Chapter 16
-Crush -
“You shouldn’t hold my hand. We’re not even friends.” I said in a very minimal voice na I doubt if Mikko heard it. Bigla siyang huminto at humarap sa’kin with no expression on his face.
“Don’t worry. Hindi ko naman din gusto,” aniya at binitawan ang kamay ko. “If I didn’t hold your hand, it seems like you have no plans on going out.”
Nagkibit-balikat siya - his favorite gesture. Saka naglakad na papunta kina Ace na busy sa pagse-set up ng mga instrumento nila.
Naiinis ako sa pagiging abnormal ko ngayon. Ang OA ko na ba? I hate how I’m so awkard around him. Hindi ako ganito dati. Pero ang mas nakakainis? Yun siguro ay ang biglang pagkawala ng so-called feelings ko for Ace. Maybe... Maybe I don’t have that kind of feelings for him.
Nabalik ako sa katauhan nang may umakbay sa akin. It was Ace. Mapungay ang mg mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“You okay? Kanina ka pa walang buhay ah. Napilitan ka lang ba talaga pumunta?” Kita ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya. “Gusto mo ba hatid na kita sa bahay niyo?”
Umiling ako at ngumiti. “OA ka. I’m fine nga. Uh,” I tried searching for words pero hindi na ako makaisip. Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Ace.
He whispered something to my ear that melted my heart. “HIndi ko alam kung may problema ka. But I’ll do anything to see you smile. O kahit yung pagtataray mo na lang ang makita ko. ‘Wag lang yung ganito. Yung malungkot ka. Matamlay. You’re my muse. Make me inspired tonight.”
Humiwalay na siya sa yakap. Natawa ako bigla at hinampas ko siya sa balikat nang pabiro. “My God! Ang cheesy mo Ace. Yuck!” At tumawa akong muli. Hindi ko alam kung bakit imbis na kiligin ako sa sinabi ni Ace ay natatawa na lang ako.
Proof siguro na I see him only as a friend na lang. I’m fine with it. Yun nga lang ay nanghihinayang ako. We could’ve looked good together. Sayang.
Maya-maya ay naka-ready na ang mini stage na iniset- up nila. Halos ako pa lang at si Patrice ang nanonood sa kanila. Pero nang magsimula na silang kumanta ay unti-unting pumalibot ang mga tao. May mangilan-ngilan na nagsisimula nang magtilian. Of course si Ace ‘yan. Marami talaga ang kikiligin.
Well, maybe, I’m an exception now.
I winced at my thought. Kaya nag-focus na lang ako sa kinakanta ni Ace. At naki-cheer na rin sa mga tao. Iba-iba ang mga kinakanta nila. Pero usually ang tinutugtog ay mga kanta ng Maroon 5, One Republic, Imagine Dragons, at ngayon kinakanta nila ang The Scientist ng Coldplay. One of my favorite songs.
“Nobody said it was easy. It's such a shame for us to part. Nobody said it was easy.
No one ever said it would be this hard. Oh, take me back to the start~” Kanta ni Ace habang nakapikit pa ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Boy Band's Muse [C32 Updated]
Novela JuvenilCan you still put back together the pieces that were shattered twice? ©2014 Shynnederella