IKA-TATLUMPUNG KABANATA: PAG-HULI KAY VALU

146 12 2
                                    

[ika-tatlumpung kabanata]

"TUBIG AHAS!"

"BOLANG BULALAKAW!"

Kapwa nila ito binato sa gulat na gulat na si Valu, hindi na ito naka-gawa pa ng pang-depensa para protektahan ang sarili niya, tumilapon siya ng napakalayo at humampas sa malaking puno dahilan para masira ito.

Napangiwi si Valu sa tindi ng sakit, nawasak ang kanyang damit dahil sa pinag-samang atake ng tubig at apoy. Nambilog naman ang mata ni David dahil hindi niya inasahan ang atakeng iyon. "Kayong dalawang bata kayo.... Delikado kayo" komento niya "Delikado kayo kasi nagawa niyong patalsikin yung isang ma-alamat na engkanto ng Amadeus! HAHAHA!" natawa naman sila intoy sa sinabi ni David sa kanila, pero agad din nilang nakita na dahan dahang tumayo si Valu, makikita na nasunog ang ilang ugat na nasa hita niya at basa din at umuusok ang kanyang katawan.

"Salamat sa ginawa niyo sa kanya, mapapadali nalang para sa akin na mahuli siya dahil wala ng mga makukulit na ugat ang dumedepensa sa kanya" wika ni David na agad kinontrol ang mga puno na nasa paligid nila, makikita na humaba ang mga sanga nito at itinali si Valu. At lahat ng mga ugat na kanina ay galaw ng galaw sa paligid ay biglang nalanta at tuluyan ng bumalik sa ilalim ng lupa.

"N-natalo na ba natin siya?" tanong ni intoy, nginitian siya ni David at sabay sabing "siguro, nadale niyo eh" pero nagitla si David ng maramdaman niyang may kung anong bagay ang papunta sa kanila "Umiwas kayo!" agad siyang naka-talon para umiwas subalit sila intoy at axel ay tinamaan ng kung ano mang bagay na biglang lumitaw sa ere.

Napahawak ang dalawa sa parte ng mga katawan nila na tinamaan "A-aray, ano ito?" tanong ni intoy na tinamaan sa braso niya, "Mga tinik... mga tinik sa ugat!" Singhal ni Axel na tinamaan sa tagiliran.

Labis na kinabahan si David na mabilis pinag-tatangal ang mga tinik na tumusok sa kanila intoy at axel "Delikado ang mga ito... panigurado may mga lason ang mga ito!" agad lumingon si David sa kinapwepwestuhan ni Valu na biglang ngumiti. "Akala mo tapos na ako no?" wika nito, bigla siyang may nginuya sa kanyang bibig at biglang idinura sa kinapwepwestuhan nila David. Agad siyang lumikha ng pader na yari sa kahoy bilang depensa nila. "A-ayos lang ba kayo mga bata?"

"S-sa tingin ko, mabuti pa kami ngayon subalit nararamdaman kong bumibigat ang dibdib ko" wika ni axel na naka-sandal na sa pader, maski si intoy ay napahawak na sa kanyang dibdib, mistulang kumakalat na ang lason sa loob ng katawan nila.

"Hahahaha! Ano? Nararamdaman niyo na ba? Nararamdaman niyo na ba ang lason na unti-unting dumadaloy sa sistema niyo? hindi niyo lang naman kasi naitatanong pero mismo ang laway ko ay may lason na kayang tumapos sa buhay ng isang engkanto at mayroon na lamang kayong limang oras para malunasan ito, pero magagawa niyo bang malunasan ito kung mai-ipit pa rin kayo dito sa loob ng kagubatang ito?" nakangising tugon ni Valu.

Pinagmasdan ni David ang dalawang bata na unti-unting nahihirapan dahil sa lason na ginawa ni Valu, "Kung nandito lang sana si Amaya o di kaya si Layla ay pwede nila itong matangal sa mga katawan niyo" Singhal niya "Pero tiisin niyo muna iyan mga bata,limang oras pa naman tatagal yang lason... makakarating pa tayo kay Amaya para magamot kayo" dugtong niya, ngumiti naman sila intoy at axel bilang sagot.

Dahil dito ay agad ng sumugod si David papunta kay Valu na hangang ngayon ay nakatali pa rin sa mga sanga ng puno. Agad niyang binago ang kanyang kamay bilang isang palakol at bumwelo para ihampas ito subalit biglang may alaalang pumasok sa isipan niya.

"Kaibigan kita, kayo ni Amaya. At proprotektahan ko kayo, tatandaan niyo yan"

Bigla siyang nahinto at biglang nakonsensiya "Oh? Bakit hindi mo pa itinuloy? Ano pang hinihintay mo? Tapusin mo na ako!" wika ni Valu na halatang hinihintay na ang magiging katapusan niya, "ANG SABI KO. TAPUSIN MO NA AKO!!!" galit na sigaw niya.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon