Chapter 2
-Better Than Nothing-
Ayoko sa subject na’to. Classmate ko kasi si Stan. Buti na lang ay classmate ko din yung dalawa kong kaibigan na sina Kymie at Jianah.
“Oy Kymie. Lipat ka ng upuan. Dyan ako sa tabi ng girlfriend ko.” Tinignan ko ng masama si Kymie at sinabihan na ‘wag siyang susunod sa sinasabi ni Stan. Nang ibinaling ko muli ang tingin ko kay Stan ay pinag-taasan ko siya ng kilay.
Pero itong si Stan ay mapilit talaga. Hinila niya bigla si Kymie kaya walang nagawa si Kymie at lumipat na lang ng upuan.
Tumabi si Stan sa akin na ngiting-ngiti. “Hi girlfriend ko!” Pero hindi ko siya pinansin at mas nilakasan pa ang pagbabasa ng libro para maisampal ko sa mukha niya na busy ako at hindi niya dapat ako istorbohin.
Oo, nandun na tayo sa sobrang gwapo at hot niya tapos dumadagdag yung medyo kulot niyang buhok sa charisma niya pero wala nga kasi talaga. Si Ace talaga ang gusto ko. Wala siyang mapapala sakin. Kahit pasabugan pa ako ng fans nya ng granada, si Ace pa rin.
Hinarang niya ang mukha niya sa librong binabasa ko na parang bata. “Pansinin mo ‘ko, please?”
I took a very very very deep breath bago siya hinarap. “Ano ba! Mag-aral ka na lang pwede? Maya-maya dadating na yung prof. Malay mo magbigay na naman yun ng surprise quiz.”
He feigned a sad face. “Kahit naman sambahin ko pa yang libro, wala naman akong mapapala kung hindi ako makaka-focus kasi nga hindi mo ako pinapansin.” Tapos ay ngumuso pa siya na para bang nagpapa-awa.
Kung pwede lang tagain yang nguso niya matagal ko nang ginawa.
“Look, Stan. May girlfriend ka pa diba? Siya na lang ang kulitin mo!” Bigla siyang ngumisi sa’kin.
“Oo nga. May girlfriend ako. At ikaw yun. Girlfriend kaya kita.” His tone is seriously annoying. Hindi ba siya nahihiya sa kalandian niya? Kalalaking tao, ang harot-harot.
Mabuti na lang ay bigla na pumasok yung prof. Kahit pano’y nadistract siya kaya di niya ako masyadong kinukulit dahil strikto ang prof namin na yun. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay tumakbo na ako palabas ng room. Buti at di niya ako nasundan dahil may kumausap sa kanya. Di pa tuloy ako nakapag-paalam kina Kymie at Jianah.
Nagkita kami ni Patrice nung lunch time. Buti na lang pag lunch time ay walang conflict ang time namin pareho.
“Ace said he has an idea already about the muse thingy.” Kwento ni Patrice habang kumakain kami.
“Oh e sino daw?”
Nagkibit-balikat siya. “Malay ko. Sabi ni Inno kahit sa kanila wala naman sinasabi si Ace. Basta ang alam lang nila ay may idea na si Ace kung sino ang magiging muse ng banda nila.”
I sighed, “What a lucky girl. Sana ako na lang kasi.”
Tinignan naman ako ni Patrice ng masama. “Asa! E show of gratitude nga yun nga yung muse thingy para sa fans nila ‘di ba? E hindi ka naman fan ng SQ as a band. Si Ace lang naman ang gusto mo sa kanila.”
“Ano ba! Baka may makarinig sayo. Malay mo may mga galamay yang si Ace at may makarinig pa sayo na you know-” -na may gusto ako sa kanya.
“Arte mo! Pakipot ka masyado. Alam mo, kung mabait kasi ang pakikitungo mo kay Ace, I swear magiging friends kayo. Ayaw mo nun? Mas magiging malapit ka kay Ace.”
“Never mind na lang kung friends lang. Baka ma-friendzone pa ako.” Tumango siya blandly at parang napipilitan lang sumang-ayon. “Cool kaya yung naiinis siya sa akin. Mas may thrill.”
“Yeah right. Hay ewan. Bahala ka. Love life mo yan kaya dapat di ko na pino-problema” Tapos ay nag-focus na lang siya sa pagkain. Ako din ay nag-focus na lang sa kinakain ko.
Pero sayang talaga yung pagiging muse. Kahit di ako fan ng buong SQ, gusto kong maging muse nila. Yung tipong tinitingala ka ng mga tao kasi nga muse ka ng Stratagem Quatro.
Nang matapos na ang dalawa kong subject sa hapon, aba’t akalain mong punyatera ang sunod na subject.Minsan, mafi-feel mo talaga yung gusto mo barilin yung prof mong tatamad-tamad pumasok ng klase. Aba! Binabayaran tapos hindi aattend. Kala mo siya may ari ng eskwelahan. Kaya ayan, hindi ko alam kung sa’n ako lulugar. May subject lahat ng kaibigan ko ngayon eh. Sayang kasi dapat classmate ko si Ace ngayon.
Kung bakit kasi di pa umattend yung prof ko na yun. Pupunta na lang siguro ako sa cafeteria para bumili muna ng maiinom. Nakafocus lang ako sa binabasa kong ebook sa cellphone ko habang pumipila.
“Wala lang ba talaga sayo ang presensya ko?” Inangat ko ang ulo ko para malaman kung sino ang nagsalita – kahit pa kilala ko naman talaga ang boses niya. I just need to confirm if it’s him.
“I’m sorry Ace pero wala.” I tried so hard to maintain my blank expression. Pero deep insinde, natataranta na talaga ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa sobrang pagkataranta. Pati nga ang mga kamay ko ay nanlalamig. And this is the effect of his presence on me. Baka pagtawanan niya lang ako ‘pag nalaman niya iyon.
Umiling na lang siya at tinalikuran ako.
Natatawa na lang tuwing naalala ko kung bakit inis na inis sa akin si Ace. Nagkaron kami noon ng Freshie Walk at nang kinagabihan ay nagkaron naman ng Freshie Party. Stratagem Quatro was performing that night. Halos lahat ng tao ay nagsasayawan at nagsisitalon sa tugtog nila. I was still an immature kid back then kaya naman inis na inis ako sa mga nakaka-tapak ng paa ko. At may isang muntik pang matulak ako. Singhal na ako nang singhal ng inis ko habang nagpapatugtog ang banda. Wala akong pakialam dahil halos ‘di rin naman naririnig ang boses ko dahil sa lakas ng sigawan at hiyawan.
“I freaking hate the band!” Wala sa sarili kong sinigaw iyon, kahit ako mismo nagulat na sinabi ko iyon. Ngunit nagulat ako nang saktong nawalan ng kuryente at nabalot ng katahimikan ang lugar at tanging boses ko ang nangibabaw. Worse, ‘di ko namalayan na malapit na pala ako sa stage kaya naman rinig na rinig iyon ng Stratagem Quatro.
That’s when Ace started hating me.
Well, I guess it’s better for him to be annoyed at me. Annoyance is better than nothing. At least nakilala niya ako dahil dun. Kesa yung kahit isang letra ng pangalan ko ay hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Teen FictionCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella