"Lagi mong tatandaan na hinding-hindi ako magsasawang suyuin ka sa oras na nagtatampo o galit ka."
"Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo para lang magustuhan kita! Itatak mo dyan sa isip mo na minahal kita sa kung ano o sino ka pa!"
"Ikaw lang ang babaeng nagpabago sa gagong tulad ko. Kaya hinding-hindi kita susukuan anumang mangyari."
"Pag layuin man tayo, promise hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo."
"Ikaw lang at wala ng iba. Sayo ko lang naramdaman ang ganito."
"Hindi man ako perpekto, pero handa naman akong ibigay ang lahat ng kayang ibigay ng isang lalaki!"
"Promise mamahalin kita at sana... Last kana!😢"
Mga salitang labis kong pinanghahawakan dahil yan lamang ang kayaman na pinaka tatago tago ko.
Hindi man tayo hanggang huli, atleast naiparamdam ko ang mga bagay na deserve mong makuha.
Hindi man tayo nagkatuluyan, atleast alam kong hindi ako nagkulang bilang girl friend mo.
Siguro nangyari ang lahat ng ito dahil sa plano narin ng ating panginoon.
Hindi man nabuo ang love story natin, pero tayo naman ang nabuo.
Siguro sa ngayon, tanggapin na lang natin na hindi tayo ang nakatakda para sa isa't isa.
Siguro, meron talagang taong nakalaan sa'tin para punan lahat ng kulang na hindi natin naipagkaloob sa isa't isa.
Sa ngayon, susubukin kong makaahon sa balon na hindi ko tiyak kung gaano kalalim. Siguro mahirap pero kakayanin!
Pero ito lang ang tanging ipapangako ko,
"sa oras na makalimutan na kita, ipapamukha ko sayo na itong babaeng 'to... ang siyang babaeng pinakawalan at sinayang mo! I am unique at hindi ka na makakakita ng babaeng katulad ko!"Sayang! mahal na mahal pa naman kita! Pero anong magagawa ko kung ikaw mismo ang kusang huminto? May magagawa pa ba ako? Ayoko ng ibalik ang mga oras na mahal pa natin ang isa't isa dahil alam ko na mauulit at mauulit rin lang ang mangyayari.
Kung ipagpapatuloy pa natin ang kahibangang ito, parehas lang tayong masasaktan at mahihirapan sa huli!
Kaya habang may natitira pang pagmamahal at awa para sa aking sarili ay bibitiw na rin ako.
Hindi ko naman kayang ipagtulakan ang sarili ko sa taong mas pinili ang mapalayo kesa sa ipaglaban ako at ang pagmamahalang aming pilit binuo!
BINABASA MO ANG
The Broken Pieces💔
RandomSometimes when you love someone who isn't right for you, no matter how much you love them and want them back, you have to let them go.. Kwento ng babaeng handang pakawalan ang taong pinakamamahal maibigay lamang ang kagustuhan nito. Sana makatulong...