Chapter 17

21.5K 282 162
                                    

Chapter 17

 

-Partners-

 

Ilang araw na lang ay magsisimula na ulit ang second semester kaya naman nag-enrol na agad ako. Dapat sana ay kasama ko sana sina Patrice, Jia at Kymie ngunit pare-pareho silang hindi mage-enrol sa araw na ito kaya naman mag-isa lang ako. I’m not that dependent naman kaya okay lang.

“’Yo brotha!” bati sa akin ni Stan nang malaman namin na magkaklase kami sa isang subject ko ngayon. Nakipag-bro hug siya sa akin. Yeah, bro hug. Yung walang malisya.

“Oh by the way, Lex nga pala.” Aniya at pinakilala sa akin ang kasama niyang lalaki. “Bro, Amber nga pala.” Sabi niya sabay tingin sa akin at kumindat. Akala mo naman pag-iinteresan ako ng Lex na iyon e ang sungit naman sakin.

Tumango lang sa akin si Lex at iniwan kami ni Stan at agad siyang humanap ng upuan. Ang suplado, my God! Para siyang si Mikko. Yun nga lang ay mas gwapo at hot talaga si Mikko. Samantalang si Lex naman ay may mas strong na facial features at mas mababa kumpara kay Mikko. Okay. Si hindi lang talaga si Mikko ang abnormal sa mundo. And for the record, I hate that Lex guy.

Stan has a lot of friends – especially guy friends. Halos lahat ata na lalaki ay tropa niya. Pero mas close talaga siya sa tropang madalas niyang kasama. And yeah, mas madalas niyang kasama ang tropa niyang yun kesa sa SQ. Well, I don’t think SQ makes a big deal out of it naman e.

“Ang sungit nung Lex ah. Nakaka-asar” Reklamo ko kay Stan ngunit tinawanan niya lang ako. And here comes another akbay.

Sinabi niyang hindi daw talaga suplado si Lex. Pero ramdam ko may something siya sakin e. I mean, something – as in inis or whatnot.

“The last time na sumama ako sa inyo ng barkada mo, they are very warm and kind to me. Siya lang talaga yung ilag sakin. Kainis!” Ngayon lang pormal na pinakilala ni Stan sa akin si Lex. Tuwing kasama kasi ako ni Stan ay sobrang iwas siya.

Magsasalita pa sana si Stan nang pumasok na ang prof namin. Niyaya niya akong umupo katabi niya dun sa bakanteng upuan katabi nung Lex but I refused. May nakita akong seat katabi nung blockmate ko last sem kaya dun na lang ako naupo. Matagal-tagal na akong naglie-low sa pagiging mataray at suplada. But he’s really pushing my buttons. I swear mainit ang dugo ko sa Lex na yun.

Konti na lang ay iisipin ko ay may bromance thingy sa kanilang dalawa, at kaya naiinis sa akin si Lex ay dahil may konting history kami ni Stan.  But of course, alam kong imposible iyon. Stan is immature, yes, but he’s very masculing and so is Lex.

“I was stalking your blog awhile ago. This reminds me why I got obsessed in you before,  to the point na akala ko in love na ako sayo haha. Napaka-primitive ko talaga mag-isip before,” sabi niya sa akin noon nang marealize niya na wala siya sa aking feelings. Nakilala niya kasi talaga ako dahil sa blog ko.

And that started the little history between me and Stan. And of course, forgotten na yun. Tropa na kaya kami ni Stan. Super close friend ko na siya. Almost a bestfriend but not quite. Bestfriend is such a big word.

“Oy girl ah, hindi na kami updated sa mga nangyayari sa buhay mo! Pansin ko talaga na super duper as in to the max na close na close na kayo ni Stan. Any juicy story behind?” Tanong ni Jianah sakin habang naglu-lunch kami. Sa wakas kasi ay nagkasama-sama na rin kaming apat nina Patrice, Jianah, Kymie at ako ngayong lunch.

“Juicy story ka dyan. Malisyosa! Tropa lang kami nun.” Sabi ko sabay subo ng burger.

“Showbiz ka masyado ah. Dati galit na galit ka tapos ngayon halos mas kasama mo na siya at yung tropa niya kesa samin!” Singit naman ni Patrice samantalang si Kymie at tahimik lang na nakikinig sa amin dahil busy na kumain.

True enough na mas kasama ko na ngayon si Stan at yung barkada niya. I don’t know. Basta biglaan lang. We just tried to work out our so-called friendship then we suddenly clicked. Mas madali kasi kaming magkaintindihan sa mga jokes at kalokohan. Weird ba talaga na maka-close mo yung dating kinaiinisan mo?

“E what about yung kay Ace pala? You said di mo na siya crush? How come? I mean, nag-iimprove na relationship niyo ngayon tapos bigla ka naman nawalan ng gana sa kanya. Ang gulo mo Amber ah.”

“Malay ko ba. Basta na-feel ko na lang isang araw na humihina na yung sparks. Na namamatay na yung butterflies. Ah basta! Friends na kami. Okay na ako dun.” I adamantly said while grinning to them.

Pero patuloy sila sa pangungulit tungkol sa lovelife ko. Hindi ko naman kasi sila masisisi. Hindi na kasi talaga kami masyadong nagkukwentuhan so kailangan namin magcatch-up sa kwento ng isa’t-isa.

Nang magkaroon ako ng free time matapos ang ilang mga subjects ko ay naglakad-lakad ako mag-isa sa campus. Hanggang sa may mapansin akong grupo ng mga estudyante. Na-curious ako kaya naman lumapit ako. At nalaman kong nagre-recruit pala sila ng bagong members.

Napaisip tuloy ako kung magjo-join ba ako. Since first year ay wala talaga akong sinalihang org. I think maganda kung mag-join ako.

Patuloy na dumami ang mga tao. Hanggang sa mga nasa 20 plus na kami.

“Photography is the main focus of our org. We need here skilled photographers. So I want you to find your partner,” panimula ng president ng org na yun. Mabilis akong tumingin-tingin sa paligid ko pero wala akong mga kakilala, “and your partner will be your subject. Don’t worry because I’ll rate you individually. If you think the idea isn’t cool, you might as well find another org.” Mahinanon niyang sabi.

Naisip ko tuloy na ‘wag na lang sumali. Halos lahat sila ay may nahanap agad na partner. E ako naman kasi, hindi talaga masyadong friendly. Lalakad na sana ako palayo nang may humawak ng braso ko. Kamay pa lang niya ay kilala ko na.

Nabagabag tuloy ako kung nararamdaman niya ba ang biglang pagkataranta ko.

“You’ll be my partner. Tinatamad na ako maghanap ng iba. 8:00 am. Friday. Sharp. Dapat pagdating ko sa bahay niyo ay naka-ready ka na.” Aniya. Mabuti na lang at wala talaga akong pasok tuwing Friday.

Pilit kong inanagat ang ulo ko para tumingin sa mga mata niya. Parang akong nilulula ng mga mata. Kulay brown iyon ay na may pagka-grey. Hindi ko maintindihan basta ay maganda ang kulay.

Pumungay bigla ang mga mata niya at para bang pinagmamasdan ang buong kaluluwa ko. Ramdam ko kaagad ang panlalamig ng mga kamay ko. Halos mawala ako sa katinuan nang hinawakan niya ang pisngi ko papunta sa tenga ko.

“Your cheeks are blushing. Even your ears are red.” Ngumisi siya na sapat na para kilabutan ako. “But I don’t wanna jump into conclusions.”

Matapos nun ay lumakad na siya palayo.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon