@19

5 0 0
                                    

Gin's POV

Nandito kami sa room ni Kai.
Kahapon lang siya nagising.
Nasa round table kami ng clinic.
Napakaseryoso ng paligid, well, maliban lang kay ate na masayang kumakain ng chocolate cake, snickers, at chocolate shake.

Favorite niya ehh...
Basta wag ka lang kakain sa harap niya ng chocolate, hindi ka malilintikan sa kanya.

"We need to finish the mission" sabi ni Kai. The truth is... Ayaw ko siyang tawagin na Com or Commander, reason? La lang, nakakaumay kasi ehh...

"Punta tayo maglibot!" Biglang sabi ni Ate. Sinamaan siya ng tingin ni Kai. Pero dahil may lahi siyang makulit at childish ay nag-pout siya.

Sensitive si Kai sa mga mission. Ayaw niyang napapahaba ito ng dahil lang sa wala.

"Mission first" cold niyang sabi.
I accidentally read his mind. Na-open kasi ng konti nang di niya sinasadya.

'Cute'

Wat da heck?! Si Kai ba yun?

"Gin ba't ka nakanganga?" Laira

Agad kong isinara ang bibig ko.

Nakita ko ang pagtingin sakin ni Kai ng masama. Hehehe...

Nginitian ko siya ng nakakaloko. Pero tinaasan niya ako ng kilay.
Bading ba to?

"No I'm not" nabasa niya ulit utak ko.

"Yes you are" paghahamon ko. Nakakunot ang noo ng mga kasama namin. I can feel the pressure and so as them. Well, except sa isa diyan na kumakain ulit ng ika-7 na serving ng cake niya and as usual, chocolate.

"Libot na tayo" sabi niya, breaking the silence.

"I said...

NO!" sigaw niya. Tumayo siya at malakas na binagsak ang kamay sa mesa. Nahulog lahat ng gamit na nandidito sa mesa pati na rin yung...

Oh shit!! Ba't yung CAKE pa!

Ang kaninang pressure ay napalitan ng madilim na awra. Awrang galing kay ate.

"What. Did. You. Do?” malamig na sabi ni ate.

Nanindig ang balahibo ko sa buong katawan, literal!

Need to do something bago pa may mangyaring masama.

Cole's POV

Biglang umalis si Gin.

Gin! Bakit ka umalis.
Huhuhu, anong gagawin namin sa ate mo.

"YOU!" sabay duro ni Ax? o si Glacier kay Com.

T-teka saan niya nakuha yang sangang yan!

Inilapit niya ang mukha niya kay Com at kita ko rin ang paglapit ng matulis na sanga sa leeg niya.

Nakita ko ang konting pag-agos ng dugo mula sa leeg ni Com.

"MUST" mas diniinan niya ang sanga sa leeg ni Com.

"PAY" nakakatakot na sabi niya. Hindi makagalaw si Com, yes! I understand him, nakakatakot na talaga si Glacier!

Itutusok na niya sana ang sanga nang...

"Ate Glacier! The cake is here! One Black Forest for you" nakangiting sabi niya pero kita sa mata niya ang takot.

Ano bang ginagawa niya?! There's no time fot this! Masasaksak na si Commander!

"Wahh! My cake!" Napatingin kami kay Glacier na naging Ax na!
Binitawan niya ang sanga at patakbong kinuha ang cake kay Gin.
Napanganga nalang kami.

 Childish Psycho [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon