Chapter 29
-Mess-
Their event was a mainstream. Simula nang makasali sila sa event na yun ay mas dumami ang mga racket at gigs nila lalo na nang sumapit ang Disyembre. Mas dumami ang parties at events na pinupuntahan nila. Ngunit habang parami nang parami ang pinupuntahan nilang events ay pabawas rin nang pabawas ang natitirang performances nila.
37 performances left.
Mas sumisikit na sila ngayon sa lugar namin. At dahil sikat din sila sa social media ay may mangilan-ngilan din silang fans mula sa ibang lugar. Maraming malulungkot kapag nagdisband na sila.
“Minamadali na ng grandparents ko ang pagq-quit ko sa banda. They’re pressuring me so much. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Ani Ace habang sinisipa ang maliliit na bato sa may paanan niya.
“’Wag mo mamasamain ang tanong ko pero, kailangan niyo ba talaga magdisband kapag nagquit ka sa banda? I mean can’t they just wait na makagraduate kayo? Hindi ba pwedeng enjoyin niyo na lang ang college while doing the band? Kailangan ba tapusin agad iyon?” Isinandal ko ang likod ko sa bench at tumingin na lang sa langit habang naghihintay ng sagot niya.
“Aside from studying that stupid business course, magkakaroon din ako ng training sa kompanya namin. Mags-start iyon sa summer. Gusto nila ay focused ako sa kompanya lang namin. They said I don’t need any distractions. Kaya nga 100 performances lang ang quota nila dahil alam nilang sapat lang iyon bago mag-summer na tapos na ako sa banda. At ayaw rin naman ng mga kabanda ko na maghanap ng bagong vocalist kung sakali.” Gusto ko sanang sabihin na pwede naman maging vocalist si Stan kung sakaling magq-quit na siya. Pero piniglan ko na lang ang sarili ko na sabihin iyon dahil baka iba ang maging pagkakaintindi niya.
Inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa tuhod niya. Tinignan ko siya at nginitian na para bang sinasabi na magiging ayos din ang lahat. But the gesture seems awkward for Ace kaya agad niyang binawi ang kamay niya.
Kitang-kita ko pa nga ang pamumula ng tenga niya habang umiiwas ng tingin.
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa ay may pinindot na kung ano-ano bago pinakita sakin kung ano ang naroon. “Kalimutan na muna natin yun. Let’s just play this game. Ano? Head-to-head battle?” ngisi niya.
“But I don’t know how to play that game.” Hinila niya ang braso ko at sinenyasan na umupo ako malapit sa kanya. Inilapit niya ang cellphone niya sa akin saka ako tinuruan kung pano ang laro. Labanan kasi ang larong tinuturo niya sa akin. Parang Tekken.
Nang makapili na kami ng sariling hero namin ay nagsimula na ang battle ng heroes namin. Madali lang intindihin ang controls kaya nakakalaro ako nang maayos. Halos mahulog pa ang cellphone niya sa sobrang pagpindot namin sa controls. Konti na lang ay matatalo na ng hero ko ang hero ni Ace.
Nang madeklara na ako ang panalo ay nanlumo siya na parang bata at para bang malapit na magmaktol. “Seryoso ba ‘to? Pakiramdam ko nagoyo lang ako e.” Nakanguso pa siya habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Fiksi RemajaCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella