IKA-TATLUMPUT SIYAM NA KABANATA: PANGAMBA

145 11 0
                                    


[ika-tatlumput siyam na kabanata]

Isang magandang umaga ang sumalubong sa mga mamamayan ng Amadeus, makikitang bumalik na sa akademya para magturo si professor David, kasama ang iba pang mga guro na sila maestra luna at maestro mayan. Bumalik na rin si intoy sa pag-pasok--- bago siya muling bumalik sa mundo ng mga tao, bagay na napagkasunduan na at inaprubahan nila reyna Amaya at propesor David.

Sa muling pagbabalik ni intoy sa akademya, makikita na maraming naka-aligid sa kanya, hindi katulad ng unang pag-punta niya, tinatangap na siya ng ibang mga engkantong kamag-aral niya, lahat ng mga ito ay nasasabik sa mga kwento patungkol sa pag-lalakbay nila sa purra. Subalit lahat ng iyon ay walang silbi para kay intoy, dahil ang isang engkanto na nais niyang maka-usap ay mukhang malayo ang loob sa kanya---- walang iba kun'di si laura. Naka-upo ito tapat ng pisara katabi ang kasamahan niya sa kapatiran na si Lucas.

Nahinto ang pagkukumpulan sa paligid ni intoy ng biglang pumasok ang masungit at nakakatakot na si maestro mayan na agad nag-bigay ng nakakatakot na tingin. Agad niyang nakita si intoy at tinitigan niya ng matagal kaya naman si intoy ay nailang, yumuko siya ng bahagya.

"i-intoy.... Nakatingin pa rin siya sa'yo" bulong ni jek-jek, katabi niya.

"shhs, huwag kang maingay"

Sa wakas ay nag-salita na din si maestro mayan matapos titigan si intoy ng napakatagal "Ang batang tagapagtangol ay nandito na pala! Isang matinding pag-lalakbay ang kanilang hinarap pag-tapak nila sa bayan ng purra. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan sa muling pag-babalik sa Amadeus kasama ang bagong reyna nating lahat" inunahan ni maestro mayan ang pag-palakpak na agad sinundan ng bawat engkantong nasa silid.

Makikita na masama ang loob nila laura na gawin ang bagay na iyon pero hindi siya pwedeng hindi sumunod, bakit? Estudyante lamang siya at siya ang presidente ng paaralan, hindi magandang imahe para sa isang tulad niya ang hindi sumunod sa simpleng bagay na pinapagawa ng maestro niya.

"tama na!" ani ni mayan at tumigil ang lahat sa pag-palakpak "muli tayong magbabalik sa klase na gaya ng dati, may panibago tayong tatalakayin kaya kunin niyo ang mga libro niya at buksan sa pahina ika-tatlumput siyam" kinuha ng bawat estudyante ang kani-kanilang mga libro at pumunta sa pahina tatlumput siyam. Makikita dito ang panibagong aralin na tatalakayin nila.

Binasa ni maestro mayan ang pamagat ng kanilang aralin "Ang limang armas ni bathala"

"l-limang armas?" biglang may pumasok sa utak ni intoy "si master sahaya"

"alam ko po ang patungkol sa bagay na iyan!" ani ni laura sabay taas ng kamay ngunit hindi siya pinansin ni maestro mayan.

"maliban kay laura, sino pa ang may ideya patungkol sa limang armas ni bathala?" wika ni mayan na iniikot ang kanyang mata sa loob ng silid, lahat ng mga estudyante ay naka-tanga lang sa kanya at si laura lang ang nagta-taas ng kamay. Kaya naman napabuntong hininga siya

"A-ako po!" biglang napalingon ang lahat kay intoy ng bigla itong mag-taas ng kamay

"oh intoy? Hindi ko inasahan 'to, sige. Magbahagi ka ng nalalaman mo patungkol sa aralin nating ito"

Kinakabahan man dahil sa mga matang nakatingin sa kanya ay taas noong sumagot si intoy patungkol sa aralin nila "m-may limang armas na binigay sa atin si bathala, at ang limang armas na ito ay napunta sa kung saan-saang bahagi ng mundo, yung iba dito at yung iba sa mga mundo ng mga engkanto. Ang armas na napunta sa atin ay ang gintong martilyo, walang sino man ang nakagawang makabuhat nito, maliban sa isa... kay master sahaya—"

"palakpakan niyo si intoy" agad pinutol ni maestro mayan ang pagsasalita ni intoy. Makikitang inis si laura kasi nasagot ni intoy ang dapat na isasagot niya "katulad nga ng sinabi ni intoy, may limang armas na ibinigay sa atin si bathala, at ang armas na napunta sa mundo natin ay ang gintong martilyo. Walang sino man ang nakagawang makabuhat nito, maliban sa dating buhay ni intoy. Si master sahaya"

Ang Tagapagtangol: Ang Paghahanap Kay Prinsesa Amaya (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon