Chapter 28

17.4K 159 105
                                    

Chapter 28

 

-Maybe-

 

I can’t look at Mikko the same before anymore. Nang itakas niya ako gamit ang kanyang sasakyan ay nakapag-usap kami nang masinsinan. Yes, I was shocked too. I never thought that he would open up to me. He’s like a music box I was finally able to open, and hearing the music inside of him breaks my heart for it was such a sad music.

Mas nakilala ko na siya. Mas naintindihan ko na kung bakit iba-iba ang ugaling ipinapakita niya sa akin. Mikko was never the silent-type, kung hindi nga lang nangyari ang mga hindi dapat nangyari noong highschool pa sila. Kwento niya sa akin ay siya raw ang pinaka-madaldal at pinaka-magulo sa kanilang grupo noong highschool pa sila. Ngunit hindi yata talaga tugma ang ugali ni Mikko at Ace kaya naman madalas sila magka-asaran sa mga maliliit na bagay.

“I know, it was very gay and childish of us... especially me.” Tanda kong pagkakasabi niya sa akin. Kitang-kita sa ekspresyon ng kanyang mukha kung gaano niya kinamumuhian ang dati niyang sarili.

Dati ay simpleng alitan hanggang sa lumaki. Dati sa mga simpleng bagay lang hanggang sa babae na ang kanilang pinag-aawayan. Hindi lang silang apat ang magkakabarkada noon kaya naman nang magkaroon ng awayan sa pagitan ni Mikko at Ace ay hindi naiwasang magkaroon ng kampihan.

They’re boys kaya naman hindi na nila mas pinalaki ang awayan nila at nagkaayos rin agad. Nagkaroon ng malaking parte ang musika sa paghilom sa alitan ng dalawa. Nagkaayos sila dahil pareho nilang gusto ang paglikha ng musika. Nung una ay laro-laro lang hanggang sa nakabuo na sila ng banda.

Barkada pa rin naman ang tingin ni Mikko sa kanyang mga kaibigan ngunit sinigurado niya na may distansya na siya sa kanila. Kaya naman tahimik siya tuwing kasama ang mga kaibigan niya. Naging medyo mailap na siya sa mga ito.

His grin while he was telling me those had been very clear in my memory. “I know I was acting like an emotional girl and yes, I’m giving you now the privelege of laughing at me.” Biro niya.

 

Biglang hinampas ng prof ko ang aking lamesa kaya naman nabalik agad ako sa aking sarili at itinuwid ang aking upo. Pinatayo niya ako at nagtanong ng tungkol sa tinatalakay niya. Mabuti na lang at nasagot ko ito.

Nilingon ako ni Mikko.

“What?” Bigkas ko. Kahit magkalayo ang upuan naming dalawa ay sigurado naman ako na naintindihan niya ang gusto kong sabihin.

Tinuro niya ang professor namin gamit ang kanyang nguso. Gusto niya sigurong sabihin na makinig dapat ako sa professor namin.

Umirap at sinunod ko na lang ang gusto niyang iparating.

“No classes tomorrow. Holiday daw e. May plano ako.” Masiglang salubong ni Ace sa akin nang sumunod na araw.

Hinablot niya ang sling bag ko at sinabit ito sa leeg niya. That sweet ninja move, though.

“At ano naman ang plano mo?”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon