Realization no. 5: Random Questions

2 1 0
                                    

Ano ang kulang sakin?

May sumpa ba ako sa pag-ibig?

Bakit lahat sila iniiwan ako?

Am I not pretty?

Boring ba'ko kasama?

Nakakabagot ba 'kong kausap

Masama ba akong tao?

Naging selfish ba ako?

Namali ba ako ng desisyon sa pagpapalaya sa kanya?

Sana ba ipinaglaban ko ang pagmamahalan namin?

Pa'nu kung ako na lang pala yung hinihintay niyang bumitiw?

Kapalit-palit ba ako?

Hindi ba ako worth pahalagahan at mahalin?

May kakulangan ba ako bilang isang girlfriend/boyfriend?

Deserve ko bang masaktan?

Deserve ko bang maiwan?

Deserve ko ba lahat ng ito?

Pa'nu kung may pag-asa pa pala?

Willing ba akong magpatawad?

Handa ba akong magmahal muli sa taong minsan na akong sinaktan?

Bakit ako pa yung nagmukhang mali at masama?

Bobo ba ako? Honor student naman ako ha?

Tanga ba ako pagdating sa pag-ibig?

Kakayanin ko kaya ng wala siya?

Pa'nu kung naghintay pala siya na ipaglaban ko yung kami?

Anong mararamdaman ko kung nakahanap na siya ng iba?

Magiging okay pa kaya ako?

Meron pa kayang lalaking handang i-keep ako?

Kelan ko kaya ulit mararamdaman ang tinatawag nilang Saya?

May chance pa ba akong itama lahat ng nagawa kong pagkakamali?

May lalaki pa kayang handa akong tanggapin kahit na wasak na wasak na ako?

Pa'nu kung hanggang dito nalang talaga to?

Makakaya ko bang tanggapin ang lahat lahat?

Mayroon pa kayang nagmamahal sa'kin?

Kelan ko kaya ulit maririnig ang salitang, "mahal kita, I love you, te amo, ich liebe dich at saranghaeyo?" mula sa taong mahal ko at mahal ako?


Simpleng mga salita pero nakakadala ng sakit at kirot sa karamihan.
Yung akala mo okay na, na naka move on kana pero sa oras na maaalala mo lahat ng pinagdaan at pinagsamahan niyo ay bumabalik lahat ng sakit at kirot! Yung wari'y tinutusok at sinasaksak ng paulit-ulit ang puso mo at wala kang kalaban laban.

Ganun talaga ang buhay. Kelangan nating bumangon para na rin sa iba pang nagmamahal sa atin pati na rin sa ating mga sarili.

Ang pagmamahal na ibinigay mo sa taong minahal mo ay subukan mong ibigay sa sarili mo. Kung wala mang tatanggap sa'tin sa huli, atleast alam nating mamahalin pa rin tayo ng ating mga sarili dahil yun lang ang meron tayo. Self love ika nga!

The Broken Pieces💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon