Kabanata IX

2.4K 58 2
                                    

Kabanata IX

Faith

HAPON na nung napasyahan naming umuwi. Kita ko na rin ang pamumutla ng aking kamay dahil sa lamig. Natampal ko pa ang sariling noo nung naalala na ko ngayon ang balik namin papuntang manila. Ang tanga talaga!

"Sigurado ka'ba na sa inyo kana lang maghapunan?" ani kuya travis na seryoso ang mukha. Tumango ako.

"Oo. Ngayon kasi ang byahe namin pabalik ng manila." mahina ko'ng sagot at pumasok sasakyan nito ihahatid niya ako sa mansion.

"Namin? Kayo ng mama mo?" he asked again. Umiling ako.

"Hindi. Kaibigan ko at kapatid ko." kita ko'ng natigilan ito at nagsalubong ang kilay na tumingin sakin. Kaya pinagtaasan ko ito ng kilay.  Oh? Ano na naman problima nito?

Hindi na ito nagsalita ang mga mata'y nakatutok lang sa daan, ako naman ay ganon din. Papalubog na ang araw at kita ko ang bahagyang pagpula ng langit. Hay! Hindi pa nga ako nakakaalis ay namimis ko na ang lugar na'to.

"Kuya, babalik ako dito next week kaya wag kang malungkot." ani ko sabay sundot sa tagiliran nito. Kita kong hindi na maganda ang timpla ng mukha nito.

"Stop it I'm driving!" he hissed. I was stunned. I grin. Sos nag-inarte na naman!

"Galit ka." I concluded still grinning. He shook his head and gripped the steering wheel tightly. Kita ko ang mga ugat sa kanyang braso at kamay dahil sa higpit ng kapit nito sa manibela. I sigh and look away. Ano naman kaya nangyari sa isang to!

"Alam mo kuya. Kanina ko pa napapansin eh! Pabago-bago ka ng ugali." I honestly told him. Baka may bipolar disorder ito!

Hindi na ito nag-salitang muli hanggang sa matanaw ko ang entrada ng hacienda Victoria. I smile at nilibot ko ang aking paningin. Ang ganda ng hacienda! Dito lumaki si mama kasama ang dalawa niyang pinsang lalaki, si tito vincent at tito rafael.

Only child ang mama, ang sabi pa ni mama sa akin ay malungkot daw siya noon dahil wala siyang kaibigan walang kuma-kaibigan sa kaniya dahil na'rin siguro sa estado ng pamumuhay ni mama kaya wala masyadong lumalapit dito. Hanggang sa isang araw nagbakasyon ang dalawa niyang pinsan na lalaki at napuso-an ang lugar kaya dito raw ito tumira at nag-aral hanggang sa kolehiyo. Mula noon ay marami ng kuma-kaibigan 'kay mama siguro dahil narin sa dalawa nitong pinsan na habulin daw ng babae. Napa-ngiwi pa ako no'ng kinwento ni mama sa akin 'yun. Para kasing nakikipag kaibigan lang ang mga ito dahil kina tito.

Tss! ayaw ko pa naman sa mga taong ganun. Yung mabait lang sayo dahil maykailangan.

This hacienda was the first anniversary gift ni lolo para kay lola. Pinangalan ito ni lolo 'kay lola para daw kahit marami ng henerasyon ang dumaan ay hindi daw malilimutan na kaya mayrong hacienda victoria ay dahil daw iyon sa kaniyang tapat at walang katumbas na pagmamahal para kay lola.

Haist! Ang galanti ni lolo mag-mahal! Ako kaya? Sana may magmahal sa'kin ng katulad ng pagmamahal ni lolo kay lola. Pero sa panahon ngayon? Malabo!

Napatingin ako kay kuya no'ng huminto ang sasakyan di kalayo-an sa gate ng mansion. Tumingin din si kuya sa'akin at kita ko ka rin ang lungkot sa mga mata nito.  Ramdam ko ang pag-iba nga mood nito simula nong umalis kami kani-kanina.
Tumikhim ako bago nag-salita, parang maybumara kasi sa lalamunan ko.

"Kuy---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mabilis ako nitong hinila at niyakap. Naiyak ako.  Hindi ko mai-intindihan ko'ng anong nangyayari kung bakit ako naiyak pero para kasing ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon bago ito nagsalita.

Affair with the Billionaire (Gentlemen Game: Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon