Kabanata II

4.4K 81 2
                                    

Kabanata II

Faith

Nakatunganga ako habang nakaupo sa madilim na parte ng garden at nakatanaw kay mama na kausap parin ang daddy.

Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng mga luha ko habang nakatitig sa mukha ni daddy na halata na ang katandaan. Five years old palang ako noong iniwan niya kami ni mama para sa ibang pamilya. Mula noon wala na kaming narinig tungkol sa kanya.

Akala ko ayos na ako na tanggap ko na pero bakit ang sakit-sakit parin gusto kung mayakap ang daddy ko. Matagal na akong naghahanap ng yakap ng isang ama. Napahikbi ako tuluyan ng naglandas sa pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Daddy miss na miss kita, bakit hindi mo kami dinalaw kahit isang beses lang naghintay ako ey." Sabi ko sa hangin habang umiiyak. Ang sakit ng lalamunan ko dahil sa pinipigilan kung emosyon. Halos hindi na ako makahinga kakaiyak.

Napadapo ang mata ko kay mama na hanggang ngayon ay nakikipag-usap parin kay dad. Kumislap ang mga mata nitong naka-titig parin kay dad.

Alam kung umiiyak rin ito, gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero na duduwag ako.

"I'm sorry mama, hindi ko kayang lumapit nasasaktan pa rin kasi ako." I whisper.

Minutes later, nag-pasya akong umuwi nalang sa condo ko. Hindi ko pa kayang Makita si dad ng malapitan.

Tatawagan ko nalang si mama mamaya para sabihin ang rason ko. Alam ko na maiintindihan ako ni mama nasaktan kasi talaga ako noong iwan kami ni dad. Si dad ang kauna-unahang lalaking sumugat sa puso ko at hanggang ngayon hindi pa ito naghihilom.

Tumayo ako at pinahid ang luha ko gamit ang aking kamay.

Naglakad ako palapit sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Kanina pa ako na-uuhaw.

Pagkatapos kung uminom ay nag pasya akong umalis na nang naalala ko si Paulo. Napa hilot ako sa sentido ko dahil nalimutan ko siyang tawagan. Kinapa ko ang damit ko at naalalang hindi na ito ang uniform ko wait, na saan ang cellphone ko? Naalala ko kasing bitbit ko ito bago pumasok sa bahay. Saan ko ba na ilagay iyon.

Naglakad ako papuntang sala para hanapin si nay saling ng makasalubong ko si ate ester.

Nakakunot noong naka-tingin ito sa akin.
"Faith ikaw ba yan?" hindi siguradong tanong nito sa akin. Sasagot pa sana ako ng magsalita siyang muli.

"Syempre ikaw yan ang tanga ko talaga." Napailing pa niyang sabi sabay hampas sa kanang balikat ko. Nabakasan ko ang galak sa boses niya. Samantalang napa-ngiwi naman ako sa hampas niya. Si ate ester ang pinaka-close ko sa lahat ng batang kasambahay dito limang taon ang tanda nito sa'kin. Kaya okay lang sakin na hina-hampas nya ako medyo sanay na din.

"Masaya akong makita ka muli namiss ka namin lahat dito." Masaya at puno ng galak nitong sabi sa akin.

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo hindi kaba masayang nakita ako?." Umiyak ako kanina kaya alam ko na namamaga pa ang aking mga mata.

"aba't miss kana kaya naming lahat dito ang tagal mo rin kasing hindi umuwi dito." Pag-papatuloy niya na medyo may tampo.

Nakonsyensya naman ako kaya niyakap ko siya ng kay higpit dahilan para mapagiwi siya.

"Miss ko na rin naman kayong lahat." Pag lalambing ko sa kanya. Tumango naman siya kaya pinakawalan ko na siya. Tinitagan ko siyang mabuti at ngumiti ng mapait.

"Babalik ako dito bukas ipagluto mo ako." Pagmamaldita kong sabi. Napakunot noo naman siya.

"Hindi kaba dito matutulog?" tanong niya. Umiling ako. Tumango naman siya at ngumiti ng pilit may bahid din ng lungkot ang kanyang mga mata. Alam niya na iniiwasan ko si daddy.

Affair with the Billionaire (Gentlemen Game: Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon