Chapter 18

20.3K 195 50
                                    

Chapter 18

 

-Won the Game-

 

Ang bilis niyang maglakad. Palibhasa’y matangkad kaya ang laki ng mga hakbang. Hingal na hingal na ako kakahabol sa kanya. Kanina pa kami paikot-ikot sa lugar na ‘to at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapiling lugar.

“Mikko teka! I can’t breath!” Pagkasabi ko nun ay biglang siyang huminto sa paglalakad at humarap sakin.

Nakahawak ako sa mga tuhod ko kaya kinailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya.

Tumaas ang kilay niya at ngumuso ma para bang may mali akong sinabi. “Letche! Hindi yung ‘I can’t breath’ ng SDTG ang sinasabi ko. I literally can’t breath, okay?” sabi ko at yumuko ulit para maghabol ng hininga.

Bata pa lang ako ay mabilis akong mapagod kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit hingal na hingal na ako.

Nagulat ako nang may maramdaman akong haplos sa likod ko. His touch was so warm that I forgot I’m having a hard time breathing. Nang naging maayos-ayos na ako ay naglakad na ulit kami. Pero ngayon ay mabagal na ang lakad niya at sinasabayan na niya ako di gaya nang kanina na aakalain mong hindi kami magkasama dahil sa sobrang layo namin sa isa’t-isa.

“Ano wala ka pa rin bang napipiling lugar? E ang ganda nitong lugar na napuntahan natin ah. Ayun!” sabay turo ko ka may sunken garden, “magandang view ‘yan!”

Tinignan niya naman ako ng masama habang nakapamewang pa. Ang gwapo-gwapo niya talaga sa itsura niyang ‘yan. Simple lang siya ngayon. Naka black v-neck shirt and pants tapos ay may suot na naman siyang snapback. And highlight ng look niya ngayon ay ang aviator sunglass niya.

“You’re so primitive.” Umiling siya at nanguna na naman sa paglalakad.

Kahit na sabihin nating crush ko siya, naiinis ako sa kanya ngayon. So sinasabi niya na ang tanga ko? Ihampas ko kaya sa ulo niya ang DSLR ko?

Nahinto na naman siya bigla sa paglalakad at muntik pa akong bumangga sa likod niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya tumigil pero alam kong hindi niya rin naman ako sasagutin nang maayos kaya hinayaan ko na lang siya.

“Hoy upo lang ako ah? Tagal mong maghanap ng lugar e.” Pumunta ako sa may di kalayuan na bench. Medyo kinakalawang na ito sa ibang parte pero masasabi kong maganda ang pagkaka-disenyo ng bench na iyon.

Hindi ko alam pero that bench suddenly gave me a peaceful feeling. Sa sobrang overwhelming ng feeling ay napapikit na ako ng mata ko habang nilalasap ang paghaplos ng hangin sa mukha ko.

“Okay. Good. Nice shot.” Bigla akong napadilat. Naaninag ko agad ang itim na sneakers niya. Pagtingala ko ay nakita ko si Mikko na tinitignan ang mga litrato sa kanyang DSLR.

“Oh my God! Kinuhanan mo na ako ng litrato?!” Napatayo ako bigla at lumapit sa kanya. “Uy ‘di pa ako ready nun e. Mikko naman! Ayaw ko ng stolen e.”

The Boy Band's Muse [C32 Updated]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon