(Pagpapatuloy)
Third person's POV"Ang kapangyarihang Dimensional Time ay ang makapangyarihan sa lahat.
Ang Dimensional na kung saan ay may kakayahan ang prinsesa upang makapunta sa iba't-ibang dimensiyon o realm.
At ang Time kung saan ay nakakayanan ng prinsesa ang patigilin ang oras. She can bring back the past, apektuhan ang kasalukuyan at baguhin ang hinaharap. She knows when some one will die. Kaya niyang idikta at baguhin ang oras ng iyong pagkamatay.
Maaring siya rin ang kukuha ng iyong buhay. Kaya niyang patagalin at kaya niya ring paikliin. She can also bring back life.
That's how powerful the Dimensional Time is.Okay back to the story...
So yun nga, nasa kanya ang pinaka-unang kapangyarihan.
Matapos ang anim pang buwan ay mas gumanda pa ang prinsesa. She now looks like a typical fourteen years old girl pero ang totoo ay 9 months old pa lamang siya.
Dito sa Mythicia, ma-i-aaply mo ang kasabihang...Don't judge the book by it's cover at;
Looks can decieve.
Sa edad na 9 months old ay nakayanan ng prinsesa na kontrolin ang lahat ng kanyang kapangyarihan.
Sa katunayan ay napanood niya ang mga pangyayari sa Levidia. Ang kapanganakan ng kanyang mga kambal ngunit hindi kadugo. Ang pagkapula ng buwan, ang digmaan at ang ginawa ng White Sorceress.
Siya rin ang gumawa ng portal na nagdala sa mga sanggol dito sa Mythicia.Kinupkop sila ng pamilya Star.
Na-immune ang mga sanggol sa mga goddess particles sa hangin kaya mas napabilis ang paglaki nila, physically. After 1 year and six months ay parang magkakaedad na sila ng prinsesa ng Mythicia dahil sa outward appearance nila, pero ang totoo ay nine months old ang prinsesa ng Levidia at ang bagong lady habang 1 year and 3 months old ang prinsesa ng Mythicia. Sa panahong ding iyon ay kinoronahan ang prinsesa ng Levidia, ang ina, bilang reyna.Naging matalik silang magkakaibigan. Wala silang tinatago na anumang sikreto sa isa't isa kaya alam ng prinsesa ng Levidia at bagong lady kung saan sila nanggaling.
Isang araw ay pinilit ng dalawang Levidian ang Prinsesa ng Mythicia na dalhin sila sa Levidia, pero ayaw ng Prinsesa na dalhin sila doon dahil maiiwan siyang mag-isa. Ayaw siya kasing paalisin ng kanyang mga magulang.
Pero dahil makulit ang dalawa at nahawaan yung isa ay kinulit nila ang hari't reyna ng Mythicia. The King and Queen agreed but in exchange, pipili sila ng dalawang katawan sa kanilang tatlo at ang mga katawang iyon ay maiiwan sa Mythicia.
Ang napili ay ang katawan ng Prinsesa ng Mythicia at katawan ng Prinsesa ng Levidia. Matapos ang pagpipiling iyon ay ginawa na nila ang ritual. Ang ritual ng pagsasalin ng dalawang kaluluwa sa katawan ng bagong lady. Matapos ang matagumpay na pagsasalin ay naging halo-halo ang mga ugali ng katawan ng bagong lady. Kaya napag-desisyunan ng tatlo na dapat ay hatiin ang 12 na buwan para alam nila kung saan magiging malaya ang isa upang kontrolin ang katawan. Sa ngayon ang Prinsesa ng Mythicia ang kunokontrol sa katawan.
Matapos iyon ay gumawa ng portal ang Prinsesa ng Mythicia na nasa katawan ng bagong lady -siya kasi ang unang kokontrol- patungong Mortal World, ang mundo kung saan ay walang mahika. Nang makapunta sila doon ay bumagsak sila sa gilid ng gubat. Ginamit ng Prinsesa ng Mythicia ang isa sa kanyang mga kapangyarihan upang gawin ang kanilang katawan na isang typical na bata. May nakakita sa kanilang dalawang tao, sila ay Levidians at kinupkop sila ng mga ito.
And the rest is history, am i right?
Genos Icel Fox or should I say, Genos Fox Flaxinia?" Mahabang pagkukuwento ni Ax
Bakas sa mga mukha nila ang salitang 'confusion'.
Biglang may nagtaas ng kamay."Curious ako, ano nang nangyari sa katawan ng dalawang prinsesa" Milo
BINABASA MO ANG
Childish Psycho [Hiatus]
FantasyA girl with many secrets, a girl with many things that you wouldn't believe she know. Things that you didn't know exists. Things that will make you too surprise, to the point that you'll doubt yourself if you really know things the way it work. The...