Chapter 1
-Stratagem Quatro-
Naglalakad ako mag-isa sa hallway nang biglang sumulpot si Patrice sa harap ko.
“What?” Medyo halata at sa tono ng pananalita ko ang pagkairita. Palibhasa e nababasa ko na sa ekpresyon ng mukha niya na may binabalak siya.
“Ditch your next subject. Samahan mo ko manood ng practice ng SQ, please?” Nag-cross arms ako habang tinitignan siya.
“Anong kapalit?”
“Kailangan may kapalit?” She rolled her eyes. “Makikita mo si Ace your loves. Diba super crush mo naman siya? Yiiee!” Aniya at ngumisi sa aking nang nakakaloko habang tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.
Agad kong tinakpan ko ang bibig niya at tumingin sa paligid saka muling ibinalik ang tingin sa kanya.
“Ano ka ba! Baka may makarinig sayo!” Tinabig niya ang kamay ko at tumingin nang masama sakin.
“Whatever! Masyado kang pa-feeling dalagang pilipina eh. Alam mo yun? Yung sungit-sungitan effect when in fact, patay na patay ka sa kanya. Plus duh! All the girls in this university adores him.” Mahabang litanya niya.
“Just shut up.” Sinabi ko na lang para matapos na ang usapan namin.
Pumunta kami sa room na nakalaan para sa mga practice ng Stratagem Quatro. Yeah, may sarili silang room sa University na ‘to. That’s how the university owner loves them to the point na bigyan sila ng sariling teritoryo. Dumadami kasi ang enrollees dahil sa kanila. That sound pathetic but it’s true.
Pagpasok namin ng room nila ay napatigil sila sa pagpapatugtog. Bigla-bigla na lang kasing pumasok si Patrice at may kasama pang pasigaw-sigaw. “Go babe! I’m here to support you!” aniya kay Inno. Napaface-palm na lang ako sa pang-eeskandalo niya.
Huminga akong malalim bago sumunod kay Patrice sa loob.
Kumunot ang noo ng kanina’y nakangiting si Ace nang makita ako tapos ay bumaling ang tingin niya kay Patrice na nakaupo sa mini sofa dito. “Patrice, anong ginagawa niyan dito?!”
“Manonood kami ng practice niyo. Boring pag ako lang ang babae dito e.” Dahan-dahan akong umupo ako sa tabi ni Patrice.
Nilapitan naman ako bigla ni Stan at saka inakbayan “Hoy Ace! Wag mo sigawan ang girlfriend ko ah. Syempre susuportahan niya ako niyan.” Ngumiti siya sa akin at may pataas-taas pa ng kilay.
Tinabig ko ang braso niya at kinurot iyon. “Wag ka ngang tsansing! Ang harot-harot mo! Bumalik ka na nga dun.” Nag-pout lang siya pero bumalik lang din sa piano niya.
Nang ibinalik ko ang tingin ko kay Ace, nakatingin rin siya sa akin (pero kulang na lang mabutas ang kaluluwa ko sa mga tingin niya). Hindi ko pinansin ang masamang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Novela JuvenilCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella