IKA-SIYAM NA KABANATA: SI SAHAYA

245 14 1
                                    


[IKA-SIYAM NA KABANATA]

Laking gulat ni intoy ng mapagtanto niya na isa lamang hamog ang natamaan niya at sumulpot mula sa gilid niya ang tunay na si zabarte at akmang ihahampas na espada sa kanya, hindi na nakakilos pa si intoy at napasigaw nalamang.

"INTOOOY!!" Alam ni David ng mga sandaling iyon na sa isang iglap lang ay pwede ng matapos ang buhay ni intoy at kasing bilis ng mga pangyayari ang kasing bilis ng mga alaala na pumasok sa kanyang isipan, lahat ng mga pagsubok at pagsasanay na hinarap nito sa amadeus at lalong lalo na ang sinabi ni marisa na alagaan ang anak niya ay biglang nagpakita sa isipan niya.

"AAAAAAAHHH!" Kitang kita ni intoy ang espada na unti-unting lumalapit sa leeg niya at duon niya na lang napagtanto na hindi isang biro ang pagiging tagapagtangol, hindi isang laro ang pagiging tagapagtangol dahil kapag natalo ka hindi ka babalik at puno na naman ang iyong buhay, sa halip kapag natalo ka. Mamatay ka

Ipinikit nalang ni intoy ang kanyang mata kasabay ng pagtulo ng mga luha niya subalit may kakaiba siyang naramdaman dahilan para mapadilat siya. Sa hindi mapaliwanag na pangyayari ay gamit lang ang kanyang kamay ay napigilan niya ang pagtama ng espada sa kanya labis na ikinagulat ni Zabarte at David.

Tinitigan mabuti ni Zabarte ang kanyang espada na napigilan ni intoy gamit lamang ang kamay nito at napatingin din siya sa pagmumukha nitong seryoso na nakatingin sa kanya. Dito niya napansin ang biglang pagbago ng kulay ng mata ni intoy. "Alis" sa isang salita ni intoy, tumilapon ng malakas si Zabarte palayo, hindi lamang mata ang nagbago kay intoy pati na rin ang boses nito, naging boses babae siya na mistulang sinaniban ng espiritu ng kung sino man.

Kasabay ng pagtayo ni intoy ay ang pag-takip sa kanya ng mga hamog, paikot-ikot itong bumabalot sa katawan ni intoy. Kapansin pansin mula sa anino ni intoy na nagbabago ito, mula sa aninong maliit ay naging anino ng isang babae.

"A-anong nangyayari kay intoy?" Bulong ni David na hindi makapaniwala sa nangyayari, duon lamang nabigyan kasagutan ang kanyang katanungan ng maalis ang mga hamog na tumakip kay intoy at sumiwalat sa kanila ang espiritung humiraw sa katawan ni intoy.

"Ang lakas ng loob mo na kitilin ang buhay ng bagong ako gamit ang sarili kong espada" Tugon nito

Napaatras si David dahil sa labis na pagkamangha ng mapagtanto niya na si master sahaya ang nagprotekta kay intoy.

"Hindi ko lubos akalain na magpapakita kayo master sahaya" Tugon ni Zabarte na dahan dahan ng tumatayo.

"Alam kong hindi na ako ang dapat magprotekta kay intoy sa mga sandaling ito subalit hindi ko mapapayagan na madumihan ang espada ko mula sa dugo ng bagong ako. Hinding hindi" Pagpapaliwanag nito

"Pwes, kahit ikaw mismo na dating tagapagtangol ang nagpakita ngayon hindi parin magbabago ang desisyon ko na tapusin ang batang tagapagtangol" Sigaw ni zabarte dito.

"Isa na namang mababang uri ng lalake ang lulupigin ko ngayon" Biglang naglaho si Master Sahaya sa kanyang kinatatayuan dagli namang pinakiramdaman ni Zabarte kung saan ngayon nakapwesto ang dating tagapagtangol. Gamit ang kapangyarihan niya ay nararamdaman niya ang awra ng kapwa sigben niya dahilan para matukoy niya ang kinaroroonan ni Master Sahaya at nang matukoy niya na ito'y pasulong na sa kanya ay ginamit niya ang kanyang espada upang salagan ang atake nito na dapat pahampas sa kanya.

Muling lumikha si Master Sahaya ng atake, gamit ang kanyang mahabang buntot ay ginamit niya iyon upang hatakin ang paa ni Zabarte at ihampas sa kung saan, gamit naman ang kanyang espada ay pinutol niya ang buntot na nakatali sa paa niya.

Mukha namang hindi nasaktan si master sahaya sa naging pagputol sa kanyang buntot at nagpatuloy lang sa pag-atake kay Zabarte, ginamit niya ang kanyang liksi upang tamaan ang mahinang bahagi ng katawan ng isang engkanto, ito'y kanyang hinampas dahilan para mawalan ng balanse si Zabarte at pagkatapos nito ay agad niyang sinipa ito upang tumilapon sa di kalayuan.

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon