muna layla. Alam kong hindi ka nakatulog mabuti dahil sa pagbabantay mo kay intoy" tugon ni Amaya sa kanya

Bigla tuloy silang napatingin kay intoy na mahimbing na natutulog "Tingnan mo naman ang batang ito, pagod na pagod. Ilang taon na ba ito David?" Tanong ni Amaya

"labing tatlo"

"labing tatlo? Nako, mawawala na itong maamong pagmumukha niya kapag nagbinata na siya"

"lalaking magandang lalake itong si intoy" ani ni Layla

"oo, katulad ng kuya mo" ani ni Amaya

"Sandali!" ani ni David na halatang nabigla "may naka-aligid sa atin" dugtong pa niya

"ha? Papaano mo naman nasabi ama?!"

"mukhang may nag-hihintay sa ating bisita ah?" nakangising tugon ni Amaya

"huwag kayong lalabas, ako ng bahala di—" at agad lumabas si Susan na parang walang narinig mula sa kanyang ama "ang sabi ko huwag kayong lumabas!" sermon ni David dito

"wala na, nakalabas na ako" ani ni susan na halatang nang-aasar pa, pero nawala din ang mga ngisi sa kanyang labi ng makarinig siya ng kaluskos sa paligid niya "narinig mo ba 'yon ama?" ani niya

"oo, narinig ko"

"ano David? Meron bang naka-aligid sa atin?" tanong ni Amaya dito

"meron, mag-handa na lang kayo sa biglang labanan" tugon ni susan dito

"napakadilim pa naman ngay---" isang palaso ang bumagsak sa gilid ni David dahilan para muntik tamaan ang kanyang pagmumukha. "Ama!!"

"yuko!" biglang umulan ng palaso papunta sa kanila "pader!" ani ni David, sa tulong ng mga puno na nasa gilid nila. Agad itong lumikha ng pader palibot sa kanila na nagsilbing depensa sa mga palasong nais tumama sa kanila.

"ayos lang ba lahat tayo?" tanong ni David

"AH!! HINDI!!" bigla silang nagulantang sa sigaw ni intoy

"tinamaan si intoy sa braso!" sigaw ni Layla

"puta!! akin na, pagagalingin ko" ani ni Amaya dito

"kailangan ko ng hanapin kung sino ang mga ito ama! Hindi tayo makakadaan kung puro lang tayo depensa" ani ni susan sa kanyang ama, halatang hindi kumbinsido sa David na hayaan si susan na lumaban mag-isa "ano ba ama! Nagawa ko ngang mag-lakbay sa odus mag-isa eh! Mas marami akong nakaharap na mas masahol na pananambang kaysa dito!" ani niya

"o-oh sige, may tiwala naman ako sa'yo eh" ani ni David

Ngumiti si susan dito bilang tugon "dapat lang ama, huwag mong kakalimutan na may kapangyarihan din akong tulad mo at nasa akin ang kapangyarihan ng agimat ng tigre" tugon niya, dali-dali siyang lumundag palabas mula sa pader na kahoy na pinag-tataguan niya.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon