Gin's POV
Mag-iisang linggo na ako dito sa school. Mag-iisang buwan narin simula noong huli kong makita si ate. Well, wala akong pakialam sa kung saang lupalop siya nakarating kasi alam kong ayos lang siya and besides, malakas siya.
Malapit narin ang mga loob namin, ako at mga royals, alam ko na rin ang mga ugali nila at kung sino ang dapat katakutan, which is him, nasa cafeteria kami.
Pero di ako takot.
"Gin, nasaan na yung ate mo?" Cole
"Oo nga isang buwan na kayo dito pero hindi namin nakikita ang ate mo" Mikah
"Ano bang itsura niya?" Teren, hay... Babaero talaga nito!
"Hindi ka nag-aalala?" Laira
"Hahaha... Hinay hinay lang, mahina ang kalaban" sabi ko
"Anong mahina? Ang lakas mo kaya, kaya nga second rank ka... Tanga lang" pambabara sakin ni Ara.
Siya yung babaeng naka-agaw ng atensiyon ko nung una pero pinagsisisihan ko na dahil nalaman kong isang maingay at palabarang babae to! Karindi...
Tsaka, btw hindi nila alam na guard ko si ate, long story short, kami lang at mga head of the academies ang may alam. Sa mga nakalipas na araw ay naganap ang leveling para sa sectioning nakasali ako sa section ng mga royals lamang, noon kasi ay hindi handa ang section nila kaya naki-class sila sa dating section namin na para sa mga nobles.
"Ikaw ba kausap ko? Papansin ka rin ehhh... Nohh!" Sabat ko
"Syempre kasi isa akong kapansin-pansin na tao" pambabara niya. Hindi ko nalang siya pinansin at sinagot ang mga tanong nila.
"Yup! Hindi ako nag-aalala malaki na siya at kaya na niya ang sarili niya at isa pa, walang makakatalo sa ugali niya" sabi ko
Biglang may pumingot ng tenga ko at si Ara papansin pala.
"Wag mo akong isantabi kapag kausap pa kita" sigaw niya
"Aray!" Sabi ko at marahas na tinanggal ang kamay niya sa tenga ko.
"Ouchie! Masakit yon" at nagsimula na ulit kaming magbangayan.
Laira's POV
Hi! Ako nga pala si Laira, prinsesa ako ng Light Kingdom. Light rin ang power ko.
Habang nagbabangayan ang dalawa nag-usap naman kaming apat, si ako, Mikah, Cole, at Teren. Tahimik na nagbabasa yung isa.
"Sa tingin niyo, nasan na kaya yung ate ni Gin?" Teren
"Ewan. Tayo ang makakasama dito sinong makakaalam? Bobo lang" bara ni Mikah.
"Hmmppp" hala bakla ba si Teren?
"Big Revelation! Bakla kaba Teren?" Inunahan ako ni Cole.
"Ano!? Tong mukhang to? Bro, marami kayang babae ang humahabol para lang dito" sabay turo niya sa mukha niya.
"Guys, diba hindi nakipag-leveling yung ate ni Gin? Pano na yan sa lowest section na siya" sabi ko
[A
: May tatlong section ang Academy, ang una ay ang Beginners Section o ang tawag ay Blue-Red Sect. Just like it's name is the color of their uniform. Sa Noble Section o ang tawag ay Grey-White Sect. ganyan din ang kulay ng uniform nila. Ang huli naman ay ang Spectrum-Black Sect. kulay Gold at Black ang uniform at may badge sila na kung saan ang ito ang pipili sa kanila.]
Magsasalita pa sana si Cole pero may sumigaw galing sa bubong ng cafeteria, sa taas namin...wait, taas ni commander pala.
Nabutas yung bubong sa taas ni commander at mas luminaw na boses ito ng isang babae.
"Kyahhh!!!!!" Malakas niyang sabi.
Bago pa man kami maka-react ay nahulog siya sa puwesto ni commander. I felt sorry for her... Goodluck nalang sa buhay mo ateng.
Nagkaroon ng makapal na usok sa puwesto ni commander at nang babae. Tumingin ako sa mga mukha ng kasama ko, all of the royals are paled faced like me cause we know what will happen to the girl pero nagtaka ako nang makita kong napabuntong-hininga si Gin at may pagka-amuse ang expression niya, pero may bahid na pag-alala. Okay? Hindi ba niya alam ang mangyayari sa babae? Sa tagal naming magkakasama!
Nawala na yung usok at napalaki nalang ang mata namin nang makita namin yung puwesto nila, nakakandong ang babae kay commander.
Bago pa namin siya iligtas kay kamatayan ay tumayo na siya at pinagpag ang kanyang suot sabay sabing...
"That was cool!!! Bro thanks sa pagsalo sakin" sabi niya at hinawakan ang braso ni commander at pinatayo siya. Pinagpagan niya rin ang damit niya. Tiningnan ko ang mukha ni commander at poker face siya pero may expression siya na hindi ko alam, mahirap siyang basahin.
"Ahh... Miss" tawag ko. Lumingon siya at walang makikitang facial feature sa kanya dahil natatakpan ng buhok ang mata niya at naka-facemask pa siya.
What she said was not expected by us royalties kasi kami lang ang nakarinig...
"Hey baby! Miss me" sabi niya at inakbayan si Gin.
BINABASA MO ANG
Childish Psycho [Hiatus]
FantasyA girl with many secrets, a girl with many things that you wouldn't believe she know. Things that you didn't know exists. Things that will make you too surprise, to the point that you'll doubt yourself if you really know things the way it work. The...