Chapter 3
-Magnet-
Buong gabi ako nag-stalk sa fan page ng Stratagem Quatro sa FB. Naghahanap ako ng reliable information kung sino ang posibleng muse ng SQ. Sa sobrang desperada ko, tinignan ko lahat ng profile ng mga avid fans ng SQ. Yung tipong active mag-comment, like, share or whatsoever. Tinignan ko din yung mga maraming contribution sa SQ fandom. Baka kasi isa sa kanila ang mapiling muse.
Hindi na talaga nawawala sa isip ko ang muse thingy na iyon. Halos hindi ako makatulog sa kaka-stalk sa fans ng SQ. Nakatulog na lang ako nang hindi namamalayan iyon.
Kinabukasan ay nagmistulang sementeryo ang locker ko. Punong-puno ng bulaklak iyon. konti na lang ay iisipin ko nang sinasamba na ako ni Stan dahil nagmukha akong santo na inaalayan niya ng mga bulaklak.
“Alam mo girl, ang daming inggit na inggit sayo ‘no? Biruin mo, isang Christan Alarcon patay na patay sayo!” Ani Jianah na kasama kong nag-locker.
Napasandal ako sa mahabang pinto ng locker habang nakikinig sa sinasabi niya. “Anong kainggit-inggit dun? Nakakapeste kaya yang Stan na yan. Hay nako.” She gave me a blank expression.
“Ang gwapo-gwapo kaya ni Stan!” Giit niya.
“Duh! Maglakad ka kahit saan diyan, madami kang mahahanap na gwapo. Hindi lang naman si Stan ang gwapo e.” Umirap siya sakin. Dukutin ko mata nito eh.
Winagayway niya ang hintuturo niya sa akin. “Pero nag-iisa lang ang Christan Alarcon ng Stratagem Quatro.” Nilagay ko na lang ang earphones ko at nilock na ulit ang locker. Matapos nun ay nangunahan na ako sa paglalakad. Bahala siya diyan. Ayokong marinig ang mga sasabihin niya.
Nang matapos ang lahat na subject ko kinahapunan, diretso agad ako sa sakayan ng jeep. Pero habang naghihintay ako ng masasakyan, napansin ko si Mikko na sumakay ng jeep. Dun siya sa katabi ng driver. At sa di malamang kadahilanan, para siyang magnet at napasakay rin ako sa jeep na sinakyan niya. maybe I’m just too curious about him.
Ang alam ko ay sina Ace, Stan at Mikko ay galing sa mayamang pamilya. Si Inno lang ang hindi mayaman sa kanila. Sa katunayan, siya ay scholar sa DSU. Si Mikko, unusual sa kanya na mag-commute dahil ang alam ko ay may kotse rin siya.
Maya-maya ay narinig kong pumara siya sa driver kaya bumaba na rin ako. Patago lang akong sumusunod sa kanya. Narealize ko na isang ice-skating rink ito.
Dire-diretso siyang pumasok. Samantalang ako naman ay hinarang ng guard.
“Manong, kasama ko yung lalaking yun oh. Si Mikko Vince Oliver.” The guard looked at me, still hesitant. Makisama ka manong guard, please.
“Patingin munang I.D.” Edi ayun pinakita ko sa kanya ang I.D. ko.
“Amber Euterpe? Sigurado ka bang kasama ka nun?”
“Oo nga po. Kaya kung pwede, papasukin niyo na ako.” mahabang pangungumbinsi muna ang ginawa ko bago niya ako pinapasok. This is a private ice skating rink, that’s why.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Ficção AdolescenteCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella