Kabanata XIV

2.1K 55 2
                                    

Kabanata XIV

Faith

MALUTONG na mura ang narinig ko mula kay luke na nagpabalik sa akin sa tamang pag-iisip!

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa basang hubo't hubad na katawan nito. Damn!

Nagpapanic ang buong sistema ko! hindi gumana ang utak ko kaya nataranta ako kung ano ang dapat gawin!

Nagpalingalinga ako hanggang sa naramdaman ko ang pagtama sa akin ng isang malambot na bagay.

Gamit ang nanginginig na kamay ay mabilis ko itong pinulot sa sahig. Anak ng titing naman oo! Ano na naman ba itong kahihiyan na napasok ko?!

"Hindi ko alam na may pagsasa ka pala sa akin.." may pang-uyam nitong turan sa akin.

Napakunot noo ako dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi nito. Nag-angat ako ng tingin dito habang pinapalibot ko sa aking katawan ang tuwalyang hinagis nito sa akin.

Dahil siguro sa hiya at sobrang pagkagulat kanina kaya hindi ko nakuha ang sinabi nimo sakin.

"Akala ko nasa labas kana kaya hindi na ako kumatok." nahihiya kong sabi dito. Lupa lamunin mo si na ako!

"Akala ko pa naman may pagsasa ka sa akin kaya you entered the room... naked." he's using the wrong filipino word but I clearly understand what he meant by that!

Nag-init ang mukha ko.

"Ang kapal naman ata ng mukha mo para maisip yan! Para sabihin ko sayo hindi ikaw si shawn mendes para pagnasaan ko! At pagnanasa iyon hindi pagsasa!..." hindi ito umimik.

Nakatitig ito sa akin, wala na ang mapang-inis na ngisi nito at bumalik sa dating supladong mukha.

Taas baba ang dibdib ko. Kinukontrol ang sariling damdamin. Hiya at galit sa sariling katangahan. Wala na ata akong ginawang maganda!

Patakbo akong lumabas ng banyo at hinintay na matapos si luke sa loob.

Pumasok ako sa aking walk-in closet para maghanap ng maisusuot. Nagpasya akong sa loob ng banyo nalang din mag palit ng damit at baka maulit na naman ang katangahan ko kanina.

Bitbit ang isang Zara brand maong short-short, color white University T-shirt and my undies ay lumabas na ako. Sakto namang paglabas ko ay siya rin ang paglabas ni luke sa banyo.

Hindi ko ito tinapunan ng tingin at baka masabihan pa akong pinagnanasaan ko ito.

Pinakiramdaman ko ito. Nang tuloyan na itong makalabas ay naglakad ako papasok sa loob ng banyo. Kating-kati akong lumingon.

Para akong baliw na pinipigalan ang sariling lumingon.

He's using my body wash and my strawberry scent shampoo, alam ko dahil na amoy ko ito kanina.

Pagkapasok ko sa loob ay kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko, naalala ko ang nangyari kanina at gusto ko ng mapakatiwakal dahil dun. Nakakahiya!

Sanay naman akong maglakad na naka swimming wear lang, I mean I've been a lot of beautiful beaches here and abroad at hindi niyo naman siguro ini-expect na mag-over all ako diba? I am confident with my body. But for god sake, walking with bikini and being naked was completely a hell of different story! Mabuti nga't hindi ako nawalan ng malay kanina.

While feeling my cold shower, my head was thinking of ways on how to stay away from luke when we get to hacienda Victoria.

Bakit ba kasi kailangan pa nitong sumama sa akin? Ang dami naman lugar na pweding pagbakasyonan bakit 'dun pa? Ngayon ako tuloy ang namomroblima. Tsh!

Affair with the Billionaire (Gentlemen Game: Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon