It is sad that the Lovestory that everyone's envy and look up to suddenly ended and stop.
Masakit man tanggapin pero ganun talaga. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa. PINAGTAGPO PERO DI ITINADHANA! Kung tayo, tayo talaga! Wag nalang nating madaliin ang plano ng ating Panginoon sa halip, maghintay tayo sa kanyang desisyon.
Pinagtagpo tayo para maging instrumento ang isa't isa para mas mapatibay natin ang ating paniniwala at pagmamahal sa ating mga sarili.
Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Nagpapasalamat ako sayo dahil binuo mo ang durog na ako pero ikaw rin pala mismo ang dudurog pa. Pero di naman kita sinisisi. Nang dahil sayo, mas nakilala ko ang sarili ko at mas naipalabas ko kung sino o ano talaga ang kaya ko bilang isang babae. Salamat sa pagtanggap sa'kin. Pinupuri kita dahil nabago mo ang tulad ko.
Kung wala ka noon na siyang nagmo-motivate sa'kin ay malamang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. Ikaw ang isa sa naging dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon at magawa ang mga bagay na naaayon sa aking kakayahan.
Isa ka sa naging instrumento ng Diyos na nagtulak sa'kin na maging matatag at harapin ang mga bagay na alam kong mas makapagpapabuti sa akin.Salamat sa kontribusyon mo sa bagong ako. Isa ka sa humolma, nagtayo at bumuo sa taong ito ngayon.
Hindi man tayo hanggang huli, masaya na akong okay tayo pareho. Walang samaan ng loob, walang hinanakit, at higit sa lahat nagkalinawan.
Hindi ko masasabing okay na ako ng buong-buo. Pero I will be better than okay soon. May parte pa rin sa puso ko na kumikirot sa tuwing naiisip at naaalala ka sa tuwing may nakikita akong bagay na ginagawa natin noon ng sabay. Sorry kung hindi ko kayang magalit sayo gaya ng gusto mo. Naiintindihan kita kaya walang rason para magalit at kamuhian ka. Pareho na tayong handang umunawa sa bawat isa kaya huwag tayong basta basta na lang magtatanim ng galit.
Sa mga taong labis na sumuporta at sumubaybay sa pagmamahalan natin, laking pasasalamat ko sa kanila dahil andyan pa rin sila at patuloy tayong sinuportahan sa ginawa nating desisyon. Gusto kong humingi ng tawad dahil hindi ko natupad ang gusto nila na tayo hanggang huli. Siguro dito na lang talaga. Tandaan mo na kahit anong mangyari, mahal na mahal kita kahit may mamahalin ka mang iba.
Hindi ako manghihingi ng kapalit sa pagmamahal na ilalaan ko dahil kusa ko itong ibibigay. Ang hiling ko lang ay hayaan mo akong mahalin ka lang ng palihim at patago. Wala naman na tayo sa ngayon, handa naman akong suportahan ka sa lahat ng bagay.I love you Engineer ko!
-nagmamahal,
Guro ng dating buhay mo.
BINABASA MO ANG
The Broken Pieces💔
AcakSometimes when you love someone who isn't right for you, no matter how much you love them and want them back, you have to let them go.. Kwento ng babaeng handang pakawalan ang taong pinakamamahal maibigay lamang ang kagustuhan nito. Sana makatulong...