Chapter 6

26K 302 39
                                    

Chapter 6

 

-Anchor and Rudder-

 

Maya-maya pa ang next subject ko. Ang mga kaibigan ko naman ay may klase kay mag-isa na naman ako. Naisipan ko na lang na tumambay sa 5th floor ng Dela Torre building . Walang tao ngayon sa 5th floor ng building na iyon dahil meron silang aattendan na symposium. Mahangin sa taas at kalmado kong dinudungaw ang paranymphus habang nakapatong ang magkabilang siko ko sa railings.

Biglang napasok sa isip ko ang napakagandang boses ni Ace habang kinakanata ang paborito kong kanta na ‘Stutter’ ng Maroon 5.

“I really need to know, or else you gotta let me go~” nakangiti pa ako habang kinakanta iyon pero hindi ko na naituloy dahil may kumanta ng kasunod na lyrics kaya napalingon ako.

“Oh! You’re just a fantasy girl. It’s an impossible world. All I want is to be with you always,~” makahulugan niya akong tinignan at yumuko siya saglit habang nakapikit bago muling tumingin sakin at ipinagpatuloy ang kanta. “I’ll give you everything. Pay some attention to me. All I want is just you and me always... give me affection, I need your perfection coz you make me feel so good, you make me s-s-stutter~” hanggang dun lang ang kinanta niya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Halos maging bato ako sa kinatatayuan ko dahil kay Ace. May hawak siyang maliit na black box na para bang lalagyan ng kwintas.

Pero napansin kong hindi pala nag-iisa si Ace. Nakita ko sa likod niya ay magkaka-akbay sina Stan at Inno habang si Mikko ay nakasandal sa railings ng hagdan pababa. Parehong nakangiti sa akin si Stan at Inno, puwera lang kay Mikko dahil malayo ang tingin niya at tila ba walang pakialam sa nangyayari... pero ano nga ba ang nangyayari ngayon?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ace na nakangiti pa rin sa akin. Malayo sa suplado niyang pakikitungo sa akin.

“So,” panimula niya, “hindi ka pa ba magtata-talon sa tuwa dahil kinantahan kita?” May halong pang-aasar ang ngiti niya.

Naramdaman ko ang pag-ikot ng tiyan ko dahil sa kilig. Bakit ka ganyan kagwapo Ace? Nakakapikon. Pero hindi. Dapat hindi niya mahalata na kinikilig ako.

“Epal mo. Tss. Tabi!” Binangga ko pa ang balikat niya nang sinubukan ko siyang lagpasan pero mabilis ang kamay niya at nahablot niya agad ang braso ko.

The next ting I knew, pinapalibutan na ako ng SQ. So, what now? Ano ba talagang meron?! First, the singing then ngayon, pinapalibutan naman nila ako.

“W-Woah! Hey! Bakit nyo ba ako pinapalibutan? Fuck off!” Tumawa lang sila na parang walang narinig.

Napansin ko naman na nagtinginan silang apat at if communicating through their eyes. Bigla na lang hinawakan ni Stan ang kaliwang braso ko at si Inno naman sa kanang braso ko. Para bang kriminal ako na pinipigilang makatakas. Naglakad si Ace papunta sa likod ko habang naka-crossed arms lang si Mikko sa harap ko.

Masyadong nafocus ang tingin ko kay Mikko at di ko na namalayan kung ano ang malamig na bagay na naramdaman ko sa leeg ko. Binitawan na nila ako after malagay ni Ace ang isang... kuwintas.

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon