Chapter 26
-Jealous-
Hindi pumasok ang isang prof ko sa dapat na subject ko ngayon kaya naman kasama kong naglalakad-lakad si Avielle since free time niya din ngayon. I enjoy my new friends’ company naman pero minsan hindi ko maiwasan na ma-miss ang original best friends ko na sina Patrice, Jia, at Kymie. But they’re all busy. Lalo na si Patrice. Lately, napaka-busy niya dahil sa course niya. Bukod na run ang pagiging busy niya dahil sumali siya sa cheerleading squad. Pero nakakapag-usap pa naman kami sa chat so okay lang.
“Uy sina Joax yun oh!” Turo ni Avielle sa direksyon kung saan nakita kong nakaupo sina Joax, CJ at Ziggy. Agad naman kaming naglakad papunta sa kanila.
“Oh ba’t parang ang lungkot ng vibes niyo?” Si CJ at Ziggy lang ang tumingin sa akin. Si Joax ay nanatiling nakatingin sa mga paa niyang pinaglalaruan ang maliliit na bato.
“Joax and Kimmy broke up. And this idiot is feeling guilty. Siya kasi nakipag-break.” Ani Ziggy at nagkibit-balikat na lang.
Pina-alis ko si Ziggy sa tabi ni Joax at saka umupo sa tabi niya. “Okay ka lang dude?”
“Yeah.” Sagot niya. I actually want to ask more questions but knowing the nature of boys, alam kong hindi naman sila pala-kwento.
Akala namin hindi pa rin magsasalita si Joax but then bigla na lang siya tumayo at humarap samin. “Inuman tayo mamaya? Ano? Game?”
“What about group study na lang? Mas okay pa yun e.” Suggestion ni Avielle.
Matapos nun ay nag-usap na lang kami tungkol sa ibang topic. Maya-maya ay nagulat ako nang makita ko si Ace na papalapit sa direksyon namin.
Iba na ang itsura niya ngayon. Hindi na pang-Jose Rizal ang hairstyle niya. Medyo shaved na ang magkabilang gilid ng ulo niya at naging straight na ang buhok niya at naka-brush up, still giving a classy vibe. He looks so classic today. Kahit ang suot niya ay classic. May mangilan-ngilan pa ngang babae na napalingon sa kanya habang naglalakad siya papalapit sa akin. Oh my God, Ace. Ikaw ba talaga ‘yan?
“Can I borrow Amber for a while?” tanong niya sa mga kaibigan ko. Pero hindi na siya naghintay ng sagot mula sa kanila at hinila na lang ako. Huminto kami sa parte ng paranymphus kung saan konti lang ang kumpulan ng mga tao.
He took a deep breath at inayos ang collar niya. “Hindi ko na kayang hindi mo ako pinapansin. Pwede bang pansinin mo na ulit ako?” Umiwas siya ng tingin. “I really miss you, Am.”
“Mm-hmm. Okay.” Sagot ko. Bigla siyang napatingin sa akin, halatang gulat.
“Seryoso ka ba diyan?” Now I can see his beautiful smile. Wow. I’ve missed that.
Inirapan ko siya nang pabiro. “Oo nga. Kulit e.” Napayakap siya sa akin bigla. Hinayaan ko lang siya gawin iyon but I didn’t hug him back. Nang bumitaw na siya sa yakap ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko at ngiting-ngiti na tumingin sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Ficção AdolescenteCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella