IKA-TATLUMPUT LIMANG KABANATA: PAGLISAN

145 10 2
                                    


[ika-tatlumput limang kabanata]

Sumapit na ang araw kung saan kinakailangan na nila intoy mag-impake para sa muling pag-babalik sa Amadeus. Samantala sa silid nila Amaya, makikitang masaya si Layla dahil matagal na ng huling tapak niya sa kanyang kinalakihang bayan, habang si Amaya ay kinakabahan dahil sa responsibilidad na ipapasan niya pag-balik sa bayan, ngunit hindi lang iyon ang nagpapabagabag sa kanya. Ito rin ang unang pagkakataon na muling makikita niya ang kanyang anak. Napatingin siya kay Layla na walang ka-ide-ideya na may pamangkin pala siya, ang tanging nakaka-alam lang kasi ng sikretong iyon ay siya at pati si David.

Sa silid naman nila Intoy, kapansin pansin na matalmay kung kumilos ang batang tagapagtangol bagay na napansin nila David at Susan, kaya naman minabuti ng propesor na tanungin kung anong problema nito.

"Ang dragon propesor, hangang ngayon wala pa rin tayong balita kay haring esteban patungkol duon sa dragon na nakalaban ko" matamlay na tugon ni intoy.

"Hindi ba't sinabi na nila leandro sa'yo na hindi daw nila nakita yung dragon nung dinampot ka sa kagubatan? Siguro dahil umalis na ito" ani ni David na sinisikap kumbinsihin si intoy, subalit umiling lang ito.

"Malakas ang kutob ko propesor na may nangyaring masama sa dragon, may kumuha dito" seryosong tugon ni intoy.

"Anong gusto mong gawin natin intoy? Natanong ko na sila heneral raul patungkol diyan, nagpa-ikot na rin siya ng mga sundalo upang mag-imbestiga sa paghahanap diyan sa dragon na 'yan. At isa pa, marami ding ginagawa si Esteban, kailangan niyang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga engkantong nasasakupan niya lalong lalo na't katatapos lang nilang humarap sa isang matinding kaguluhan"

"pwes ako ang mag-hahanap"

"pero intoy, babalik na tayo sa amadeus, kailangan na natin makabalik dun, kung hindi iba ang uupo sa trono" protesta ni David kay intoy "hindi mo kasi nauunawaan intoy, kapag hindi natin naidala si Amaya sa lalong madaling panahon, mapapasama ang Amadeus dahil ang pipiliin lang naman nilang maging bagong hari ay walang iba kun'di si pablo. Isa sa pinaka-matandang engkanto sa Amadeus. Siya rin yung nagtatag ng kapatiran" dugtong pa na paliwanag nito.

"Mamayang hapon pa naman tayo aalis pa ah?" ani ni Susan "may oras pa para makapag-tanong si intoy, hindi ba?" napatingin si intoy kay susan na agad kumindat sa kanya.

"Oo. May natitira pa namang mga oras, mas mainam na ako ang makausap ni Esteban para maintindihan niya ang problema na pwedeng harapin ng buong isla ng odus kapag napasakamay ng masasamang engkanto ang dragong iyon"

"Sige sasamahan kita intoy" gatong ni Susan

"titigas talaga ng mga ulo niyo bata!" ani ni David na napahampas na lang sa kanyang ulo.

"mana sa'yo ama!" pang-aasar ni susan, agad silang lumabas ni intoy sa silid para puntahan ang opisina ni Esteban.

Pag-punta nila intoy sa harap ng opisina ni Esteban, agad siyang kumatok at agaran ding binuksan ang pinto, sumiwalat sa kanya si Esteban kasama ang ilang miyembro ng kongreso na halatang nabigla sa pag-dating niya.

"Intoy, anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong ni Esteban

"pwede ba kitang maka-usap?" ani ni intoy, napalingon din siya sa iba pang engkanto na nasa loob na masama ang tingin sa kanya "tayong dalawa lang?" dugtong niya

"subalit nasa kalagitnaan kami ng matinding pag-pupulong ngayon, kinakailangan naming matapos ang mga plano para maibalik ang lahat ng nasira dito sa purra" malumanay na tugon ni Mia.

"Tungkol saan ba ito intoy?" wika ni Esteban.

Ayaw man mag-salita ni intoy sa loob ng silid dahil sa presensya ng ibang engkanto ay wala na siyang ibang nagawa kundi sabihin kay Esteban ang nais sabihin niya.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon